"malapit na ang festival, di ba ma?" Tanong ni mama kay Lola na abala sa paghihiwa ng mga gulay sa kusina.
"Oo nga, siguradong magiging maganda ang buong lugar na ito sa dami ng mga magtitinda ng ibat ibang pagkain sa labas" wika naman ni lola na may ngiti sa labi.
Naalala ko noon na dinarayo ang lugar na ito ng mga tourists tuwing fiesta. At naalala ko rin na naikwento ni Lola na sa araw na yon niya nakilala si Lolo na isang Spanish tourist. Kaya alam kong yon ang araw na hindi niya makakalimutan.
Kaso namatay si Lolo noong Elementary palang ako. Dahil Seaman si Lolo madalas siyang nasa Barko, tapos nalaman namin na lumubog daw yong barko kong nasaan si Lolo.
"Iho, nandito kana pala"
Napalingon ako sa may pinto.
"Hi." wika ni Ryuu at kumaway pa ito.
Ano nanaman kaya ang ipinunta niya dito ng napaka aga. 6:12am palang, naka suot ito ng black hoodie at black din na pants. Ka gagaling palang siguro nito sa pag jogging.
"Nagluto ako ng chicken porridge, nag agahan kana ba?"
"Hindi pa nga po eh" wika naman nito
Wala talagang kahit kunting hiya ang lalaking ito. Dito nanaman makikikain.
"Sakto, halika na sumabay kana saamin" wika ulit ni lola.
Nauna pa itong naupo sa upuan kaysa saamin. Kay aga aga palang kumukulo na ang dugo ko sa lalaking ito.
Mag ka tabi si mama at lola sa upuan kaya naman siya ang katabi ko. Napa thumbs up pa ito ng matikman niya na ang pagkain.
"Malapit na ang festival, hindi kaba bibisitahin ng pamilya mo dito, Ryuu?" Tanong ni mama.
Napalingon naman ako kay Ryuu na napahinto sa pag subo ng pagkain.
"Hindi po eh" wika nito at tumawa ng mahina.
"Bakit naman? Mag aapat na taon kana dito, hindi ko manlang nakilala ang mga magulang mo" dagdag naman ni lola.
Uminom siya ng tubig bago nagpatuloy sa pag sasalita.
"Nakakasama ko naman po sila sa Manila, pag bumibisita sila sa bahay ko doon." Wika niya at nagpatuloy na ulit sa pagkain.
May sarili siyang bahay sa Manila, at dito. Bakit ba siya may sariling bahay at hindi nalang siya tumira kong nasaan ang pamilya niya.
"Mamasyal tayo sa araw ng Festival, Mia" wika nito.
Lumingon ako sa kanya, naka tingin siya sa akin.
"Bakit naman" tanong ko.
"Diba ilan taon mong hindi nakita ang festival dito,"
"Hindi ako interesado"
"Sige na," pamimilit nito na may kasama pang pagdadabog.
"Para ka namang bata, Oo na"
Pag lingon ko kina Lola at Mama naka ngiting ngiti naman sila. Bakit ba at gustong gusto nila ang lalaking ito.
***
#K_Rilley
BINABASA MO ANG
His Eyes: Ryuu Jake Ochimo
Short StoryRyuu has a friendly attitude and always a cheerful guy to others, yet he is secretive about his personal life. His friends call him "Isaac" as a nickname because of his personality, but what if he meets Mia, a woman with a cold personality to others?