Chapter 3

25 12 0
                                    

andito naman agad ako room namin, maaga ako pumasok kasi ayoko makasalubong si mom sa bahay.

habang ako nandito sa room bigla nalang ako tinawag ni warren

"Hey pres, ang aga mo naman masyado" - sabi niya

"ah wala lang gusto ko lang pumasok ng maaga" - ngiti kong sabi

"talaga bang wala kang naging boyfriend?" - tanong niya sakin

"Yeah bat di ka naniniwala? " - tawa kong tanong

"sa ganda mong yan wala? di talaga ako naniniwala" - sabi niya sakin

"hay nako ewan sayo" - sabi ko

Napatawa nalang siya at tinulungan niya ako ayusin ang mga upuan dito sa room.

"Naks Warren ah dumada-moves kana kay pres" - birong sabi ni clint

Nandito na pala sila di ko napansin.

"Hindi ah, gusto ko lang siya tulungan" - sabi agad ni Warren

"Nako nako Warren kilala kita, at ikaw din pres wag ka ng maniniwala diyan madami na yan pinaiyak na babae" - sabi naman ni bryan

"ano ba kayo, tinutulungan ko lang siya mag kaibigan lang kami diba pres" - sabi ni warren sabay tingin sakin

"Yeah we're friends, tsaka di naman ako interesado sa mga ganyan" - sabi ko

hindi na sila sumagot, umupo nalang sila pati ako umupo din, nahihiya ako sa kanila di naman sa takot ako pero ayoko yung tinititigan ako naiilang ako at nahihiya.

"nga pala pres, how's your life?" - tanong ni Clint

"ah um ok naman hehe" - sabi ko sabay pilit ngumiti

paano kaya kung malaman nila about sa buhay ko? ano kaya magiging reaksyon nila sakin?

"di kaba pala kaibigan? mukha kasi naiilang ka samin" - tanong ni Nathaniel

"um depende naman yan sa kanila kung kakaibiganin nila ako kasi mahiyain lang talaga ako" - sabi ko sa kanya

"baka kasi wala nakikipagkaibigan sayo kasi ang boring mo" - sabi ni raze, nagulat ako sinabi niya yun.

medjo masakit sa part ko nun dapat nga masanay ako kasi lagi ako sinasabihan ni Faye ng ganyan pero alam ko naman biro lang yun ni Faye kasi alam niya yung sitwasyon ko pero pag galing sa iba ang sakit nakakawalang gana hayst.

"Hoy ano kaba raze wag mo nga personalan tsaka bat ba mukhang galit yung pagkasalita mo" - sabi ni Warren

"dahil sa kanya nakipaghiwalay gf ko" - sabi ni Raze

"Wait what? Isang araw lang naman yung mga nagiging gf mo tapos papalitan mo agad." - sabi ni bryan kay raze

"siya kasi yung nakabungguan ko last week sa mall dahil dun nabadtrip ako then nakipaghiwalay gf ko dahil late na ako nakadating" - sabi ni raze

"dahil lang dun sisihin mo siya?" - tanong ni cling

"oo di pa nga ako na score sa babaeng yun nawala agad nang dahil sa kanya" - turo nya sakin "edi kasalanan talaga niya na dahil sa kanya hiwalay agad kami ng gf ko, then it's true naman diba si Faye lang naman yung kasama niya kasi nga boring siya kausap, kaya pati buhay niya boring din kaya wala kumakaibigan sa kanya" - seryoso niyang sabi

sa mga sasabihin niya masyado masakit gusto ko siya sampalin hindi niya alam kung anong buhay na meron ako.

sasagot sana si bryan ng bigla ako sumagot

"osige kasalanan ko na talaga yan pero for your information hindi ko kasalanan na nagkabunggaan tayo kasi ikaw yung di tumitingin sa dinadaanan mo, pero ok lang naman sakin na sisihin mo ko pero kung sasabihin mo boring buhay ko you crossed the limit oo si Faye lang kasama ko siya lang naman nakakaalam kung anong buhay meron ako. Ok lang sakin na si Faye lang magsabi sakin ng mga ganyan kasi kaibigan ko siya at alam niya yung buhay ko pero ikaw ang lakas mo naman magsalita ng ganyan e di nga kita kaibigan at di kita kilala tapos may gana kang sabihin yan sakin, di mo lang alam kung ano buhay ko pero sge ganyan naman kayo lahat diba! Kasalanan ko na! Kasalanan ko na lahat! Okay na?!" - luha kong sigaw sa kanya

kinuha ko naman agad bag ko at sabay takbo palabas sa room narinig ko tawag sakin ni Warren pero di na ako lumingon.

