NPN 3: Nang Dahil sa Pizza

123 4 0
                                    

JC's POV

"Ano ba naman yan bregs! Ang yaman mo hindi ka makabili ng pagkain mo?!"

" Pasensya na tol. Gipit kami ngayon. 1 libo nga lang pinabaon sa akin ni mama ngayon eh. Tsk. Masyadong tipid." Sagot naman ni Seth. Walangyang kulot ito oo!

"Uy kwek kwek! Tara bili tayo!" Masiglang sigaw ni Katsumi. No choice na kami kaya sumunod na lang kami kay Katsumi.

0_______0

Tatlong stick?!

Tatlong stick na ng kwek kwek ang naubos niya! Kawalang hiyaan ni Kabe!

"Ate salamat sa kwek kwek ah! Ito po ang bayad oh."

"Tingnan mo itong si Katsumi, kahit kwek kwek pinagtyatyagaan. Ikaw Seth, kailan ka kaya matututo mag tipid noh?" pangaral sa kanya ni daddy Daniel.

"Oo nga noh? Kailan kaya ako matututong magtipid lalo na kung kayo lang din nakikinabang ng pera ko? Puro kasi kayo palibre! Wala na akong natitirang pera!" Sigaw nama sa amin ni Seth.

Hehehe. Sa amin kasing lima, siya ang pinkamapagbigay. Habang ang pinka kuripot..

Tingin kay Katsumi...

"Ano?! Bumili ka ng kwek kwek kung gusto mo!!"

Tingnan niyo. Tingin pa lang ng takaw na. Tsk Tsk.

Teka lang. Kanina ko pa napapansin tong si Lester ah. Bakit ang tahimik.

"Tol, tingnan mo si Lester. Kanina pang tahimik oh." sabi sa akin ni seth. Hindi lang pala ako ang nakakapansin.

"Teka, lapitan ko lang."

At ayun nga, lumapit ako kay Lester at kinausap.

"Uy Lester. Kanina ka pa yatang tahimik jan?" tanong ko at inkbayan siya.

"Umalis ka na." sabi niya. Anong nakain nito?

"Huh? Bakit naman ako aalis?" tanong ko pabalik sa kanya. Ang weird lang kasi.

"Sabi ko umalis ka na. Bago pa mahuli ang lahat!" sigaw niya sa akin.

"Teka di kita main----"

"Tol tagalog na yan! Anong gusto mo i english ko pa yan?!"

"Eh ano ba kasi ang nangyaya----" Hindi ko na naituloy ang gusto kong sabihin. Dahil sinagot ni yun ni Lester..



*PRUUUUUUUUUT*



"Bregs! Ilang buwan mo yan kinikimkim?!"  sigaw ni Daniel habang nakatakip ang ilong. Actually hindi lang siya. Kaming lahat maliban siyempre kay Lester na mismong gumawa ng lagim ay nakabon ang ilong.

"Sabi ko naman kasi sa inyo, umalis na kayo. Ayaw niyo kasing makinig.Kaya tan ang napala niyo. Bwahahaha!!" tugon ni Lester sa aming lahat.

*Pok!*

"Tang*na mo Daniel! Kung makabatok ka sa akin akala mo wala ng bukas?!"

"Eh, anong ba kasing nakain mo?!" depensa ni Katsumi.

"Magic Sarap tol." sagot ni Lester.

Lalapit na sana si Katsumi para batukan si Lester nang mgsalita to.

"Hep hep hep! Isa pang batok ipapasalvage ko na kayo!" sabi niya.

Dahil takot si Katsumi, di niya na lang tinuloy.

Naughty Parking NerdiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon