HIKBI ang bumalot sa buong bahay ng mga Guirera.
Simula na kasi ng lamay ni Xyra at lahat ng kakilala at lahat ng kamag anak ng pamilya ay naroon.
“Hindi ko akalaing maagang mawawala si Xyra sakin.” Hikbi ng ng ina nito.
Tahimik lang na nakaupo si Darius habang inaalala ang mga senaryong nakita niya sa loob ng bahay nito.
Napag alaman din nilang umabot sa labing siyam na saksak ang tinamo nito at positibo ding pinagsamantalahan ito bago patayin.
Paulit ulit na bumabalik sa isipan ni Darius ang nangyari sa kaibigan niyang hindi kailanman tumalikod sa kaniya.
“Kuya Darius, okay ka lang ba? Gusto mo ng kape?” tanong ni Kennan.
Pinunasan niya ang mga luha niya saka siya tumingin sa kapatid ng matalik na kaibigan.
“Ayos lang ako, Kennan.” Tipid na sagot ni Darius.
MATAPOS ang araw na iyon ay wala sa sariling nag tungo si Darius sa bahay ampunan na kinalakihan niy
Napangiti na lang siya habang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro sa playground.
“Bakit hindi ka pa tumuloy Darius?”Tanong ng isang pamilyar na boses mula sa likuran niya.
Napalingon naman siya at bumungad sa kaniya ang maamong mukha ng madreng tanging taong hindi humusga sa kaniya.
Ngumiti si Darius at agad na yumakap sa madre.
“Sister, na-miss ko po kayo.” Mahinang sabi ni Darius na ikinangiti ng madre.
Marahan nitong tinatapik ang kaniyang ulo. “Na-miss ka rin namin. Nabalitaan ko ang nangyari kaya alam kong malungkot ka.”
Agad na humiwalay ang dalawa sa pagkakayakap at doon na hindi napigilan ni Darius ang kaniyang pag iyak.
“Kasalanan ko po. Hindi ko siya naipagtanggol, hindi ko siya natulungan. Wala akong kwentang kaibigan.”
Nanlumo naman ang mabuting madre saka niya ito ulit na niyakap at inaya ng pumasok para doon na mag usap.
Nang makapasok sila sa opisina ng madre ay kaagad niyang pinatahan ang binata. Para parin itong bata. Isa ang madre sa mga naging saksi ng paglaki ni Darius sa bahay ampunan at kilalang kilala niya ang binata.
“Lakasan mo lang ang loob mo Darius. Alam kong makakayanan mo rin to. Ang isipin mo ay ang sarili mo lalo na’t alam nating maaari kang mapagsamantalahan ng iba mo pang kataohan. Kaya kung maaari ay magpalakas ka at wag magpapatalo sa lungkot.”
Ngumiti lang ng bahagya ang binata at saka siya tumingin sa madre. “Sister, kung babalik sila matatanggap mo pa rin ba ako?”
Biglang nakaramdam ng awa ang madre. Alam niya ang hirap at pag durusa na dinanas ni Darius. Halos walang gustong kumausap sa binata at halos walang naniniwala sa kaniya. Walang nakakaintindi sa kondisyong meron ang binata kaya naman labis na lang siyang naaawa rito kapag nakikita niya itong umiiyak ng mag isa.
Sariwa pa sa alala niya ang pag uwi ni Darius mula sa isla limang taon na ang nakakaraan. Nang bumaba ng Bangka ang binata ay kita niya ang pagtataka at gulong gulong reaksyon nito. Pilit nitong kinakausap ang mga pulis at pilit na nagmamakaawang hindi siya ang pumatay sa mga kasama nito sa isla. Ngunit malakas ang ibendensya lalo na at may dalawang taong nakaligtas sa pangyayari at iyon ay si Kennan at si Xyra.
Muli lang itong nakabangon dahil sa tulong din ng mga ito pero hindi rin madali ang pinagdaanan ng binata sa kamay ng kuhuman kung saan pinapalabas na siya talaga ang murderer.
Malaki ang pasasalamat niya nang tumulong ang titang psychologist nina Xyra at Kennan. Dahil sa tulong ng mga ito ay nalaman nila ang tunay na kondisyon ni Darius, na sa kabila ng mala anghel nitong mukha ay may mga nagtatago palang katauhang matagal nang pinagpaplanohan ang masamang balak na yun.
“Kamusta nga pala ang mga libro mo, Darius?” pang iiba ng madre.
Gusto niyang makalimutan na muna ng binata ang lungkot at ang pagkawala ni Xyra kahit saglit lang.
