4

20 10 0
                                    

-betrayal-

"Ano gusto mong bilhin kong nobela, Phil? Since birthday mo naman ngayon, ako na ang bahala magbayad, as a gift na lang din ito," saad naman ni Del kaya napamaang naman ako habang nakatingin sa kan'ya dahilan para mapatingin din siya sa 'kin.

"Ano'ng pagmumukha 'yan? Manlilibre nga kasi ako," natatawa niyang pahayag.

"Sure ka na afford mo ang pipiliin kong nobela?" paninigurado ko.

Tumango-tango naman siya sabay nagsalita. "Oo nga, minsan lang ako manglibre, 'no? Kasi nand'yan naman si Lyle para parati niya tayong nililibre, ngayon, dahil birthday mo naman, sariling pera ko na ang gagamitin ko para may maipanglibre o pang-gift ako sa 'yo."

"Thank you so much, Del!" masayang pasasalamat ko at niyakap siya ng mahigpit dahilan para magreklamo siya dahil sa higpit ng pagkakapit ko sa kan'ya habang yakap-yakap ko siya.

"Ang higpit ng yakap!" reklamo nito pero niyakap din naman niya ako ng pabalik. Pagkatapos no'n ay pumasok kami sa book store at doon ay hinanap ko kaagad ang isang nobela na hindi ko nabili noong mga nakaraang araw.

Pagkatapos ko naman iyon mapili at kinuha ay inilapag ko ito sa tapat ng cashier at nang matapos na mabayaran ito ni Del ay nagsalita naman bigla ang cashier.

"Magandang araw, ma'am. Salamat sa pagbili ng nobelang ito, ikaw pa po ang unang nakabili nito," nakangiting sabi ng cashier kaya namilog ang mga mata ko.

"P-Po?" utal na paninigurado ko. Baka nagkamali lang ako ng dinig. Imposible naman kasi na ako pa ang unang nakabili ng nobelang ito dahil isa pa, sikat ang manunulat na sumulat nito.

"Ikaw pa po ang unang nakabili ng nobelang ito," ulit naman niya sa kan'yang sinabi niya kani-kanina lang.

So, hindi pala ako namali nang pagkakarinig. Pero, bakit ako pa ang nakunang nakabili ng nobelang ito? Something suspicious is going on.

Hanggang sa makalabas kami ni Del sa book store na 'yon ay tinignan ko ng paulit-ulit ang nobelang hawak ko. Something smells fishy about this book. Does this have magical powers or what? Pero imposible kasi hindi naman nage-exist ang magic.

Kaya naman ay itinanong ko si Del tungkol sa sinabi ng cashier kanina.

"Naniniwala ka ba sa sinasabi no'ng cashier kanina?" tanong ko.

"Maybe? Baka swerte mo lang kasi ngayon kaya ikaw pa ang unang nakabili ng nobelang iyan na ako ang bumayad kasi gusto ko libre ko at dahil birthday mo ngayon," sagot naman niya na parang balewala lang sa kan'ya ang sinabi ng cashier, na parang hindi ito big deal para sa kan'ya.

"Hindi ka ba nakakaramdam ng kakaiba nang sabihin iyon ng cashier kanina?" dagdag ko pang tanong ngunit nakakunot na ang noo niya.

"Hindi naman, sabi ko nga baka swerte ka lang ngayon kasi birthday mo ngayon eh," sagot naman niya ulit na parang hindi ko dapat bini-big deal ang bagay tungkol doon.

Bago pa ako makakomento ay may daliri na kumudlit sa balikat ko kaya akma na sana akong lilingon sa taong kumudlit sa 'kin nang mabilis itong nakatakip sa magkabila kong mga mata.

Ngayon ko lang napagtanto na kilala ko ang taong nagtakip sa mga mata ko dahil base pa lang sa amoy.

"Hulaan mo kung sino 'to." Pinalalim pa nga nito ang boses nito kaya napangiti ako.

"'Wag mo 'kong ginaganyan, Greysen Lyle Chauffer," sabi ko naman kaysa humula pa sa kan'yang pangalan dhail halata naman na. Binuo ko pa ang pangalan.

"Buong-buo naman ang binigay mo, Philososphia Kristin Morrice," anito at sinabi pa ang buong pangalan ko.

Metempsychosis Series #7: Fate to AlterWhere stories live. Discover now