NPN 1: Larong bata

244 8 0
                                    

"Ano ba naman yan bregs!  umayos ka nga! Di ko yan maabot eh!"


"Eh, tumalon ka kasi nang maayos! . Amputs"


"Leche. Ito na nga oh!"

Bumwelo na si Katsumi para sa pagsalo niya sa kanilang












larong  Frisbee XD


Wag kayo. Maahaba ang mga paa at kamay ng mga yan!

Sasaluhin na sana ni Katsumi ang tinapon ni Daniel nang biglang...

*Beep beep!!*


*Boogshh*





"Ouch."



"Pffft! Wahahahaha!!"

"Oy bregs! Wag ganyan! Nakakainsulto sa sasakyan ni Gothico!"


"Galing ka ba sa pamilya ng Tuko?"


"Pare! kawawa si Precious (sasakyan ni Sed)!"


Kanya kanyang kantyaw nina Daniel, Lester, Jc at Seth sa kawawang si Katsumi.


Bakit ba? Eh palaging wrong timing itong si Kats eh.

Pagkatalon niya biglang dumating si Sed at pinark ang sasakyan sa harap ng naglalaro ng frisbee. Kaya ayun sapul!


"Leche ka Hugh! Nabasag ang salamin ko! Bayaran mo ito!"


"Utot mo! Ang yaman yaman mo ako pagbabayarin mo niyan?! Apo ka ng Loyola tol!"


"Danilooooo!!"


"Leche di ako ang may sala!"


"Taragis! Kahit na! Damay rin kayo dito Giri at Carlito!"


"Luh?! Anong ginawa ko?!"


Sigawan nila habang naghahabulan. Galit si Katsumi eh. Nabasag kasi yung lens ng salamin niya. Kawawa naman. Hahaha!



*toink*





"Pffft!!!"

sabay- sabay na pagpipigil ng tawa ng Apat.



"Waaaaah! Mga breeeeeegs! Naputol tsinelas kooo."

Yan kasi. Tsk Tsk.


"Bwahahaha. Sabi ko na nga ba eh. Dapat dun tayo sa palengke bumili. Tigas kasi ng ulo." pangaral si Seth.


"Yan tuloy Lester. Putol na agad. Ilang araw mo pa lang yan ginagamit?" Katsumi


"Anong araw? Oras lang siguro kinaya niyan! Hahaha!" kantyaw ni JC habang nakaturo pa sa  naputol na tsinelas ni Lester..


"Aray! Totoo naman ah!" reklamo ni Jc nang batukan siya ni Lester.



"Di na kayo tumino! Ikaw naman Lester, sabi kasi namin sayo na sumama ka sa amin nung pumunta kami ng divisoria eh!" Sabi naman ni Daniel.


"Dun ka pa kasi kay Ateng na nasa kanto bumili eh. Yan tuloy." Seth






"Teka mga bregs! May bright idea ako ! *insert light bulb*" biglang singit ni Katsumi.


Naughty Parking NerdiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon