ang karagatang mapanlinlang

2 0 0
                                    

🌷♡₊˚ 🦢・₊✧

Kaibigan, hindi man tayo nagkikita ngunit salamat at naging angkla sa mala Bangka kong buhay. Hindi man natin nararamdaman ang isa’t-isa, malayo man tayong dalawa ay nagsilbi kang tagapag-balanse ng aking buhay. Marahil, ito na ang pinaka-wirdong sulat na maibibigay ko sa iyo kasama ang iba pang taong naging bahagi sa aking paglalakbay sa karagatan. Tulad ng angklang handang tibagin ang semento sa tuwing dadaong ang Bangka, maraming salamat dahil sinamahan mo akong makauwi sa bahay na matagal ko nang hinahanap.

Kapatid, hindi sa lahat ng oras ay magkasama tayo. Inaasam ko ang kaligayahang hanggang ngayon ay hindi mo makita. Hindi ka bulag, bata. Siguro ay hindi ka pa handang mamulat sa katotohanang may mga taong umaalis sa paligid upang ang iba ay magbalik o umultaw nang bigla. Napapansin ko ang pagtaghoy mo sa tuwing sumasapit ang madaling araw, pero sana ay iyong malaman na dadating ang araw na iisipin mong katangahan ang umiyak sa isang taong hindi ka pinahalagahan.

Kababayan, mapanlinlang ang karagatan. Sasabihin nitong lantap upang magpatuloy sa paglalakbay ang ibang tao ngunit raragasa ang mga along naghihintay na lunurin ito sa kaisipang hindi na sila makaka-ahon sa kahirapan. Ngunit saan nga ba tayo kumukuha ng lakas? Mapanlinlang nga ang karagatan, pero nakalimutan niyang handa kang languyin at salubungin ang alon ng buhay para lang makaligtas.

Ang buhay ay isang Karagatan, sa tingin ko’y hindi ka makakapagpatuloy Kung wala ang pangunahing gamit para makalayag Ka.

🌷♡₊˚ 🦢・₊✧

Will the Gods Hear Me?Where stories live. Discover now