Chapter 2
Akala niya ay titigil na si Allan sa pang-iinis sa kanya. But she is definitely wrong! Dahil maya-maya lang ay sumunod sa kwarto niya si Allan. Feel at home na kasi sya dahil lagi naman sila nagpupunta dito ni Ninang Alice.
"Oh anung ginagawa mo dito? Hindi pa ba lubos ang kasiyahan mo at naasar na naman ako sayo?" pagalit na sabi ni Cricket ng pumasok si Allan sa kwarto niya.
"Eto naman, nilalambing ka lang eh. Ilang araw din kitang hindi nakita. Bah! Kailangang makabawi ako ng pang-aasar sayo. Hehehe!" Nakiupo na si Allan sa higaan niya.
Naasiwa naman si Cricket kasi makalat ang kwarto niya. Tinatamad pa kasi syang mag-linis dahil gusto niya munang tapusin ang pinapanood.
"Please lang naman Allan. Tantanan mo na ako sa lambing mo na yan. Sarap mo sapakin eh." Naiirita na naman sya dahil nakita niyang inoobserve ni Allan ang kwarto niya.
"Tsk! Kababae mong tao ang kalat kalat ng kwarto mo. Buti hindi ka pinapagalitan ni Tita Marie."
"Paki mo ba? Bakit ka ba kasi nandito?"
"Gusto ko eh. Paki mo?"
Sa inis ni Cricket eh binato niya ng unan si Allan. "Kelan mo ba ako patatahimikin lalaki ka?"
"Ilang araw ka nga tahimik eh. Hindi mo ba ako miss?" at nagpacute pa ang ngiti ni Allan.
"Never! Kapal mo din oy!" At may naalala syang kasalanan ni Allan. "Halika nga dito! At ng mapingot ko tenga mo!"
"At anu naman kasalanan ko sayo?"
"Anu na naman sinabi mo kay Robert? Bakit bigla na lang syang hindi nag-tetext sa akin?"
Si Robert ay senior sa school nila Cricket. Nagsabi ang lalaki na manliligaw sa kanya. Pumayag naman si Cricket kasi crush din niya si Robert. Mabait kasi si Robert, matalino at higit sa lahat, gwapo! San ka pa! Kaso mukhang hinarang na naman ni Allan.
"Aba malay ko. Makabintang ka ah."
"Eh sinu pa nga ba ang ang salarin? Eh ikaw lang naman ang nanakot sa mga manliligaw ko. Siguro may gusto ka sa akin at selos ka noh?"
"Oy! Oy! Oy! Kapal mo naman Kulisap. Ako may gusto sayo? Haller! May taste naman ako."
Hindi mapigilan ni Cricket ang matawa dahil sa 'Haller!' ni Allan. He sounds so gay kaya!
Kung nagtataka kayo bakit Cricket ang name niya, Crisencia Delgado ang whole name niya. Ang bantot noh? Hihihi. The name came from the combination of her Grandpa & Grandma's names from father side. Crisostomo at Pasencia. Ung Cricket na nickname niya eh dahil daw sa maingay sya nun bata pa sya lalo na kapag gabi. Kaya un ang binigay na nickname sa kanya.
Ang kapatid naman niya na si Alexie, Alexandrea ang totoong pangalan. Same reason, Alexander at Andrea naman ang names ng grannies nila sa mother side. Mas ok ang names nila lolo sa mother side. Well hindi na pwedeng maging choosy kasi malay ko naman na un ang birth name na ginawad sa akin. Kung pwede lang eh di pipili na ako ng maganda. Hehehe.
Wala naman syang reklamo kasi mahal na mahal niya ang mga lolo't lola niya. Un nga lang iniwan na sila. Takot lang niya multuhin siya kapag sinabi niyang ang bantot ng name niya. Hehehehe.
"O bakit natatawa ka dyan?" nagtatakang tanong ni Allan?
"Siguro kaya mo hinaharang ang mga suitors ko kasi type mo sila. Jelling ka kasi hindi ikaw ang type nila." Hah! Take that. Makabawi man lang ako sa pang-aalaska mo sa akin.
"AKO GAY??!!" halatang napikon si Allan. Namula ang mukha eh.
"Pwede naman. Kung maka 'haller?!' ka nga dyan, daig mo pa si Olive," Asar pa din ni Cricket. Natuwa sya kasi bihira lang na mapikon si Allan. Sya lagi ang talo kapag asaran na ang usapan.
BINABASA MO ANG
Love Begins with You
Teen FictionIkaw na ang magkaroon ng classmate simula grade 1 na sobrang bully. Hinaharang ang mga manliligaw mo. Tsk! Anu ba kasi ang problema niya? Papansin masyado eh. Nakakaasar talaga! Grr.... "Kasi naman, ang tagal ko ng papansin sayo. Akala mo naman lagi...