CHAPTER 10: THE HURRICANE

5 1 0
                                    

LEVIN'S POV

"You're annoying me na" sabi ni Neo habang nag-aalmusal kami.

Kanina pa kasi ako nakangisi dito dahil lasing man ako kagabi ay alam ko kung anong nakita ko at alam kong hindi ako nagde-delusyon. "May tama ka pa siguro ng alak" sabi nito.

"Jinx, kain ka pa" nakangiting sabi ni Tita Ida habang inaasikaso si Marx.

Ngumiti naman si Jinx bago tumango. "Wag ka mahiya, hindi nga kami nahihiya eh" sabi ko na ikinatawa ng mga tao sa hapag.

"Grabe kayo uminom" komento ni Tito Rius na ikinatawa namin. "Gulat na lang ako pagbaba ko nung madaling araw, nakasabunot si Pete sa buhok ni Jinx, si Levin nasa sahig nakayakap dun sa bote ng whiskey" nasamid naman ako nang marinig yun bago natawa.

"Ang maayos lang ang puwesto habang tulog si Marx at Neo" dagdag nito na muling nagpangisi sa'kin.

Makalipas ang dalawang araw ay muli na kaming bumalik sa school at pansin ko naman ang pagbubulungan at tinginan ng mga tao sa paligid namin.

"Anong meron?" tanong ko. "Jina-judge ka ata nila, talo daw kasi sa play-offs" masama naman akong tiningnan ni Shin bago binatukan.

"Masyado ba akong guwapo ngayon? Kaya ba sila nagkakaganiyan?" tanong ni Kuya dahilan para maningkit ang mata ko dahil sa inis.

"Ayan na naman siya" sabi ko na ikinatawa ni Neo.

"Manahimik ka nga!" sabay sigaw nito kay Kuya bago naunang maglakad at sumunod naman kami dito.

"Ano bang meron?" tanong ni Shin habang sinusulyapan yung mga taong nagbubulungan sa labas ng hall bago kami tuluyang pumasok sa loob ng classroom namin.

"Guys!" napalingon ako matapos mailapag ang bag ko sa upuan at lapitan si Jinx.

Binaba nito ang school newspaper sa lamesa ni Marx na agad naming pinagkumpulan. "Huh!?" sigaw ni Marx.

"This is bullshit!" sigaw ni Shin nang makita yung newspaper.

Kinuha ito ni Neo kaya napatingin na din kaming kambal. "They allowed such headlines?" gulat kong tanong bago napatingin kay Kuya na gulat din sa nakita namin.

"Nalaman ko nga lang yan nung may nagtanong sa'kin kung totoo" sabi ni Jinx kay Neo.

"Paninirang puri na yan ah" sabi ni Kuya Pete at napatango naman kami bilang pagsang-ayon.

"Hello" napatingin naman kami kay Shin nang marinig yun. "Mama, yeah. We need you. Now, Kuya's in trouble" sabi nito at hinagod naman ni Kuya ang likod ng kaibigan nang takpan nito ang mukha.

"Marx!" sigaw ni Kuya nang bigla na lang tumakbo si Marx palabas ng classroom.

"Hanapin niyo, hihintayin ko si Mama. Papunta na daw sila" sabi nito at tumango naman kami bago hanapin si Marx.

"Alam ko na!" sigaw ni Neo matapos namin ikutin lahat ng banyo at court ng school.

"Saan?" tanong namin bago ito sundan at napangiti sa tuwa nang mahanap ito sa rooftop ng school.

"Tara na, nasa dean's office na yung parents mo" sabi ni Neo at tumango naman si Marx bago hawakan ang kamay ni Neo at sabay-sabay na kaming lumabas at nagtungo sa Dean's office para ihatid si Marx.

"Ano!?" tanong ni Kuya nang pagtinginan kami sa pagpasok namin sa classroom. "Busybody" iritado nitong ani nang makaupo na ulit kami.

Nang mag-lunch ay tsaka lang namin nakita ang magkapatid. "Ano balita?" tanong namin at pansin ko naman ang pagiging matamlay ni Marx.

"Nagawan na ng paraan" sagot ni Shin pero nagkatinginan naman kaming kambal nang makitang umigting ang panga nito.

"It looks like you're not satisfy sa naging solution" sabi ni Kuya na ikinangisi ni Shin.

Love Series #5: Ti AmoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon