Ariane Marcelo

6 0 0
                                    

"Maam andito na ho tayo" sabi nung lalaki

Hindi ako sumagot, gumalaw lang ako, istorbo to e

"Maam naman andito na ho tayo sa bahay niyo, dun na ho kayo sa kwarto matulog" after one minute ay nagsink in sakin lahat ng sinabi niya. Oo nga pala.

Ako nga pala si Arianne Marcelo, 20 years old. Dad ko si Chirstian Marcelo, siya yung isa sa pinakasikat ng chef sa Asia and si Mom naman ang isa sa 'most successful business tycoon in Asia' na si Althea Marcelo. Galing ako sa California for a seminar. Isa akong pediatrician and i have my own clinic. Me and my sister briana owns a coffee shop and may mga branch na ito sa Cavite, Pampanga and Bataan. Pinagipunan namin ang unang branch malapit dito sa subdivision namin noong College kami at wala kaming idea na magiging ganoon ka successful ito.

Bumaba nako ng sasakyan at naglakad papasok sa bahay. Dito muna ako pinapastay nila mom kasi walang makakasama si Briana maliban kay Nana Tere dahil busy sina mom sa work. I do have my own condo unit malapit sa clinic ko and i stay there for good. Madalang lang din ako makauwi dito dahil wala rin masyadong tumatao dito. Ang parents ko busy sa work at nasa ibang panig ng mundo at si Briana din ay busy sa kanyang trabaho which is ang pagmamanage ng mga coffee shop namin at di maiwasang pumunta siya sa ibang lugar para icheck ang mga branches.

As i walk in this house, medyo nostalgic ang feels at ang aroma. Walang pinagbago, andun parin yung malaking family portrait namin sa dingding malapit sa stairs and ganon parin ang style ng bahay namin.

"Ateeeee!" sigaw ng babae sa likod ko sabay yakap sakin at sa sigaw palang ay alam ko na kung sino to

"Oh bri! Grabe ka makahug para namang sobrang tagal nating di nagkita" sabi ko sakanya

"Matagal naman talaga! Eh di ka man kaya umuuwi dito duh" sabi niya hay nako wala talagang pinagbago tong babaeng to

"Eh kasi busy duhh" gaya ko sakanya as i roll my eyes

"Hay nako fine. I forgive you basta bukas samahan moko sa coffee shop ha? Dating gawi , tayo magbantay ng shop" sabi niya

"Bri naman pagod ako tas the day afte tomorrow ay bubuksan ko na yung clinic ko ulit, marami nang nangangailangan sakin so kailangan ko ng pahinga" i answered her exhaustedly

"Ate naman e please please please" sabi niya as she do her famous puppy eye which is nobody can't resist

"Ugh! Para ka paring bata! Fine!" sagot ko as a sign of defeat

"Yaay thankyou ate koooo" sabi niya then she hugged me.

Close kami ni Briana and unlike any other siblings, lagi nag aaway, kami hindi. Simula bata kasi kami kailangan niya na ng atensyon, dahil busy sina mama at ang naging mind set ko ay kailangan niyang maging masaya kahit wala ang parents ko. Magkasundo kami sa lahat ng bagay simula noon pa at hanggang ngayon. We both love pizza and coffee, sabay kaming nagbuburn ng fats at sabay din kaming nagshoshopping. Yung tipong siya pipili ng bibilin ko at ako ang pipili ng kanya, minsan nga kahit undies e siya pumipili para saakin e.

"Ate tara sa kusina nagluto si Nana Tere!" aya sakin ni Brianna

"Anong niluto niya?" tanong ko naman and biglang may mabangong amoy na dumaan sa pagitan namin

"Hmmm ADOBOOOO" sabay naming sagot sabay tawa at patakbo kaming pumunta sa kusina

"Hay nako kayong dalwa wala parin kayong pinagbago!" tawang sabi ni Nana Tere. Siya ang kasama namin since birth, siya nagalaga samin at hanggang ngayon ay ayaw niya parin kaming iwan.

"Syempre basta adobo ang pinaguusapan" sagot ko

After namin kumain ay inayos ko na yung mga gamit ko atsaka narin ako nagpahinga. Sobrang nakakapagod kasi yung byahe at ang kailangan ko lang talaga ngayon ay mahabang tulog. Paglakad ko sa may kama ay tinignan ko ang picture sa may bedside table ko na hanggang ngayon ay hindi pa nawawala at napangiti ako

"Hay nako russell hanggang ngayon ba naman? Goodnight" ngiti kong sabi hay nako kung may ibang makakita sakin nito iisiping baliw ako kasi kinakausap ko yung picture.




Kamusta naman si Ariane para sainyo readers? Excited naba kayo kung pano natin masasabing she's already living in a dream? Patience is a virtue my dear readers. Updates twice a week at pag sinipag at inspired ay pwedeng araw araw hihi. Hope you enjoyed!

Living in a DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon