3

16 2 9
                                    

"ISANG bangkay po ng lalaki ang natagpuan kaninang alas syete ng umaga malapit sa tulay. Tadtad ito ng saksak at halatang binugbug pa. Ang nasabing biktima ay isang dating inmate na nakata-”


Kaagad na pinatay ni Dra. Melia ang TV. Ayaw niyang may nakikitang violence sa ngayon si Darius. Nakikita niya kasing bothered ang binata sa pagkamatay ng kaibigan nitong si Xyra at ang mas malala nakita niya kung paanong paraan iniwan ng mga suspect ang kaibigan nito.


“Dra, Tell me if I did something wrong, please.” Pagmamakaawa nito.


Nakaramdam ng awa ang doctor sa pasente nitong si Darius. Ilang taon na din noong huling umiyak ito sa harapan niya at hindi niya inaasahang ang pamangkin niya pa ang iiyakan ng binatang tinutulungan niya.


“No, wala kang ginawang mali, Darius.” Alu nito sa binata.


Niyakap niya ito at unti unti itong pinakalma.
Kailangan niyang i-undergo si Darius sa counseling habang maaga pa. Kailangan niyang bigyan ng positive thingking ang binata lalo na parang iniisip nitong siya ang may kasalanan sa pagkawala ni Xyra.


“Darius, I need you to be strong and to stand on your own. Accept that Xyra is no longer here.”
Napayuko ang binata at saka nito pinunasan ang luha. Umayos ito ng upo at walang emosyong tumingin sa Doctor.


Kumunot ang noo ni Dra. Melia. She knows Darius very well at hindi ganito humarap ang binata. Although ini-expect niyang pweding mangyari ito pero hindi niya akalaing ganito kaaga.


“Sino ka?” tanong ng doctor.


“I’m Sin and I am here to comfort him. He needs me.” Sagot nito.


Ngumiti ang doctor sa kaharap niya. She knows her at alam niyang mabait ito at hindi nananakit.


“What happen?” tanong ni Sin.


Tipid na ngumiti ulit ang doktora saka nito sinagot ang binata.


“Xyra is gone.”


Parang hindi nagulat ang kausap ng doktora. Isang kalmadong alter si Sin at hindi madaling mag react sa kahit na ano.


“I see, Darius was in deep mourning, Melia. He cannot accept that Xyra left him all by himself.”  Nag aalalang sabi ni Sin.


Hindi napigilang maluha ng doktora. Nawala na nga ang pamangkin nito sumabay naman ang pagiging mahina ni Darius.


“Ilan kayong pweding lumbas Sin?” tanong ng doktora.


“Ako lang sa ngayon, hindi ko masisigurong hindi lalabas ang iba. But don’t worry I’ll take care of Darius. Hindi ko siya hahayaang mag isa.” Sagot nito.


Tumango naman si Sin saka ito tumayo para umalis. “I have to go. May aasikasuhin akong importanteng bagay.” Paalam ng binata.


Tumayo ang doktora at saka inihatid sa labasan ang binata.


SUMAKAY na ng kotse ang binata para umuwi nang may natanggap siyang message mula kay Sister Marry. Nakiusap itong kung pwedi ay sa kaniya na muna tutuloy si Achilles dahil malapit na ang pasukan at malayo ang bahay ampunan sa university na papasukan nito.


Naalala niya ang batang minsan na din niyang nakakausap. Isa itong mabait at tahimik na bata kaya siguro hindi na siay nagtaka nang kupkupin ito ni Darius at pinag aral.


Kaagad namang dumiretso si Sin sa bahay ampunan at dahil wala si Darius ay siya na muna ang umasikaso. Kilala niya si Darius at hindi nito kayang hindian ang mga madreng kumupkop sa kaniya.


Sinalubong siya ni Sister Razel at saka siya nito sinamahan sa kuwarto ni Achilles. Naabutan niyang nag iimpaki na ang binata.


“Kailangan mo ba ng tulong?”


Napahinto ang binata at saka lumingon sa kaniya. “Nope. Hindi ko kailangan ng tulong mo. Malaki na ako at kaya ko sarili ko.”


Hindi na lang umimik si Sin. Wala siyang karapatang pagsabihan ang bata dahil hindi naman siya si Darius talaga pero ang ugali ng batang yun masyadong maputik.


“Magsabi ka lang kung tapos ka na.” Sabi ni Sin saka siya lumabas ng kwarto para kausapin sina Sister Razel.


“Bakit parang nag iba ang bata Sister?” tanong ni Sin.


Wala siyang alam kahit na isa kaya naman kailangan niya ng kaunting impormasyon para mapagpatuloy niya ang pagpapanggap.


“Nitong nakaraang mga taon nagiging sakitin na sa ulo ang batang yan Sin. Lagi kaming napapatawag sa guidance dahil sa pinag gagawa niya.” Sagot ni sister Anne.


Tumango tango naman si Sin saka ito muling tumingin sa dalawang madre. “Baka may nangyari ng hindi natin alam.”


Matapos ang ilang minuto ay may kumatok sa pintuan at bumungad dito ang mukha ni Achilles.Kitang kita sa expression nito ang pagkairita at inis.


Nababasa ni Sin ang reaksyon ng isang 'to kaya madali niya lang itong mahahandle.


“Tara na.” yaya ni Sin.


HABANG  bumabyahe ay kapwa walang imik ang dalawa. Hindi si Sin ang masyadong talkative. Mas gusto pa nito ang tahimik na lugar.


“Baka maging pabigat lang ako sayo.” Sabi ni Achilles.


Hindi siya pinansin ni Sin at nagpatuloy lang sa pag da-drive. Alam kasi nito na walang patutunguhang maganda kung papatulan niya pa ang isang batang kagaya ni Achilles.


“Wala ka man lang bang sasabihin?”


Bahagyang ngumiti si Sin saka niya inihinto ang sasakyan sa gilid.


“Bakit? Kung magsasalita ba ako magiging mabait at masunurin ka?” balik nito sa kaniya.


Kumunot ang noo ni Achilles dahil sa sinabi ni Sin. Naiinis siya dahil totoo ang sinasabi ni Sin at kahit pa siguro umiyak  ng dugo ang kausap niya ay hindi niya susundin ang mga utos nito sa kaniya.
Napabuntong hininga lang si Achilles, ito ang unang pagkakataon na ginanito siya ng kuya Darius niya. Nasanay kasi siyang mabait at hindi ganito makipag usap to pero parang mali ang pagkakakilala niya rito.


“Ang gusto ko lang may response.” Bulalas ni Achilles.


Mahinang tumawa si Sin saka ito muling nagsalita. “Hindi kailangan ng response sa sinabi mo. Saka kung kaya mo naman maging mabait maging mabait ka baka pagsisihan mo bandang huli.”
Hindi na naka alma ang batang si Achilles hindi siya handa sa ganitong klaseng conversation.


“Let me ask you.”


Muling tinuon ni Sin ang attensyon sa daan. “Ano yun?” tanong nito.


“Pinatay mo ba ang kaibigan mo?” diretsong tanong nito.


Hindi umimik si Sin, ayaw niya ang nararamdaman niya. Pakiramdam niya ay hinahati siya sa dalawa.


“Answer me, pinatay mo ba si ate Xyra?”muling tanong nito.


“No, hindi ko magagawa yan. Xyra is a good friend nakakpanghinyang at pinatay siya ng kung sino mang pumatay sa kaniya.” Diretsong sagot ni Sin.


“Hindi lahat ng napagkakamalan ay mamatay tao na din.” Dugtong nito.  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 01, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forbidding Empath: Alter's New leaf (TST Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon