2

8 2 9
                                    

"ANO ka bang bata ka.” Namomoblemang sabi ng mabait na madre.


Nasa opisina sila matapos nilang sunduin ang batang si Achilles and Darius has no idea kung ano nga ba ang pinag gagawa ng isa sa mga batang sinusuportahan niya.


“Achilles ano bang nangyayari?” tanong ni Darius.
Napatingin naman sa kaniya si Achilles at saka siya nito inirapan.


“Aki? Tinatanong ka ng kuya Darius mo.” Sabi ng madre.


Bumuntong hininga lang ang binatang si Achilles.

"Wala akong problema. Ang sakin lang naman ay mapanagot yung mga lalaking yun. Nagmalasakit na nga ako, ako pa napagkamalang nagnakaw.” Inis nitong sagot.


Napahilot sa sintino ang madre saka siya tumingin kay Darius. “Pasesnya ka na Darius baka hindi lang talaga nagkaintindihan.”


Marahas na tumayo si Achilles at nakakunot itong nakatingin sa dalawa.


“Sister, bakit humihingi ka ng pasensya sa kaniya? Wala namana akong ginagawamang masama sa kaniya.” Angal nito.


Nanlilisik ang mga tingin nito sa binatang si Darius. Napansin naman kaagad ito ni Darius pero hindi niya na lang ito pinansin.


Bahagyang ngumiti si Darius at binaling ang tingin nito sa madreng nag aalala na. “Sister, iwan niyo na po mna kami. Gusto ko siya makausap na kami lang muna.” Paalam nito sa madre.


Napapikit namang pumayag ang madre.
Alam ni Darius na hindi siya gusto ng binatang nasa harapan niya pero gayon pa man ay masaya naman siyang nakikita itong lumalaki.


“Anong pag uusapan natin?” may halong inis sa boses nito.


Lumayo si Darius at saka tumalikod sa binata. “Alam mo bang hindi lahat ng tao ay mabait ang tingin sayo?”


Natawa naman si Achilles sa sinabi ni Darius. “Alam ko. Alam na alam ko. Halos naman ata kasi ng tao sa mundo ganyan eh. Kahit na siguro ikaw, hindi rin maganda ang tingin sakin.”


Napalingon sa kaniya si Darius at nakita niyang nanlilisik talaga ang mga tingin nito sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit ganito na lang ito sa kaniya sa tuwing bumibisita siya sa bahay ampunan.


Sa lahat ng mga batang tinutulungan niya ay tanging si Achilles lang laging umaayaw sa kaniya.


“May tanong ako sayo. Sana sagutin mo din ako ng maayos.” Sabi nito.


Ngumisi lang sa kaniya si Achilles at parang boss itong nakaupo sa harapan ni Darius.


“Bakit parang galit ka sakin?”


Hindi na napigilan ng binata ang pagtatanong sa kaharap nito.


Inaamin niyang humahanga siya sa katalinohan at sa pisikal na katangian ni Achilles ngunit ang pag uugali naman nito ang hindi niya nagugustuhan.


“Bakit galit na galit ka sakin?”diretsong tanong nito.


“Hindi pa ba halata yun sayo? Hindi kita gusto kaya ganito ako.” Sagot nito.


“Okay. Sabihin nating hindi mo nga 'ako gusto pero bakit pati sina sister binibigyan mo ng sakit sa ulo? Alam mong 'ni minsan ay hindi ka pinabayaan nina sister simula noong nakita kita sa gilid ng daan kaya please kahit maging mabait ka lang kina sister walang magiging problema.”


Inismiran lang siya nito na para bang wala lang sa kaniya kung sino ang kinakausap niya.


“Sabihin mo na lang kasi kung ano ba ang problema mo. Alam mo, kaya ka naming tulungan Achilless.” Nasa boses nito ang pag aalala.


Alam niya kung ano ang pakiramdam ng walang tumutulong at syempre ang pakiramdam na nag iisa kaya naman mas pinipili niyang maging komportable ang mga batang bago lang sa bahay ampunan.


