Chapter 5

35 0 0
                                    

Nasa unit ko na ako. Nakahiga sa sofa at naglagay ng yelo sa may ilong ko. Ubeng ube ang naiwang bakas ng kamao ni kingkong.

Inis na inis ako sa hayop na yon. Dagdag pa nang pambibitin ni Zouie.

Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang instagram ni Rick. May picture ni king kong at siya. Nakatag don ang pangalan ni kingkong na si KINGKONG. Ay este.. John Lee. Ang caption ay.. "Man of Steel"

Hahaha! Man of steel daw. Gago! Taong bulbol yan! Sa dami ng balahibo nya! Pano kaya naging bakal yon.  AHITIN KO YANG GUBATAN MO EH!

Napipikon na talaga ako. Pinuntahan ko ang Timeline nya.

Puro pictures nila ni Zouie.
*scrolls*
Aba mayaman si kingkong. Nakacoat. Business  man ang intsik.
*scrolls*
Woaah! The cars!!!! BMW and Ford.

No! No! No! I'm such a damn rat compares to him! Bakit nga ba nakontento ako sa pagiging ganito..

Wait.. Bakit ba ako naiinsecure! Mas gwapo naman ako sa hayop na yun ah.

Maya maya pa ay nakatulog na ako dahil sa sobra ko na ding pagod.

1:30 na ng tanghali nang magising ako. Nanligo ako at nagboxer. As always.

Nang buksan ko ang phone ko para magpadeliver ng makakain at may mga text pala si ate at 10 missed calls.

" 7th Birthday ni Tyra, ang anak namin. So please. Pumunta ka. Gusto ka na nya makilala. Nandito kami sa Batangas. Sa resort. Near our old house. We are expecting that you'll be here by 4pm. Take care. " - received 8:30 am

"I know galit ka pa sa akin. Sorry." - received 9:36am

"Kung di mo sagutin ang tawag at text ko. Okay lang. Basta sana wag ka na magalit sa akin.  Sana makapunta ka mamaya."- received 12:16 pm

"Mingus. I'm so sorry. Sana makarating ka. We're waiting on you ah. 4pm. Please answer my call. Please." - 12:30pm

"Mingus. Are you on your way here na? Answer my call please. Please." - 1:30pm

Wtf! Birthday ng anak ni ate! Hala. Late na ako neto. 3 hours ang byahe. Lalo at traffic sa mga oras na to.

Nagbihis agad ako ng longsleeves at skinny jeans. Dali dali akong pumunta sa kotse ko at nagdrive. Di ko na nareplyan si ate. Basta paspas ang pagmamaneho ko. Saka ko lang naisip na wala pala akong dalang kahit na ano kundi cellphone, shades at pera lang.

Buti na lang at di talaga nagkakatraffic sa toll way.  3:35 na nasa Batangas na ako. Kaso sa Mabini pa ang resort! May nakita akong cake shop kaya bumili na ako.

Inabot na ako ng traffic. I tried to call back my sister pero di sya nasagot. Siguro busy sa party kasi magsisimula na.

Nag overtake na ako ng nagovertake. Muntik makasabit at muntik pa makabangga.

4:15 nakarating ako sa Mabini. Kaso medyo malayo pa ang resort. Nasa bungad pa lang ako.

May nakita akong flowershop. Tumigil muna ako at bumili ng isang boquet. Pink boquet.

"Sir. Birthday po ng girlfriend nyo?" Tanong ng babae.

Pinagtaasan ko lang sya ng kilay at inabot ang pera. Dali dali akong umalis kahit may sukli pa ako. Super late na akoo!

5 exactly na ng makarating ako. Maganda ang pagkakadesign ng venue. Puro floral.

Oh shit! FLORAL! Bihis na bihis ako tapos sila mga naka shorts, mga naka-hawaian. Summer na summer ang theme. Halatang di ako prepared.

Katanga ko din. Bakit nga ba di ko naisip.

Tumuloy ako sa venue. Buti na lang at kasisimula lang. Nagtinginan lahat sila sa akin pagkababa ko ng kotse habang hawak ang cake at boquet.

Woaaaah! Para akong artista. All eyes on me.

"Who's this handsome guy with a handsome car na mukhang aakyat ng ligaw. " sabi ng emcee

Nagtawanan ang mga bisita. Sa halip na magalit at mainis ako ay napatawa na din ako. Pumasok ako sa venue at lumapit sa kapatid ko.

Oha. Grand entrace ako. Advantage ng late. Hahaha!

Bumeso ako sa kapatid ko at nakipagkamay kay Tyreese. Habang hawak ng kabila kong kamay ang magkapatong na boquet at cake.

"I thought di ka na dadating. " sabi ni ate at ngumiti lang ako.

"Oh. Siya pala ang kapatid ni mommy Maggie." Sabi ng Emcee.

Hayop na bakla to. Kadaldal. Haha!

Lumapit ako kay Tyra at bumeso.
"Happy Birthday Tyra. I'm your uncle Mingus."

"Thankyou uncle."

Binaba ko ang cake sa lamesa at inabot ang boquet sa kanya. Nakangiti sya at tuwang tuwa.

"Okay sir. Makakaupo na po kayo. Medyo nag commercial lang si kuya. " sabi ng baklang emcee.

Tumawa ako at umupo sa tinurong upuan bg emcee.

Pinagmasdan ko ang mga tao. Di ko kilala. Yung iba siguro kaso sa mukha lang. Nakalimutan ko na ang pangalan.

Dito kasi kami nagmula. Dito kami lumaki ng kapatid ko. Eto ang lugar kung saan ibang iba ang Mingus noon kesa ngayon.

Club, Race and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon