Chapter 20

2 0 0
                                    

"Ate. Magkano po lahat?" Tanong ko sa ale sabay abot ng 1k.

Namili ako ng supplies and equipment. Balak ko mag drawing. Tutal wala naman ako trabaho, tambay lang dito sa resort habang nagbabantay. Tulong ko na din kay ate.

Marami na akong nakilalang mga taga dito. Mababait sila. 3 buwan na din akong tambay at pagala gala lang. 3 buwan na din akong di nag iinom. Walang wifi at walang chix. Mahirap pero kinakaya.

Di pa ako tinatawagan ni ashton. Sobrang busy nila at di na nila ako naalala. Busy sa pag gawa ng bata. Lol. Ewan ko. Nakakapanliit pag nandun ako.

Kamusta na kaya si Zouie. Kinasal na siguro yun. Masaya na sya for sure kasi di nya man lang ako hinabol. Kinukulit na din ako nina Rick na bumalik. Malamang, ako lang naman pinaka halimaw na racer dun.

"Sir. Sukli nyo po." Sabi ng tindera.

Pagkabili ko ay umuwe na agad ako at itinabi ang napamilhan sa kwarto ko. Saka ko sisimulan yan pag may idea na ako.

Pumunta ako sa lobby. Maraming tao sa resort. May event siguro.

"Dude. Si Paezer nahimatay. Dumugo ang ilong. Anong gagawin ko?" Litong litong sabi ni Glenn.

Kinarga ko si paezer at sinakay sa kotse ko. Shit. Tanga. Kami lang dalwa. Kasya dito. Ang kupad kasi ni Glenn.

Halos lumipad ang kotse ko sa sobrang pag aalala ko kay paezer. Trauma sya sa mabilis na takbo pero di nya to alam kasi wala syang malay.

" Pae. Gumising kaaaa. Paeee." Paulit ulit kong sinasabi hangang makarating ng ospital.

Pagkadating ng ospital ay umalis ako. Saktong kasalubong ko na si Glenn na putlang putla na.

Niyakap ko lang sya at pumunta ako sa tindahan, bumili ng yosi. Natetense ako. Kailangan ko muna nito.

Di ko namalayan ang oras. Maya maya ay pumasok na ako sa loob.

"Dude, buntis si Paezer." Malungkot na sabi ni Glenn.

"Congrats. Ninong ako ha."

" Problema to. Di ko pa kaya maging ama."

"Gago ka. Bakit mo binuntis? Akala ko ba mahal mo sya. Glenn ano na?" Sigaw ko sa mukha ni Glenn

Hindi sya nakaimik at napasipa na lang sa gulong ng kotse nya at umiyak. Alam ko namang mahal nito si Paezer. Nabigla lang talaga siya kasi mataas tingin ng magulang nya sa kanya. 

"Dude. Umuwi ka sa manila. Ako na muna bahala kay paezer. Ayusin mo yan. Sabihin mo na sa magulang mo." Sabi ko habang tinatapik ang balikat nya.

"Babalik ako. Pangako yan. Babalikan ko sya." Sagot nya na agad sumakay sa oto nya.

Ano pa nga bang magagawa ko. Tropa ko to. Kaibigan ko si Paezer. Di ko pwede pabayaan mga to.

Kinaumagahan ay inuwi ko na si Paezer. Sinabi kong nasa maynila si Glenn para di na sya mag alala. Alam na din nyang buntis sya. Hinatid ko na sya sa kwarto nya.

"Dito ka lang please." Mahinang sabi ni Paezer

"Babalik si Glenn, wag ka nang malungkot. Sure yan"

"Di pa ako ready. Mingus. Marami pa akong pangarap. Bata pa ako. Di pa ako kasal. Bakit nangyare to sa akin. Ano bang ginawa kong mali, Mingus. Pano na mga pangarap namin ni Glenn." Sabi ni pae habang umiiyak.

"Dito lang ako. Magpahinga ka na."



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Club, Race and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon