Chapter 17

17 0 0
                                    

*beep beep*

1 new message

Nagising ako nung marinig kong may nagtext kaya agad kong kinuha at binasa.

"Yow. Bro! May race tayo tonight. Uwi ka na dito. Namiss ka na ng mga chix sa club. Si Glenn hindi na din umuwi. Nasa Batangas daw." - Rick 5:45 am.

Napaisip ako kung bakit di na umuwi si Glenn. Tumayo ako at lumabas sa may balcony ng kwarto ni Zouie. Tulog pa din siya sa tabi ko. Tinawagan ko agad si Glenn.

"Hello! Glenn! Bakit nasa Batangas ka?" Tanong ko sa kanya.

"Bro. I'm so sorry di ko napigilan ang sarili ko. Di ko naman sya sasaktan. I swear. Tsaka gusto ko din makapagrelax relax." Sagot ni Glenn.

"Pumayag sya sayo? Glenn. Tandaan mo kababata ko yan. Dude. Kung di mo talaga sya mahal.. oh God.. please lang, layuan mo na sya."

"No Bro. I love her. I swear! Trust me Bro. Bye."

Huminga ako ng malalim saka pinatay ang tawag.

Nilingon ko si Zouie na ngayon ay tulog na tulog pa din. Pinagmasdan ko ang view mula sa taas. Napakalawak pala talaga ng ari arian nila.

Maya maya ay lumigo na ako. Dalwang pares na lang ng damit ang natitira sa akin. Pag kalabas ko ng banyo ay gising na si Zouie at kausap ang Olly na yon.

Di ko alam ang pinaguusapan nila pero pakiramdam ko ay tungkol sa kasal.

"How long did you know him? Sure ka na ba dyan? Baka pagsisihan mo yan." Sabi ko habang nagtutuyo ng buhok gamit ang towel. I'm completely nude.

"Iww. Mingus. Magbihis ka na nga. Magsusukat ako ng gown later, sama ka? Yung motif namin blue. Ikaw ang bestman ha."

"Arghh. Zouie naman. Kahit sexmate mo lang ako, may care pa din ako sayo. Bakit ba magpapakasal ka na agad."

"Kasi gusto ko. Thanks sa care but I made up my mind. My decision is final. Go. Shuu. Manliligo na ako. Magbihis ka na." Sabi niya.

Nagbihis na ako at bumaba. Nakita ko ang papa nya na nag aayos ng kotse nya. Lumapit ako at kinusap sya

"Sir. Goodmorning. Tulungan ko na po kayo."

Ngumiti sya sa akin at itinuro ang putol na wire ng makina.

" Pwede namang ipagawa ko yan o kaya yung isang kotse ang gamitin ko but.. I really loved this one." Sabi ng papa nya at napalingon sa kotse ko.

"Maganda yang kotse mo ah. Naalala ko tuloy ang pagkabinata ko. I used to be a racer. Naikwento ko yon kay Zouie noon, di ko akalaing susundan nya ang mga yapak ko. Sumali sya sa mga drag race nang di ko alam. Tumutol ako. Gusto ko maging maganda ang buhay nya. Ayoko sya mapatulad sa akin." Dugtong ng papa nya.

"Mayaman naman po kayo ah. Sucessful." Sabi ko.

"Yes. Mayaman nga. Ayoko lang mapatulad sya sa akin noon na walang pangarap. I got a car accident before. Buti na nga lang nakasurvived pa ako. I told her na she must choose a man na may pinag aralan at may trabaho. Then, pinakilala nya yung boyfriend nyang malaki ang katawan. I dont like him. Buti na lang at iniwan na ni Zouie. Tapos eto, si Olly. Business man."

"Ahmm. Sir, kailangan na po ba talaga ni Zouie magpakasal?"

"Yes. Magiging partners kasi ang company namin pag kinasal na sila at may makukuhang pera si Olly sa lolo nya pag nakasal sya sa anak ko. Yung lolo nya kasi at papa ko ay magkaibigang tunay. Buti na lang at nagustuhan ni Zouie, dati kasi ayaw nyan."

