NPN 4: Ang Itlog. Bow.

99 5 1
                                    

Lester's 

"May good news ako sa inyo!!" Sigaw ni Seth na mukhang excited na ipaalam sa amin. 

" Oh ano na naman yang kataehan mo ha, Hugh?"  taas kilay na sabi ni ni Daniel. Hala? Edi siya na mataray! Lol.

" Ang good news ko ay..



May nakita akong STRAIGHT KO NA BUHOK!! WOOOH!! MILAGRO ITO KUNG ITURING!!"  Pfft!! 


"Hala?!  Nasaan? patingin ako!! Taena mo Gothico! baka niloloko mo lang kami!!" atat rin itong si Daniel noh?

"Ala uy! Meron nga!"  parang sobra yata ang pagsigaw ni Daniel ah? Habang si Katsumi, laglag pantalon este panga ang ganap.

Pero weh? Meron?

"Hoy mga tol! Patingin nga ako!"  balik ko na sigaw sa kanila. Di ko ito aatrasan. Hahaha

Wala nang echos

cheche bureche skemberdus eklavus akong ginawa at lumapit na kina Daniel.

"Hala Sed! Teka lang.. Yung buhok mo sa ilalim ..

ng upuan, lumipad!! Natangay ng hangin!! Di mo kukunin? Sayang naman!"  imbis na sagutin nila o sundin ang sinabi ko sa kanilang apat, binigyan nila ako ng pinakamamahal ko na batok mula sa kanila. Bwisit! Anong problema ng mga ito? 

"Ay shete!" Di ko na mapigilan ang lakas ng boses ko. Wooooh!!! Ano kaya ang feeling mo kung may apat na kamay ang tumama sa batok mo nang sabay- sabay? I labyu too mga bregs.. sobra.. Sagad to the bones. -_____-

"Ang berde mo poreber Lester!" sigaw sa akin ni Katsumi. Yung sa tapat talaga ng mukha ko ha. Yung tipong pati laway niya ay tumatalsik at humahalo sa akin. Okay. O_______O nakakdiri na ang iniisip ko. Pero ano naman ang berde sa sinabi ko?

"Berde? Ano naman ang nakakalumot doon ng utak? E sinabi ko lang naman na yung buhok ni Sed sa ilalim..ng upuan nilipad na ng hangin. Sayang kasi eh! Di niyo pa nakikita. Ang babagal niyo kasi. Tsk." Bakit? Tama lang na sabihin ko iyon sa kanila at masermonan. Mga hindi na natuto.

"Hep hep hep! Tama na! Bakit ba ako na lang ang parati niyong napagti- tripan na saktan? Aba! Child abuse na iyan ah!" akma na sana akong babatukan ULIT ni Seth nang masangga ko ito. Mabuti na lang. Ang galing ko talaga poreber! Ay tama. Walang poreber. Sige. Ako na ang bitter.

"-________-!! Paanong hindi ka namin sasaktan. Eh yang utak mo ang dumi. Inulit pa talaga ng sinabi mo kanina. Di ka na nakuntento. Isa pang ulit mo hindi lang talaga batok ang aabutin mo sa akin." hala nanggigigil na si Seth.

"Alin doon? Yung buhok ni Sed sa ilali---"

"Lester!!" sabay- sabay na sigaw nilang apat para pigilan ako.

Teka nga. Ano nga ba talagang mali sa nasabi ko kanina?

Berde? Yung buhok...


Sa ilalim...


Ni Sed...


Sed..


Ang buhok..


Sa ilalim..




ANG BUHOK NI SED SA ILALIM.

"Bregs. Kung ngayon lang nagprocess sa utak mo kung gaano ka bastos ang nasabi mo kanina. Well. I congratulate you tol! Uy teka English yun ah!" Masiglang sabi ni Jc habang nagtatalon sa sofa.

Naughty Parking NerdiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon