Napapikit ako ng maramdaman ko yung kamay niya sa bewang ko. Hindi na ako makahinga dahil sa init ng hininga niya sa may bandang tenga ko. Akala ko ay kung anong nangyari ng bigla siyang mahinang tumawa sa tenga ko."Silly kid. Para kang poste jan," pinitik niya yung noo ko ng malakas habang natawa pa rin. Nakita ko may kinuha siya sa may gilid ko na towel at pinatong yun sa ulo ko. "Don't worry, I won't take advantage of you. Kaya kong pigilan lahat para sa'yo. Magpatuyo ka jan at magluluto lang ako." umalis siya sa harap ko at dumiretso sa kusina.
Mahina kong pinalo yung ulo ko sa kahihiyan. May papikit pikit pa akong alam, nakakahiya! Kinuha ko yung towel sa ulo ko at pinunasan ang katawan ko habang naglalakad sa kusina. Mula rito sa sala ay rinig ko ang ingay na nagmumula sa kusina.
Nakita ko siya roon na naghihiwa ng mga ingredients niya. Base sa mga ingredients ay masasabi kong carbonara yung niluluto niya. Matapos niya maghiwa ay lumapit siya sa oven at may nilabas na mabango. Mabilis akong umupo sa counter at tinitignan yung ginagawa niya.
Nilagay niya isa-isa yung mga malalaking cookies sa plates. Napatawa pa nga ako ng bigla siyang napa-aray kasi dumikit yung daliri niya sa mainit na baking pan. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Matapos niya mailipat lahat ay lumapit siya sa akin dalawa yung plate at isang baso ng gatas.
"Ito muna kainin mo habang niluluto ko pa yung carbonara. Stay there," sabi niya at pinisil ang pisngi ko. Nag-thank you ako saka ko kinain yung cookies. Parehas sila ni Tita El ng cookies. Hindi matamis hindi rin matabang. Sakto lang.
Uminom ako ng gatas para matulak yung nakabara sa lalamunan ko. Tumingin ulit ako sa kaniya, busy siyang nagluluto habang nakahubad ng pang itaas. Napangiti naman ako, para siyang chief na nagluluto sa beach.
"Kuya err... Hugo, may girlfriend ka ba?"
Napatingin siya sa akin at napaubo dahil sa biglaang tanong ko. Ang gwapo naman niya para wala maging girlfriend. Saka sa Manila siya nakatira ngayon dahil doon siya nag-aaral ng Aviation. Maraming babae roon lalo na't aviation ang pinili niya. Saka ang ganda ng katawan niya, sayang kung wala siyang kasintahan.
"Why did you ask? Apply ka ba?" nakangiting turan niya habang nakatingin sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin at kumuha ulit ng cookies. Bakit ganun siya magtanong? Ang ayos ng tanong ko sa kaniya, eh.
"Sagutin mo na lang, po."
Ayaw pa sagutin, mukhang may girlfriend naman siya base sa mukha niya. Nagkibit balikat siya at natatawang binalik ang tingin sa ginagawa niyang paglagay ng tubig.
"Ayaw mo rin sagutin tanong ko,"
Napairap ako sa sinabi niya. "Bakit naman ako mag-apply? Saka ayaw kitang maging boyfriend." labas sa ilong na sabi ko. Napahinto siya sa sinasabi ko at ngumisi ito ng tumingin sa akin. Bumilis yung tibok ng puso ko ng bigla siyang naglakad palapit sa akin. Kaya ang ginawa ko ay kumuha ulit ako ng cookies at nilagay ko sa labi ko at umiwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
The Fire Within (Isla de Monte #1)
RomanceThe Fire Within (Isla de Monte #1) Anastasia Louise Zamora is the epitome of beauty. Everyone looks up to her as their role model. Her aura alone screams elegance, but to her, she is no role model; she knows to herself that being titled as one is a...