Muling ngumiti ang binata. “Maayos naman po sister. Ang librong yun, ay ang librong mula sa tunay na karanasan ko. Hindi ko akalaing may magbabasa pa ng mga ganon at sana lang maintindihan din nila ang isang katulad ko.”
“Tiyak kong maiintindihan ka din nila. Hindi biro ang magkaroon ng ganoong kondisyon at kahit ako, hindi ko akalaing is aka ring biktima ng pang aabuso. Hindi ko kasi nakikita ang sakit at paghihirap mo noong kabataan mo kaya parang naging kampante lang din ako.” Sabi ng madre.
Akamang magsasalita pa sana si Darius nang biglang may batang malakas na kumatok sa pinto ng opisina at tinatawag ang pangalan ng madre.
“Anong nangyayari Joshua?” nag aalalang tanong ng madre.
Humikbi lang ito saka ito yumakap kay Darius.
Si Joshua ang isa sa mga scholar ni Darius. Simula nang magkaroon siya ng pera dahil sa pagsusulat ay kaagad niyang sinuportahan ang mga batang nag aaral sa bahay ampunan.
“Bakit ka umiiyak. Josh?” tanong ni Darius.
Agad namang humiwalay ang bata saka ito nagsalita. “Si Kuya Achilles po hinuli ng mga pulis.” Sagot nito.
Napatingin naman si Darius sa madre. Hindi nito alam ang pinag gagawa ni Achilles sa eskwelahan at hindi pa naaabisuhan ng mabait na madre ang binata.
“Sister, may kailangan ba akong malaman?” tanong ni Darius.
Napabuntong hininga na lang ang madre saka nito pinayuhang lumbas na muna ng opisina si Joshua para makwento nito ang tunay na nangyayari sa bahay ampunan.
“Hindi lang ako nagsasabi Darius pero simula noong dumating si Achilles dito, hindi na nahinto ang gulo.” Pauna ng madre.
Kumunot naman ang noo ni Darius. Sa mga nakikita niya kasing grades ni Achilles ay matataas kaya naman mataas din ang expectations nitong mabait itong bata.
“Ano po ang pinag gagawa ng bata?”
“Madalas siya ang nagdadala ng away sa school nila. Lagi siyang nasasangkot sa gulo at hindi ko na alam kung ano ang gagawin sa bata yan.” Sagot ng madre habang mariing hinihilot ang noo nito.
Napapikit naman si Darius saka tumayo. “Samahan niyo po akong kunin siya sa presinto. Ayaw kong magtagal ang bata sa ganong lugar, hindi maganda yun sa kaniya.”
Isang High school student noong inampon nila si Achilles. Kagaya niya ay wala na din itong magulang para magpalaki sa kaniya. Ang kwento nito sa kaniya ay naghiwalay ang mga magulang nito at napunta siya sa puder ng nanay niya. Habang lumilipas ang mga araw ay ganon din kabilis na magpalit ng kinakasama ang nanay niya at lahat ng nagiging step father nito ay pinagmamalupitan nito at wala man lang ginawa ng nanay nito para ipagtanggol siya hanggang sa tuluyan na ngang nanganib ang buhay ng mag ina sa huling kinakasama ng nanay nito.
Hindi niya makalimutan ang araw na nakita mismo ng mga mata niya ang batang si Achilles na ngayon ay isa ng ganap na binata.
Halos pariho sila ng dinanas sa buhay at malaki ang pasalamat niyang lumaki namang normal ang batang tinulungan niya at nagagawa naman nitong makipaglaro’t pakikipagkaibigan hindi kagaya niya noong kabataan niya.
“Darius, baka pagod ka na ako na lang ang pupunta.” Presenta ng madre.
Ngumiti ang binata. “Sister, ayos lang ako. Saka gusto ko ring makita si Achilles para makausap ko na din siya kung ano ba ang problema niya.”
Ngumiti ang madre. Hindi niya lubos maintindihan, sa dinami dami ng tao bakit pa sa batang si Darius pa napunta ang kondisyong mahirap labanan. Kung tutuusin masyadong mabait ang binata at makikita mo talaga ang kainosentihan sa mga mata nito.
“Salamat, Darius.”
BINABASA MO ANG
Forbidding Empath: Alter's New leaf (TST Book 2)
Misteri / ThrillerTHE SACRED THIRTEENTH BOOK 2 The moment we are born, we already inherited Eve and Adan's sin. It is clear from scripture as a whole, that humankind existed under the curse of sins. Me and you has been corrupted as a result of sin. We are both sinne...