Kabanata 01

12 0 0
                                    

Pagbukas ko ng pinto sumalubong agad sakin ang nakabusangot kong kababatang kapatid.

"Saan ka galing Kasaki?" tanong niya, naka-cross pa ang mga braso sa dibdib niya. Maka Sasaki naman parang hindi nine years old e. Mas matanda pa sirugo sakin ang batang to.

"Kasaki?! Sabing Ate ang tawag sakin e!" Saway ko.

"Ate?! Baka Kuya!"

"Hoy! Lintik kang bata ka! At nga pala bakit hindi kapa natutulog ha?! Alam mo bang bawal sa mga bata ang magpuyat, sige ka kukunin ka diyan ng aswang" pangtatakot ko pa sa kanya at mukhang effective naman dahil tumakbo agad ito sakin at yumakap sa baywang ko.

"Sinong hindi magigising ate, yong kalbo at mga palakang mayayaman pumunta nanaman dito, hinahanap ka" ani Yuki. Si Yuki ay kapatid ko. Wala na kaming mga magulang dahil sa aksidente.

Two years ago na aksidente daw kami, 16 years old palang ako noon, wala akong maalala dahil na amnesia ako.... until now. Ang naalala ko lang, nagising ako sa hospital, may babaeng umiiyak, mama yon ni Pedro tapos dinala niya kami dito...sa bahay daw namin. Himala daw dahil nabuhay pa kami ng kapatid ko, pero ang mga magulang namin hindi nila kinaya at binawian ng buhay.

"Huh?" Sumusubra na talaga sila, kahit hating gabi pupunta pa dito. Kainis naman!

"Opo, hindi ka daw kasi nila nakita kaninang umaga kaya ngayon sila pumunta" paano nila ako makikita kong nandoon ako nakatago sa ilalim ng kanal. "At saka po, nagkalat po ang gamit sa kwarto mo, kinalkal nila sorry hindi ko sila napigilan katakot mukha nila" niyakap ko nalang ang bata.

"Pabayaan mo na sila, sige na matulog kana"

Hinatid ko siya sa kanyang kama, ako naman ay pumasok narin sa kwarto ko. Nagkalat ang mga gamit at basag basag narin ang mga muwebles. Sanay na ako sa sitwasyong ito kaya imbis na magalit, ngumiti nalang ako at sinimulan maglinis. Kailan paba matatapos ang problemang to?

Ng matapos akong maglinis, hindi parin ako dinalaw ng antok kaya napagpasyahan kong pumunta sa tambayan ko, sa ibabaw ng bobong. Lumabas ako ng bahay at umakyat pataas, may hagdan kasi akong ginawa sa likod kaya doon ako dumadaan.

Humiga ako sa taas ng bobong, ginawa kong unan ang dalawang braso ko. Hindi na maulan, wala narin kilog at kidlat. Nagsilabasan na ang mga bituin at malaking buwan. Isang malaking ibon ang lumilipad sa himpapawid, how I wish na sana ibon nalang ako, look how free they are, magagawa nila lahat ng gusto nila, mapupuntahan nila lahat ng lugar na gusto nila na walang may nakabantay. Napapikit ako ng ilang sigundo, nakaramdam kasi ako ng antok pero nagising rin naman agad ng may narinig na kaliskis.

Napatingin ako sa isang bahay di kalayuan mukhang doon kasi galing ang kaliskis, may tatlong palapag ang bahay. Usap-usapan wala na daw may nakatira doon, mukhang totoo naman dahil luma na, halatang hindi na na-maintenance, sirasira nadin ang bintana parang inambanduna na. Wala rin may nagtangkang pumasok, maliban kasi private ang lugar may nagpaparamdan din daw kasi doon kaya ang mga tao natatakot.

Nakaramdam ako ng takot, baka minumulto ako. Narinig ko ulit ang kaliskis, sa pagkakataong ito napatingin ako sa bandang rooftop, sigurado kasi akong doon galing ang tunog pero wala naman akong may nakita. Nakapag disesyon nalang akong bumaba, baka kasi inaantok lang ako kaya kong ano-ano na ang naririnig ko pero kasabay nang pagtayo ko saktong may narinig akong ring ng telepono. Tumingala ulit ako sa rooftop at halos mahulog ako sa bobong ng may nakitang tao doon, hindi ko maaninag ang mukha niya madilim kasi tanging buwan ang nagbibigay ilaw, nakatalikod din siya mula sa kinaruruan ko, nakasandal siya sa railings, mukhang naninigarilyo may usok kasing lumalabas sa bibig niya.

[ Dō shita no]
(what's up)

............

[Mada hataraite imasu]
(I'm still working on it)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 09, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Twelve MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon