LEVIN'S POV
"Hello" bati ko kay Wendy nang makasalubong namin ito sa hallway.
Nginitian lang ako nito at kinawayan bago naglakad palayo sa'min. "Ang cold naman niya, ang saya-saya pa namin nung after party ah"
"Pabayaan mo na siya" sabi ni Jinx kaya napatingin ako sa kaniya bago nagtaka dahil sa laki ng pagitan nila ni Shin.
"Alam mo, ikaw din ang cold mo na. Simula matapos yung finals ang cold-cold mo" sabi ko na ikinakunot ng noo nito.
"Ano?" tanong nito bago tingnan si Kuya.
"Pagpasensyahan mo na si Neo kasi ang kasama kahapon" binatukan ko naman si Kuya na ikinatawa lang nito bago kami naglakad papunta sa greek myth class, ang isa sa dalawang klase na magka-kaklase kaming anim.
"Hi" muli kong pagbati kay Wendy nang makapasok kami.
Ngumiti lang ito at kinawayan ako bago inihiga ang ulo sa desk. "Ano bang meron?" tanong ko kay Jinx bago muling napatingin dito nang makita ang nag-aalalang ekspresyon sa mukha nito. "Inaway mo nuh?" tanong ko na agad nagpabalik sa atensyon nito sa'kin.
"Gago ka ba?" tanong nito pabalik na ikinatawa ko bago hampasin ang braso niya.
Nagpatuloy pa akong ganito kay Wendy pero parang hindi ako nito kilala...sa totoo lang para ngang hindi ako nito maalala.
"Sure ka ba talagang walang problema?" tanong ko kay Jinx habang nakatambay kami sa library.
"Wala nga" sagot niya na hindi ko pinaniwalaan. "Kung wala eh bakit parang hindi man lang niya ako makilala? Parang hindi nga niya ko maalala sa kinikilos niya eh"
"Ano ba kasing meron kay Wendy?" tanong ko pero imbis na sagutin ay tumayo lang ito sa kinauupuan at lumabas na library.
"Gago yun ah" komento ko at napailing na lang bago pinagpatuloy ang paggawa ng assignment namin.
Kinabukasan matapos sa greek myth namin na klase ay sabay na kaming lumabas na anim papunta sa sunod namin na klase;
"Anong balak mong gawin sa sat?" tanong ni Marx kaya napunta dito ang atensyon namin.
"I don't have any plans yet" sagot ni Shin. "Pupunta kami sa race track, sama ka?" tanong ko bago sila ituro na lima.
"Ewan, baka mag kulong lang ako sa kuwarto ko sa sabado" sagot ni Shin na ikinakunot ng noo ko.
"Magpa-araw ka naman dude, namumutla ka na eh" sagot ni Neo dito na nagpatango sa'kin.
"O-oo nga" nauutal na sabad ni Jinx na ikinatawa ko. What's with this guy?
Inakbayan ko naman ito bago nagsalita. "Ano ba yan dude, bakit ba sa tuwing kausap mo si Shin ay nauutal ka?"
"Oo nga" ani Shin kaya napatingin ako sa kaniya. "Takot ka ba sa'kin?" tanong nito at agad namang umiling si Jinx.
"Nababakla na ata to" sabi ni Neo na ikinatawa namin bago kami nagkatinginan dahil sa sitwasyon na meron.
Nang makapasok na kami sa next class ay agad kaming nagtungo sa mga puwesto namin at hinintay na lang yung iba.
"Hi Wendy!" masaya kong bati nang makita itong pumasok sa loob.
Ngiti lang ulit ang sinagot nito sa'kin bago dumiretso sa upuan nito. "Sabi sa inyo may gusto yan sa'kin" pagmamayabang ko dahil nanahimik sila pero dahil sa sinabi ko ay muli silang nag-ingay.
"Ang alam ko si Jinx may gusto din kay Wendy eh" sabi ni Neo bago mahinang sikuhin si Jinx na napangiti at bahagya ding natawa dahil dun.
"Wawa ka naman, Ako ang gusto niya" pangangasar ko na ikinawala ng ngiti niya.
BINABASA MO ANG
Love Series #5: Ti Amo
RomanceLove Series #5: Love without Fear ... Can you embrace fear in order to find true happiness? A story about Embracing Fearful Love: Is love really worth more than their fears? Will they discover that it is possible to love despite their fears? PUBLISH...