R
- Ang mga salitang nagsisimula sa letrang "r" katulad ng (mga sumusunod: rin, raw, rito, roon, riyan) ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig (vowel).Halimbawa: Nakita ko roon ang kasintahan ni Juan.
(PATINIG - a, e, i, o, u)
- Kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa malapatinig (semi-vowel)
Halimbawa: Matagal na rin noong huli mong dalaw rito
(SEMI-VOWEL - y, w)
D
- Ang mga salitang nagsisimula sa letrang "d" naman katulad ng (mga sumusunod: din, daw, dito, doon, diyan) ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig (consonant).Halimbawa: Nakita ko rin doon ang mga magulang ng kasintahan ni Juan.
(KATINIG - b, c, d, f, g, h, j, k, l, m, n, o, p, q, r, s, t, v, w, x, y, and z)
TANDAAN:
-Hindi wastong gamitin ang "rin" o ibang mga salitang nagsisimula sa letrang "r" kung ang sinusundang salita nito ay ra, re, ri, ro, ru.
Halimbawa: Balita ko'y may tamaraw (r)aw na naglibot kanina.
- Hindi rin wastong gamitin ang "rin" kapag nagtatapos sa letrang "r" ang sinusundan nitong salita.
Halimbawa: Martir (r)in 'yang kaibigan mo e 'no?
- Hindi wastong gamitin ang "din" o ibang mga salitang nagsisimula sa letrang "d" kung ang sinusundang salita nito ay da, de, di, do, du.
Halimbawa: Pulido (d)in palang gumawa ang kasama mo sa pag-aayos.
- Hindi rin wastong gamitin ang "din" kapag nagtatapos sa letrang "d" ang sinusundan nitong salita.
Halimbawa: Malapad (d)aw ang noo ng kasintahan ni Juan.

BINABASA MO ANG
TARA NA! HALINA'T MATUTO
RandomMarahil ay marami pa rin sa atin ang walang masiyadong kaalaman sa wastong paggamit ng wikang ating binibigkas. Ika'y huwag mag-alala sapagkat narito ang butihin niyong makata para dagdagan ang kaalaman ng inyong isip at salita! TARA NA! HALINA'T MA...