Now I know.

Dumating ang mama nya may dalang kape at inabot sa amin. Saktong tapos ko nang ayusin ang sira sa kotse ng papa ni Zouie.

"Ma! Punta lang po ako kay Olly, mag aasikaso lang po ng sa kasal namin. Tara na Mingee!" Sigaw ni Zouie

"I'm dirty. Susunod ako. Text me kung saan." Sagot ko kay Zouie sabay higop sa kape.

Nang makaalis si Zouie ay lumabas si Perrie. Wala siyang eyeliner. Simple lang ang itsura nya at talagang maganda pa din sya. Naka sweatpants sya at naka rubbershoes. May dalang phone at headset. Magjojogging siya for sure.

Bumati ako ng Goodmorning. Ngumiti lang siya.

"Himala. Hindi ko yata anak yon." sabi ng mama nya.

"Nung dumating tong binata na to saka lang nagkahimala sa bahay na to. Thankyou Mingee." sagot ng papa ni Zouie.

Nagulat ako nung tinawag nya akong Mingee. Woaah. Akala talaga nila Beki ako. Ayoko magsinungaling. Oh shit. Anong nangyayare sa akin. Ngayon lang ako natatakot magsinungaling.

Ngumiti na lang ako at nagpaalam na maglalakad lakad muna.

Naisip kong magsight seeing para makapag isip isip. Mukhang mali kasi talaga tong ginagawa kong ito.

Wala akong pangarap. Di ko mabibigyan ng magandang buhay si Zouie if ever na agawin ko sya kay Olly. Tama yatang umalis na ako at ipagpatuloy na lang ang buhay ko or magsimula ng bago basta malayo kay Zouie.

This is crazy. I'm going insane. Maybe I should stop this.

After a couple of hours of walk, watching those green grass, tal trees and dancing flowers. I have decided.

Nagpunta ako sa loob ng bahay nila at kinuha lahat ng gamit ko. Nang paalis na ako ay nakita ko ang magulang ni Zouie sa salas. Saktong naguusap sila about sa kasal ni Zouie at olly.

"Where you going?" asked her mother.

"Sir, Ma'am, I'd lied. Zouie and I lied. Alam ko pong mali pero gusto ko po talaga mameet kayo at malaman ang reason ng pagpapakasal ni Zouie. I'm not a gay. Straight po ako. I love Zouie so much. Pero di po ako sapat para sa kanya. I dont deserve her. I'm a racer with no dreams, with nothing but ego. I'm so sorry po. Thankyou for treating me well. And I think. I have to leave na po. " nagmamadali kong sabi.

" I know from the start. You're not a good actor. You dont look like a gay. Yes you're a racer, your car told me when I first saw it. Thanks for being honest. Go ahead. Find yourself." sabi ng papa ni Zouie na nakapoker face.

Ngumiti lang ang mama nya at umalis na ako.

Pagkasakay ko ng kotse ay nakita ko si Perrie na papasok na ng gate na nakangiti sa akin at kumaway. Alam nya nang aalis ako. Pinatakbo ko ng mabilis hangang makalabas na ng gate pero nagdrift ako at bumalik sa may gate kung saan nakatayo si Perrie.

Bumaba ako ng kotse at niyakap sya ng mahigpit.

"I'll see you again. Ingatan mo na sarili mo ha. Be a good girl." sabi ko sa kanya sabay halik sa noo nya. At pinahid ang luha sa pisnge nya.

Ngumiti lang sya. Nung sasakay na ako ng kotse ay niyakap nya uli ako mula sa likod ko.

"Thankyou Kuya Mingus. Thankyou."

Humarap ako at ginulo ang buhok nya. Nang makita kong ngumiti na sya ay sumakay na ako at umalis.

On my way back to Manila.


Club, Race and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon