Chapter: 10

9 0 0
                                    

"Mia"

Iniabot niya saakin ang isang cotton candy na kulay pink at kanya ang blue.

Araw na ng Festival ngayon at nandito kami sa tabing dagat. Mag alas otso na ng umaga, maaga palang ay sinundo na ako ng lalaking ito. Hindi ko alam kong bakit gustong gusto niyang lumabas ng napakaaga, pwede naman sa hapon.

Nagsimula na niyang kainin ang cotton candy niya habang tinatanaw ang dagat. Medyo kakaiba siya ngayon dahil hindi siya masiyadong maingay kumpara sa lagi niyang ginagawa.

"Oh, bakit ang tahimik mo ngayon? Ikaw ba talaga yan?" Tanong ko.

Ngumite lang siya ng pilit bilang sagot.

"Anong nangyari sayo? May sakit kaba?" Hinawakan ko ang noo niya ngunit hindi naman siya mainit.

"Okay lang ako" sagot niya

"Saan ba tayo unang pupunta? Akala ko ba ipapasyal mo ako, eh bakit parang wala kang ka gana gana maglakad" tanong ko at pinagmasdan siyang mabuti.

Pinagmamasdan niya ang dagat, kaya napatitig naman ako rito. Wala naman kakaiba sa dagat. Maganda ang panahon ngayon kaya payapa din ang alon.

Napansin kong may hinahanap siya sa bulsa niya. Ng makuha niya na ay iniabot niya ito sa akin.

Ang kuwintas ko.

"Paano napunta yan sayo?"

Dumako ang mga mata ko sa mata niya na nakatitig rin pala sa akin. Napa ka seryoso ng mukha niya, katulad pa rin ng dati wala  ng emosyon ang mga mata niya. Pero ang mga ngiti niya na lagi niyang dala dala ay wala rin ngayon.

"Sa bahay"

"Ah, baka nahulog ko doon, sorry" wika ko at saka ng peace sign.

Ng tumingin ulit ako sa mukha niya nakatitig pa rin siya sa akin.

"May problema ba?"

Bigla nalang siyang nag iwas ng tingin. At tumitig ulir sa dagat.

"Akala ko nawala ko na to, hinanap ko to sa buong bahay, nasa sayo lang pala, thank you"

Katulad ng ginagawa niya tumitig na rin ako sa dagat.

"You know?" Nagulat ako sa bigla niyang pag salita.

Wala siyang sinabi kong ano man ang tinutukoy niya. Ngunit bigla akong nakaramdam ng kaba.

Yon ba ang tinutukoy niya?

"Ang alin?"

"My secret"

So yon nga.

Hindi ako nakapag salita, hindi ko alam ang sasabihin.

"I found your necklace in that room"

"Hindi ko sinasadya, tuwing pumupunta kasi ako sa bahay mo laging naka lock yon. Tapos nong may sakit ka, napansin kong naka bukas yon nong isasara ko na, na-curious lang ako kaya tumingin tingin ako saglit. Sorry"

"How about your promise?"

Naalala ko bigla yong unang beses akong nakapasok sa bahay niya, iyon din ang pangalawang beses na nagdala ako ng pagkain galing kay lola.

Iyon din ang araw na napagusapan namin at nangako ako na hindi ako papasok sa kwartong iyon.

Ngunit sinira ko ang pangako ko.

"Naiintindihan ko naman ang sitwasyon mo" wika ko.

Tumitig ako sa mga mata niya para kumbinsihin siya na totoo ang sinasabi ko.
Hindi ko alam kong nagagalit ba siya dahil wala akong makitang emosyon sa mga mata niya.

"Pero ako hindi ko kayo naiintindihan, naiiba ako sainyo" wika nito

***

K_Rilley

His Eyes: Ryuu Jake OchimoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon