-top student-
"Good afternoon, class. We're here to announce the final results from the school's examination. So expect to be also announcing our top student for this semester as I'm going to announce the scores," saad ni Ms. Ginkel, ang adviser namin, habang nakangiting nilibot niya ang kan'yang tingin sa 'min habang hawak-hawak na niya ang test papers namin mula sa exam.
"Are you ready, class?" excited na tanong niya sa 'min.
"Yes, Ms. Ginkel!" sigaw nila kaya sumabay na lang kami sa pagsigaw. Medyo curious na curious na kasi ako sa magiging score ko ngayong exam, I think wala naman akong pinagsisihan sa pagsagot ng mga nakasaad na tanong sa test paper ko kaya kahit papaano, nage-expect ako na passing score ako.
"And, for our top student na naka-perfect score pa, she's no other than, Philosophia Kristin Morrice! Congrats, Philo!" anunsiyo ni Ms. Ginkel.
Lumobo naman bigla ang bibig ko dahil sa narinig. Am I dreaming or not? Hindi talaga ako makapaniwala na ako ang naging top student sa semester na 'to at naka-perfect score pa ako. Grabe ang biyaya!
"Bes, punta ka na do'n, naghihintay na si Ms. Ginkel sa pagtanggap mo ng testpaper mo," pukaw naman sa 'kin ni Dela sa 'kin. So, hindi ko talaga 'to panaginip lang, totoo pala ang lahat ng 'to!
Napatayo naman kaagad ako at tulala pa ring lumapit sa harapan kung nasaan doon naka-pwesto si Ms. Ginkel.
"Congrats, hija. Proud na proud ako sa 'yo," sinsero at nakangiting puri niya sa 'kin habang sabay na ibinigay niya ang test paper ko sa akin.
At hanggang sa makaupo ako ay hindi ako makapaniwala na naka-perfect score ako sa exam. It feels so surreal.
"And, may we move on to the next student who got forty-nine over fifty, Delancy Amora Finch! Congrats to you, hija! You did a great job! Bawi na lang tayo sa susunod na semester, ha? 'Wag kang mape-pressure rito dahil sa isa lang ang naging mali mo. Class, always remember that even if you have a failure, just keep on going, may next time pa sa lahat ng bagay, at least may natutunan na kayo sa isang failure niyo at hindi niyo na 'yon kailangan pang ulitin, okay? Okay," paalala ni Ms. Ginkel sa 'min.
Napangiti naman ako at napatango-tango. May point naman siya at 'yon ang gagawin ko parati kapag may pagkakamali akong nagawa pero hindi ko na 'yon uulitin ulit.
Pumunta naman sa harapan si Dela at kinuha ang test paper mula kay Ms. Ginkel. Nang balingan niya ako ng tingin ay binigyan ko siya ng isang malaking ngiti sa mga labi. Lumapit naman kaagad siya sa 'kin at nakita ko sa kan'yang mga mata ang lungkot at panghihinayang.
"Bawi tayo sa susunod na exam, bes. At, dapat tayong dalawa na ang maka-perfect score sa susunod. Nandito lang ako, bes," sabi ko sa kan'ya at hinawakan ang kan'yang braso.
"Yeah, you're right. Pero hindi ko lang talaga maiwasan na manghinayang, isang tanong lang at namali pa ako," nakabusangot na aniya.
"It's normal to feel that sometimes but don't mind it, okay? Makakabawi ka pa naman, isa lang 'tong pagsubok sa buhay mo, makakaranas rin naman tayo ng ganito paminsan-minsan pero nakakabawi naman," pagpapagaan ko ng loob sa kan'ya.
"Thank you, bes," aniya at nginitian ako kaya ginantihan ko rin siya ng ngiti.
***
Pagkalabas naman namin sa room ay tinahak namin ang daan patungo sa accounting department kung saan nandoon si Lyle. Paniguradong katatapos na rin nila kaya ako pupunta roon kasama si Dela.
"Ang lawak ng ngiti mo, ah?" tanong sa 'kin ni Dela kaya binalingan ko siya ng tingin at pinakita talaga sa kan'ya kung gaano kaligaya ang araw ko ngayon. On purpose.
YOU ARE READING
Metempsychosis Series #7: Fate to Alter
Fantasya collaboration series Philosophia Morrice went to a mall with a friend to buy her a birthday gift. One of the gifts she chose for herself is a fantasy book. When she arrived home, she decided to read it. In one and a half days, she finally reached...