Bumilis nalang takbo ko palabas sa school namin, ng bigla umulan ng malakas wrong timing talaga pero mabuti na ganito para walang makaalam na umiiyak ako.

huminto ako sa isang store at napansin ko basa na uniform ko buti nalng yung bag ko ok lang na mabasa.

inantay ko na tumigil ang ulan pero lumalakas lang ang ulan, 9am na di ko alam kung andun na si Faye hindi na lng ako papasok nakakawalang gana dahil sa Raze na yan ang kapal magsalita.

nung napansin ko na kunti nalang ang ulan, naglakad ako papunta sa bilihan ng mga bulaklak.

"Nay pabili naman po ng bulaklak niyo" - sabi ko

"nako iha bat basang basa ka ng ulan" sabi niya sakin

ngumiti lang ako sa kanya.

"ito bang bulaklak na gusto mo? "- tanong niya sakin

" yes po bibisitahin ko lang kasi ate ko sa puntod niya" - sabi ko sa kanya

"oh Eto iha 50 nalang yan para sayo" - sabi niya sakin

kinuha ko naman agad eto.

"Salamat po, alis na po ako ingat po kayo sa pag-uwi" - sabi ko at sabay paalam

"sandali lang iha, eto payong ko" - alok niyang sabi sakin

"hindi na po kailangan nay basa na po ako ng ulan sa inyo nalang po yan baka umulan pa mamaya" - sabi ko sakanya habang nakangiti

"osiya sige ingat ka iha, mabait mong bata" - sabi niya sakin

ngumiti nalang ako sa kanya at nagpaalam nalang ulit.

sumakay ako ng taxi papunta sa puntod ng ate ko ok lang naman sa driver na mabasa yung upuan nagpasalamat naman ako.

nakarating naman agad sa sementeryo at bumaba na ako sa taxi binayaran ko naman si manong driver.

naglakad ako patungo sa puntod ng ate ko at nilagay ko yung bulaklak sa tabi niya.

"Hi ate miss you na po hays kita mo oh basang basa na ako sa ulan haha siguro po ate kung andito ka, siguro mahal pa din ako ni mom siguro di ko mararanasan yung ganitong buhay sana po ako nalang yung namatay hindi ikaw sana ako nalang nandyan hindi ikaw" - iyak kong sabi kay ate kahit di niya maririnig kung ano sinasabi ko sa kanya.

iyak ako ng iyak dito the way i miss my ate, ganun din kasakit ang nararamdaman ko bawat taon na lumipas ilang taon na yun pero sobrang sariwa para din sakin ang nangyari.

hapon na pala di ko na pansin ang oras ang tagal ko na dito kay ate madalang ako bumisita sa kanya kaya sinusulit ko.

napagpasyahan ko umuwi na ng bahay at nadatnan naman ako ni dad na mabasa ako tinanong niya naman ako sabi ko naulanan lang ako.

agad naman ako pumunta sa kwarto ko at naligo, para makapagpahinga din ng maayos.

etong araw lang ang ayaw ko, masyado masakit nakakamiss ang dati pero masyado masakit din pag naalala ko yung nangyari.

eto na naman ako iiyak na naman kasawa na, kapagod na umiyak bakit kasi ako pa? bakit ako pa yung ganitong sitwasyon sarap sumuko pero di ko magawa.

gusto ko sumaya kahit minsan pero bakit hindi ko magawa? bakit ang hirap

sana sumaya naman ako kahit saglit lang, sana iparamdam din sakin na mahalaga ako kasi araw araw nalang kasalanan ko, araw araw nalang masasakit na salita na tatanggap ko kapagod din magpanggap na.

Kapagod ngumiti sa harap ng tao kahit hindi naman ako masaya o okay.

kakapagod na pero bawal ako sumuko kailangan ko lampasan ang sitwasyon na ito.

Pabuntong hinga ko sabay humiga nalang sa kama at pumikit.

@glxyqnnzie

Why Is It My Fault Again?Where stories live. Discover now