“Hindi ko kailangan ng tulong mo.”


Padabog na umalis ang binatang si Achilles at naiwan namang nakasimangot si Darius nakatingin lang sa pinto kung saan lumabas si Achilles.


PANAY naman ang pagdadabog ni Achilles ng makarating ito sa kaniyang kwarto. Isa si Darius sa mga ayaw niyang nakikita sa paligid.


Noon pa man ay ayaw na ayaw niya na talaga sa taong nagmalasakit sa kaniya umpisa pa lang. Tatlong taon na din noong nakita siya ni Darius sa daan na puno ng sugat, malaki ang pagpapasalamat niya sa binata dahil doon pero nang malaman niyang madaming pinatay si Darius ay unti unti ding nawala ang pagkawili nito sa kaniya.


Malakas niyang sinipa ang trash can ng dahil sa inis. Napagsabihan na naman siya.


Tumulong lang naman ako, anong masama? Tanging nasa isip niya.


Aminado siyang masakit siya sa ulo lalo na sa loob ng skwelahan na pinapasukan niya. Halos lahat ay tama sa kaniya pero ang tanging nakakasama sa kaniyang pagkatao ay ang pag uugali naman nito.
Napatingin si Achilles sa mga litratong nakapaskil sa pader sa gilid ng kaniyang kama. Ito ang mga pinaggunting niya litrato mula sa dyaryong nabasa niya tungkol sa murdering case ni Darius limang taon na ang nakakalipas.


Hindi niya naman kaano ano ang mga biktima ni Darius ngunit may parti sa kaniya na naiinis at nagagalit siya dahil nakuha nito ang kalayaang hindi dapat binibigay sa mga taong mamatay taong katulad ni Darius.


“Kahit kailan hinding hindi ako magiging kagaya mo Darius.”


MALAKAS na sigawan ang bumalot sa gate dahil sa mga batang nakapalibot kay Darius. Kitang kita sa mga mata nito ang pagkagusto at pagkawili nila sa kanilang kuyang isa na din sa mga nag aalaga sa kanila.


“Kuya Darius bibisitahin mo ba kami uli?” tanong ni Joshua na naluluha na naman.


Napangiti naman si Darius. Sa lahat kasi ng batang nasa loob ng ampunan ay si Joshua ang iyakin. Siya din ang madalas na nagkakasakit kaya naman labis ang pag aaroga ang binibigay sa kaniya.


“Bibisita ako ulit.” Sagot ni Darius habang marahang hinihipo ang noo ng bata.


“Si ate Xyra po? Kailan naman po siya bibisita?” tanong naman ni Ethel na nasa gilid at nakatayo.
Napatingin naman siya sa madre saka ito lumingon sa bata. Hindi niya alam kung sasabihin ba niya ang totoo. Alam niyang malapit din ang puso ni Xyra sa mga batang nandito at ayaw niyang masaktan ang mga ito kapag nalaman nilang nawala na ang isa sa mga ate na kinikilala ng mga ito.


“Darius sabihin mo na lang sa kaniya sa susunod na mga araw. Alam kong maiintindihan din nila ang bagay na yun.” Sabi ng madre.


Napatingin naman ang mga bata sa madre saka ito naman ang kinulit ng mga ito.


“Sister naman. Asan po bas i ate Xyra? Nangibang bans aba siya?” pangungulit ni Darwin.


“Kung ganon may chocolates tayo pag uwi niya!” nakangiting sabata naman ni Samantha.


Hindi napigilan ni Darius na maluha dahil sa mga sinasabi ng mga bata. Buong akala nila ay nangibang bansa nga si Xyra at may mga chocolates itong dala sa kaniya pag uwi.


May parte sa puso ni Darius ang unti unting nawawasak at hindi niya kayang pati ang mga batang walang muwang ay mawalan din ng saya.


“Oo. May chocolates nga si ate Xyra pag uwi niya.” Nangiting sabi ni Darius.


Kung nasaan ka man ngayon Xyra sana nasa tahimik ka ng lugar. 

Forbidding Empath: Alter's New leaf (TST Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon