Love Begins with You

487 8 0
                                    

Nainlove ka na ba? Sarap ng feeling noh?

Un kinikilig kilig ka. Un excited ka bawat araw kasi gusto mo makita un taong un nagpapakumpleto ng araw mo. Un mangitian ka lang eh blush kung blush ka na.

Sinu ba ang hindi dumaan dito? Kung un ngang 5 years old pa lang eh may crush na eh. Wag mo sabihing ikaw eh wala?

Typical naman yan eh. Usually sa tuksuhan ang start, tapos magkakaroon ng crushes. Un tipong gusto mo may inspiration ka sa school. Para sipagin ka pumasok kasi alam mo na makikita mo sya. Kunwari hindi mo sya pinapansin kasi nahihiya ka sa kanya. Pero sa totoo lang, makita mo lang syang napatingin sa gawi mo eh kinikilig ka na ng sobra.

Tapos hinihiling mo na sana crush ka din niya.

Tapos hihingi ka ng signs na basehan kung may gusto din sya sayo. Kunwari, may gusto sya sayo kapag sa week na eto ay nakitaan mo sya na tumingin sayo at kindatan ka. Kaso, kapag hindi nangyari un signs na hinihingi mo, depress naman ang drama mo.

Lungkot lungkutan ka na niyan. Mawawalan ng gana kumain.

Naks! Feelingera ka na broken hearted. Emote emote ka dyan while listening to senti songs.

Eh di mo naman alam kung may gusto nga sya sayo. Binase mo lang kasi sa sign sign na yan.

Sabi nga ni Pastor, hindi daw basehan yan sign sign nay an sa pagdedesisyon sa buhay. Wala naman daw kasi kinalaman yan eh. Parang hinahayaan mo na iba ang magdesisyon para sayo. Eh paano kung hindi umayon sayo eh hindi ka na gagawa ng move para ipursue ang happiness???

Parang hinayaan mo lang na mawala ang isang bagay dahil sa sign kaek-ekan na yan.

Ako naniniwala ako sa DESTINY. Na lahat ng nangyayari eh may dahilan. Pero syempre kailangan kumilos ka din. Kasi wala din mangyayari sa destiny na yan kung nakatunganga ka lang sa kawalan. As in waiting ka na pumunta sa harapan mo si Prince Charming? Wag ganun. Hehehe.

Pero syempre tama naman na ang happiness ay dumadating ng kusa. At wag madaliin.

Hay... Ang dami naman kasing genyan na mga bagay. Minsan nalilito na ako kung anu ba talaga. Hahaha...

Well, ganyan siguro talaga kapag nag-dadalaga ka na. Ang daming iniisip na problema na hindi naman tlaga problema. Emotera lang teh!

Teka lang? Bakit ko ba pinoproblema yan mga yan?

San ba galing yan mga pinag-sasabi ko? Kadiri! hahaha

Eh ang ganda ganda ko naman. Chos! Yabang eh. Anu naman ang konek?

Eh bakit ba? Sabi ni mommy maganda daw ako. Totoo naman. Un nga lang wala naman nanliligaw sa akin. Kasi naman, may nakakainis akong classmate. Un mga balak manligaw sa akin eh tinatakot. Ayun, hindi pa nagsisimula eh atras na agad. May good side din naman un. At least maaga pa lang alam ko ng hindi sila ganun kaseryoso manligaw. Tsk!

Hay... Eto ay isang typical na love story...

LOVE STORY nga ba? Parang horror eh. Hehehe. Joke lang!

(a/n- wala lang. trip ko lang sumulat. naiinip kasi ako ngaun at wala naman magawa. hehe. comments naman dyan kung ok lang ba na ituloy ko eto. hindi naman talaga kasi ako writer. mas maasahan ako sa pag-babasa lang. thanks ng madami sa magbibigay ng time na basahin eto)

Love Begins with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon