Chapter 1
"Yyiiee!!! Kakilig naman!" wika ni Cricket habang nanonood ng paborito niyang Koreanovela. Naadik siya sa pag-mamarathon ng mga Korean series since bakasyon naman ngaun. Hindi niya malubayan ang pinapanood kahit na nga naka-ilang beses na niya naulit ang naturang series.
Mag-third year high school na sya sa pasukan. At sinusulit niya ang bakasyon kung saan wala syang iniintindi na projects, assignments at kung anu anu pang activities. Pero namimiss naman niya ang mga friends niya. Mga nagsipagbakasyon kasi ang best friends niyang si Dianne at Mhelds sa ibang lugar.
"Anak, hindi ka pa ba tapos sa pinapanood mo? Kakain na tayo ng tanghalian," tawag ng ina ni Cricket.
Ang mama niya na si Marie ay taong bahay lang. Ang papa niya na si Ernie ang nagtatrabaho para sa pamilya. Meron silang pag-aari na drugstore. Dalawa lang mag-kapatid sina Cricket at Alexie. Panganay si Cricket. Laging nag-aasaran ang mag-ate pero lambingan lang naman.
"Ay naku Momsie, mamaya pa matatapos yang si Ate. Ubusan na natin sya ng pagkain. Hehehe," asar ni Alexie.
"Teka lang Momsie, matatapos na etong episode. Ikaw talaga Alexie! Kaya ka tumataba kasi ang takaw mo!" ganti ni Cricket.
"Hmp! Hindi kaya. I'm sexier than you kaya. Ikaw ang tumataba kasi kulang ka sa exercise!"
Gumitna na ang kanilang Momsie at mukhang hindi matatapos ang asaran ng mag-kapatid. "Oy tumigil na nga kayong dalawa. Ikaw Cricket, tigil mo na yan. Mamaya pala eh nandito si Ninang Alice mo. Better help me sa pagprepare."
"Ay kasama ba niya si Kuya Allan?" kinikilig na sabi ni Alexie. Crush kasi ni Alexie si Allan.
"Hindi nabanggit ni Alice eh. Pero baka sumama ang batang un. Sinabi ko kasi na mag-luluto ako ng favorite niyang carbonara," sagot naman ni Marie.
Hindi natuwa si Cricket sa narinig. "How I wish hindi kasama ung lalaki na un. Sisirain na naman niya ang araw ko."
"Ah basta! Gusto ko makasama si Kuya Allan. Miss ko na sya," nakapout na sabi ni Alexie.
"O mag-aaway na naman kayong dalawa. Hala, pumunta na sa hapag at kakain na tayo. Ikaw nga Cricket, bakit ba asar ka kay Allan. Eh mabait naman syang bata?"
"Hala momsie! Un mabait? Duh?! Lagi kaya niya ako inaasar. Eversince lagi na lang ako ang pinag-titripan nun lalaki na un," badtrip na sabi ni Cricket.
"Crush mo lang kasi kaya ka inis. Hahahaha," tukso ni Alexie sa Ate niya.
Napatayo na lang si Cricket at tinigil na ang panonood. "Crush ka dyan. Nunca noh! Hindi ko nga gusto makita ang mukha nun." Then she went to the dining area. Badtrip na sya.
Dumating ang hapon at dumating na si Ninang Alice niya. And unlike what she hoped for, kasama nga ang kinaiinisan niyang lalaki.
"Tita Marie, andito pala ang aking Number one admirer!" masayang sabi ni Allan after magmano at nakatingin kay Cricket.
"Duh! Kapal ha! Ninang Alice, bakit ka naman nagdala ng bagyo dito?" naiinis na naman sabi ni Cricket.
"Ikaw ba yun? Si Alexie ang sinasabi ko na #1 fan ko. Guilty ka siguro." Then he winks to Alexie.
"Oo nga ate. Feeling ka masyado." At nag-appear pa ang dalawa.
"Hay ewan! Bahala nga kayo jan."
"PMS ka naman Cricket? Grabe na yan. Kelan ba titigil yan? Patingin ka na. hahaha! " hindi pa din tumitigil si Allan kahit nakita niyang asar na asar na si Cricket. He can't helped it na asarin si Cricket. Parte na ata ng daily routine niya ang inisin si Cricket. He loved to see that reaction on her face.
