Dahil sa nangyari kahapon ay nandito lang ako sa kwarto nakikipag one-on-one sa mga libro ngayon. Medyo masakit na nga yung likod ko, kanina pa paiba-iba yung position ko. Nung una nakaupo na pa ako ng maayos sa upuan ko, sumandal sa headboard, humiga sa kama, umupo sa labas ng balcony, at panghuli ay ito nakahiga ako ngayon sa carpeted na sahig ng kwarto habang nakapatong ang dalawa kong paa sa kama.Kung may makakakita siguro sa akin ngayon ay iisiping baliw na ako o mas malala ay isiping 'Yan pala yung sinasabi nilang prim and proper' echos. Nagsasawa rin akong maging prim and proper, ang sakit sa likod.
"Tuloy kaya yung ituturo sa akin ni Mamá na pagbuburda?" tanong ko sa sarili ko, simula kasi kaninang umaga ay hindi ko siya nakita, ang sabi naman ni 'Nay Pacita ay maaga raw itong umalis kaya ito ako ngayon nakakaramdam ng sobrang boring.
"Miss Ana? Kayo po ay may bisita sa baba." napabalikwas ako ng tayo ng marinig ang boses ni 'Nay Frita. Inayos ko ang buhok ko at tinignan sa salamin. Okay pa naman ang itsura ko. Lumapit ako sa pintuan at binuksan ko 'to.
"Sino po 'Nay Frita?" marahan kong tanong at tinignan siya, nakangiti ito sa akin at pinasadahan ako ng tingin.
"Sila Señora Amelia at Señora Ingrid. Pero bago ka humarap sa kanila ay mag-ayos ka ng sarili," turan nito at natatawang umalis sa aking harapan.
Aalis na sana ako sa kwarto ko pero napatingin ako sa aking sarili. Nakasuot ako ng isang night gown na medyo see through na lagpas kamay ang manggas habang sa baba lamang ng tuhod ang haba. Napapikit ako at bumalik sa loob.
"Sino ba ang nag imbita sa batang 'yon? Alam naman ng buong Isla de Monte na isang pasaway na bata ang isang 'yon."
"Kahit ako ay hindi ko rin alam, napakapasaway talaga ng batang iyon. Pati sariling ama ay sinukuan na siya."
Narinig ko ang mahihina nilang boses na halata mo sa kanila ang pagka-irita. Nang makababa ay nakita ko silang nasa kusina kasama sila 'Nay Belinda na naglalagay ng mga supot sa countertop ng aming kusina. Lumapit ako sa kanila at marahang umubo paara makuha ang mga atensiyon nila.
"Magandang hapon po, Tita Ingrid at Tita Amelia." yumuko ako ng slight at ngumiti ng umangat na ang aking ulo sa kanila. Ngumiti sila sa akin at bineso nila ako sa aking pisngi.
"Maganda umaga, Anastasia. Tara mag meryenda tayo," sabi ni Tita Ingrid at hinawakan ako sa king siko para paupuin sa tapat ng table namin.
"Ano pong sadya niyo, Titas? Umalis po kasi si Mamá ngayon, kaya wala pong tao rito sa mansion."
"Naku, ikaw ang pakay namin dito, Hija. Hayaan mo na ang Mamá mo, kahit 'wag na muna siyang bumalik. Kidding!" hindi ko tuloy alam kung ngingiti ba ako sa sinabi ni Tita Amelia o sasama ang loob pero ngumiti na lang ako, dahil matagal naman na silang magkakakilala nila Mamá. Baka ganun lang talaga sila makipagbiruan.
BINABASA MO ANG
The Fire Within (Isla de Monte #1)
RomanceThe Fire Within (Isla de Monte #1) Anastasia Louise Zamora is the epitome of beauty. Everyone looks up to her as their role model. Her aura alone screams elegance, but to her, she is no role model; she knows to herself that being titled as one is a...