Chapter 1: Summer

13 0 0
                                    

Chapter 1: Summer

Ang boring ng buong summer vacation ko pag nasa bahay lang ako. Mas bet ko ang pumasok sa school kahit nakakaboring minsan. Every summer, nasa bahay lang ako. Gising, kain, nuod tulog at repeat lang. Nakakaewan nanaman ang summer ko, wala naman akong lablayp.

Habang nag-eemo ako sa kwarto ko dahil nga kagigising ko lang nagvibrate ang phone ko so I read it.

From: Bebesprend

Bes, tara bukas. Gala tayo.

Pfft. Si Jaden, ang bespren ko. I reply to him.

To: Bebesprend

Sige. Puntahan kita sa inyo.

After kong replyan siya pumunta na ko sa labas ng kwarto ko para kumain. Alooooone. 3 kami magkakapatid, nasaan yung dalawa? Ayun, may summer class. Nakakainggit sila atleast hindi sila mababagot kahit nakakabobo ang pag-aaral. Charuut.

Yung parents ko? Nasa work sila e.

Kumain na lang ako at lumabas muna sa bahay dahil nababagot talaga ko sa bahay.

"Marianna!" may tumawag sakin. Kilala ko na kung sino yun.

"Ikaw talaga Yena, lagi ka na lang Marianna, sabing Ariane eh. Haha" yung tumawag sa'king Marianna daw, si Yena yun. Kapit bahay namin at schoolmate ko din. Ngayong bakasyon lang kami naging close pero minsan lang kami magkasama.

"Haha. Saan ba ang punta mo?" tanong niya sa'kin.

"Ako? Wala, lumabas lang sa bahay. Nakakaboring kasi sa loob ng bahay. Ikaw ba, saan punta mo?" tanong ko naman sa kanya.

"Wala lang din. Gumagala, walang magawa e. May iuupdate pa ko tungkol kay Taylor Swift na may bago daw siyang labas na music, idodownload ko"

"Ganun, sakto naman pala e. Tara sa bahay, wifi ka samin" sumabay na si Yena sakin at pumunta na kami sa bahay. Atleast ngayon may kausap na ko dito sa bahay.

"Kuha lang ako ng meryenda natin Yena"

"Sure Ariane, basta strawberry yung flavor ha" pahabol ni Yena. Ge, sundin na. Minsan lang 'to XD

***

"Ariane, sino 'tong nasa wallet mo?" Nagulat ako kasi hawak niya yung wallet ko at may nakalagay dun na picture.

"Yan? Ahh eh, si Jaden"

"Jaden? Ayieeeh, jowa mo?"

"Di noh!"

"Suuuus, defensive? Hmm. . ." Tinitigan pa niya yung picture ni Jaden

". . . In fairness, ang gwapo niya at ang cute pa, swerte mo naman sa jowa mo" Aba't?! Di nga sabi e.

Hinigit ko sa kanya yung wallet ko, baka makita pa niya yung sulat na nasa likod ng picture e.

"Makahigit naman, eh sino ba talaga yung nasa picture na yun?"

Ngumiti ako ng normal, "Cute ba? Si Pinsan yan. Kasing cute ko noh?" Pagtatanong ko na para ngang pinsan ko talaga si Jaden. Yan ako, magaling magtakip ng katotohanan.

"Hmm. . . Yup, cute siya. Pinsan mo ba talaga yun? Di mo kamukha" she chuckled.

"Gaga, bahala ka."

"Ay Ariane, may password yung wifi niyo, ano password?"

Kinuha ko ang cellphone niya at tinype ang password ng wifi. ArnxxJdn.

More Than Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon