Nakatingin lamang ako sa labas ng umaandar na sasakyan. Sobrang tahimik ng buong byahe namin at ang radio lang ang naririnig na ingay sa loob ng sasakyan."Anong strand kukunin mo?"
Akala ko ay hindi na siya magsasalita buong byahe. After niya kasi gawin yung pagtakip niya sa aking labi ay umikot na siya para paandarin yung sasakyan. Ipinikit ko na lang yung mata ko. I know that once my mother knows about this, she's going to scold me nonstop and baka ikulong ako sa bahay buong linggo.
"Stem strand po,"
Yun ang nais ni Mamá. Gusto niya kasing magtapos ako ng doctor. Pero hindi yun and gusto ko, I want to be a flight attendant kasi gusto kong makalaya rito sa Isla de Monte. Alam kong wala akong takas kapag naging doctor na ako. Dahil sa akin iiwan nila Lolo ang hospital na pag-aari namin.
"That's a tough one. Pero alam kong kaya mo yan. I believe in you,"
Tinignan ko siya at nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Umiwas ako ng tingin at tinignan na lamang ang aking mga daliri na nasa kandungan ko. Hindi ko alam pero bumibilis yung puso ko kapag nakatingin siya sa akin.
"Thank you po, Kuya."
Narinig ko siyang nag 'tsk' pero hindi ko na lang pinansin. Mayroon ata siyang sakit sa ulo kaya paiba iba ang ugaling pinapakita niya. Iniling ko ang ulo ko at napangiti sa mga pinag-iisip ko. Kung malaman 'to ni Mamá tiyak na pagagalitan ako nun.
Nang makarating sa mansion ng mga Montereal ay umawang ang aking labi. Mas malaki pa kasi ito kesa sa bahay namin at ang mansion ng mga Belmonte. Para itong isang kastilyo na nakatayo malapit sa dagat.
Balita ko kay 'Nay Pacita na parating dito ginaganap ang mga event ng pamilya Montereal at Belmonte. Nang makapasok ay sinalubong ko ng maraming mga tao, lahat sila ay nagsasaya at may mga hawak hawak na mga alak. Nakita ko pa nga si Kuya Xavier na maraming kausap na mga babae. Friend niya 'ata.
"Hija, finally you are here. Come here, ipapakilala kita sa mga bisita." hinawakan ako ni Tita Ingrid sa kamay at mahinang hinila sa mga kumpol ng mga tao. Nahihiyang yumuko ako dahil sa mga matang nakatingin sa akin.
"Hello, everyone. This is Anastasia Louise Zamora. Yung lagi kong ikinukwento sa inyo."
Iniharap niya ako sa table kung saan nakaupo ang mga naggagandahang mga babae. Napansin ko si Ate Sinead na nakaupo sa table nila. Nginitian ako nito at kinawayan. Saka naman ipinakilala ni Tita Ingrid ang mga taong kaharap ko. Halos kalahati sa kanila ay mga Belmonte at Montereal.
"Kinagagalak ko po kayong makilala," I slightly bend my knees to pay respect to them. Ginawaran ko sila ng isang ngiti.
"Ano ka ba, Ingrid. Sinong hindi nakakakila sa isang unica hija ng mga Zamora." Si Tita Amelia Isabella Montereal ang nanay ni Kuya Hugo. Tumayo ito upang bigyan ako ng beso sa magkabila kong pisngi. "Atsaka, kalat sa Isla de Monte na maraming nagkakagusto sa batang ito," nginitian ako nito at umupo na. Yumuko ulit ako at nahihiyang ngumiti.
BINABASA MO ANG
The Fire Within (Isla de Monte #1)
RomanceThe Fire Within (Isla de Monte #1) Anastasia Louise Zamora is the epitome of beauty. Everyone looks up to her as their role model. Her aura alone screams elegance, but to her, she is no role model; she knows to herself that being titled as one is a...