"Hala nag-aaway na naman kayong dalawa. Ikaw nga Allan eh wag mo masyado asarin si Cricket." Saway naman ni Ninang Alice niya.
Hindi na niya kaya na makipag-asaran kaya umakyat na sya kwarto. Dun na lang niya tinuloy ang marathon niya ng He's Beautiful. Mas gusto niyang panoorin si Hwang Tae Kyung kesa makunsumi sa pagmumukha ni Allan. Sinira na naman ang araw niya.
Nagtataka ba kayo bakit ganun na lang ang galit ni Cricket kay Allan? Pwes! Nagsimula yan nun bata pa lang sila. Magkasing edad sila. At dahil nga bestfriends ang nanay nila, lagi silang nag-kikita.
Crush talaga ni Cricket si Allan. At nalaman un ni Allan kaya lagi na syang iniinis. Nayabangan si Cricket kay Allan dahil pinagmalaki pa ni Allan sa ibang tao ang tungkol dun. Because she felt ashamed na ginagawang katatawan ni Allan ang crush niyang un, nagalit na sya kay Allan. And promised to herself na never na syang magkakagusto sa mayabang na yun.
Things don't stop there. Naging magclassmate sila nun Grade 1. At syempre, umandar na naman ang kayabangan ni Allan, at pinagkalat sa lahat na may crush sa kanya si Cricket. Though Cricket denied it to the max, walang naniniwala sa kanya.
Bakit nga naman eh gwapo ni Allan. He has a fair complexion, clean cut na buhok, medyo singkit na mata at rosy cheeks. Basta gwapo! At napaclean pang tingnan at humahalimuyak lagi. Naliligo ata ng cologne. Hindi lang un, matalino pa kasi sya ang Valedictorian sa batch nila. Active din when it comes to extracurricular activities.
Sinu nga ba ang hindi magkakagusto sa kanya? Halos lahat ng girls eh crush sya.
Yun ang kinaiinis ni Cricket. Dahil sya eh Salutatorian lang. Hindi niya matalo sa academics si Allan. "Sya na ang matalino! Ang yabang yabang niya." (Bitter masyado si Cricket! hihihi)
Lagi kasi pinapamukha ni Allan na kaya sya ang number one sa class dahil pinagbibigyan sya ni Cricket. Which is not true naman kasi kahit anong gawing aral ni Cricket eh 2nd pa din sya. Aminado naman sya na matalino talaga si Allan.
At eto pa ang lalong kinainis niya. Un mga manliligaw sana sa kanya eh hinaharang ni Allan. Sinasabi ba naman na isusumbong niya sa Dad ni Cricket. Ang mga duwag naman, nagpasindak kay Allan. At sinasabi lagi ni Allan na sya lang ang lalaking gusto ni Cricket.
Actually, hinabilin kasi sya ng Popsie niya kay Allan. Na bantayan sya lalo na kung may umaaligid na mga lalaki. At nicareer naman ng mokong. Feel na feel na obligasyon niya ako.
Well, ok na rin un. Kasi ayaw pa naman magpaligaw ni Cricket. Pag-aaral muna ang uunahin niya. Pero hindi totoo un na si Allan lang ang gusto niya. "The nerve of that guy! Grrr...."
Ayan speaking of the devil.
*Beep Beep
Message from Allan >:(
Hoy kulisap! Baba ka dito.
"Tse!" sa inis niya ay pinatay na lang niya ang phone niya at nagconcentrate sa panonood.
(a/n- How is this chapter? sensya na at baguhan lang. hehehe. suggest kayo guys kung anu need ko improve. Tia!)
BINABASA MO ANG
Love Begins with You
Teen FictionIkaw na ang magkaroon ng classmate simula grade 1 na sobrang bully. Hinaharang ang mga manliligaw mo. Tsk! Anu ba kasi ang problema niya? Papansin masyado eh. Nakakaasar talaga! Grr.... "Kasi naman, ang tagal ko ng papansin sayo. Akala mo naman lagi...