Prologue

30 13 1
                                    

Kakagising ko lang,natatamad ako bumangon kaya nandito pa din ako sa kwarto ko nakahiga lang habang hawak ko ang larawan ng ate ko namatay siya dahil sakin nung 10yrs old ako at si ate 12 years old, but it was accident pero pinaramdam ng mom ko na ako yung may kasalanan kaya namatay si ate.

kung sinalo ko lang yung bala na yun siguro buhay pa si ate ngayon edi siguro masaya ngayon ang mom ko.

Apat kaming magkakapatid pangatlo ako then yung panganay namin si kuya sumunod si ate then ako at yung bunso namin.

simula nangyari yung aksidente na yun ang tingin ni mom sakin ay parang hindi niya ako anak, sinisi niya lahat sakin.

"ate kain na po" - sabi ng kapatid ko sa labas ng kwarto ko

"opo sige ayusin ko lang higaan ko susunod ako" - sabi ko

inayos ko naman agad yung higaan ko at nilagay ko table yung picture ng ate ko, actually may secret room ako na puno ng picture namin ng ate ko at yung solo niyang picture.

naghilamos naman ako sa banyo sa loob ng kwarto ko, lumabas na ako, at bumaba na.

nadatnan ko nagsisimula na sila kumain pero tulad ng dati hindi sumasabay si mom kumakain ng breakfast pag kumakain ako.

"sorry po may inayos lang ako sa kwarto" - sabi ko sabay upo

"sige kumain kana" - sabi ni dad

kumain nalang ako habang si kuya busy sa laptop niya then yung bunso namin busy din kumain ng favorite niyang almusal

"nga pala kaye, kailan ka mag enroll?" - tanong ni kuya Kino

"um sa Wednesday pa po kuya" - sabi ko

"that's good what your strand again? " - tanong niya

"STEM po kuya yun ang gusto mo para sakin" - nakatango kong sabi

"That's good anak, mabuti yan pinili mo" - sabi ni dad

"pinagpatuloy mo yung stem? Akala ko ba umiba kana ng strand? " - tanong ni kuya

"um yes po, g-12 student ako ngayon kuya, ayoko naman umiba ng strand mahihirapan ako" - sabi ko

si kuya ang cold niyang makipag-usap parang feel ko wala siyang pakialam sakin pero hindi, hindi niya ginawa pinaramdam sakin yun kasi pag inaaway ako O sinasaktan ako ng physical ni mom si kuya lagi yung nagtatanggol sakin.

"mabuti naman kung ganun, then sabihan mo ko pag naka enroll kana lalabas tayo kasama natin si Kate" - sabi ni kuya

tumango nalang ako sa sinabi niya at pinagpatuloy ko na lang din kumain.

hindi naman makakasama si papa dahil busy din toh sa business then si mom alam ko naman di siya sasama.

nang natapos na kami kumain nilinis na agad ni manang yung lamesa at nandito kami ngayon sa sala nakaupo lang.

habang si papa kakaalis lang dahil may meeting eto sa isang company.

"Ate can we play po?" - tanong ni kate

"What play?" - tanong ko

"um eto po ate" - sabi niya habang kinuha niya mga laro ng barbie na doctor

napangiti nalang ako dahil sa sobrang bata pa neto ay hindi ako makatanggi ang cute niya din mamilit e.

habang kami naglalaro nakatingin lang si kuya samin pansin ko naman kasi yung mata niya ay nasa amin.

habang nilalakad ko yung barbie sa hallway bigla nalang nagsabi si kate na

"bang, patay na po si barbie ate dapat nakahiga na siya" - sabi ni kate habang may hawak yung fake na baril

bigla ko naman na bitawan yung barbie at sabay sabi niyang

"Ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay si barbie" - sabi ni kate habang hawak niya yung isang barbie na parang nagvovoice over lang yung kapatid ko

nagulat ako sa sinabi niya at bigla nalang pumasok sa utak ko ang nangyari noon kay ate karyll

bigla nalang tumulo luha ko at sabay sabi ko

"Enough kate ayoko na maglaro" - sabi ko habang pinipilit kong di tumulo luha ko

"bakit po ate it was a game lang po" - sabi niya

"Enough kate! ang bata mo pa sa larong ganyan" - galit na sabi ni kuya

bigla nalang tumahimik dito sa sala at alam ko sa mukha ng kapatid ko yung lungkot agad naman eto lumapit sakin

"Kuya is mad at me ate" - iyak niyang sabi sakin

"shh wag kana umiyak kate ayaw lang ni kuya na ganyang laro okay?" - sabi ko kahit nahihirapan ako magsalita

tumango lang siya at inayos na niya yung mga laro niya, pumunta naman agad siya sa taas.

"Don't mind that game kaye okay? It's not your fault" - sabi niya kuya habang hawak yung kamay ko

"you sure kuya?" - naiiyak kong sabi

"Shh never mo yun naging kasalanan. sge na puntahan mo na yung kapatid mo" - sabi ni kuya

tumango nalang ako at sinunod yung sabi niya pinuntahan ko naman agad si kate sa taas

si kuya kasi ayaw niya sa mga ganyan simula nung nangyari yung aksidente nun, ayaw niya na maalala ko yung nangyari ayaw niya ako mahirapan lalo't na about sa nangyari 9years ago

kaya sinabihan niya ako na mag stem strand nalang para nursing course ko pag college ko at di naman ako napilitan dahil lang sa kagustuhan ng kuya ko.

pinuntahan ko naman agad yung kapatid ko pero nadatnan ko nalang siya sa kwarto niya natutulog na kaya pumunta nalang ako sa kwarto ko at humiga.

unting-unti na naman naalala ko yung nangyari, hindi ko alam kung bakit naging kasalanan ko yun pero baka nga tama si mom kasalanan ko talaga.

kakapikit ko palang sa mata ko nangbigla nalang may pumasok sa kwarto ko si mom at bumangon ako

"ikaw na bata ka! hindi kaba marunong itago sarili mo!" - sigaw ni mom at hinawakan niya yung braso ko ng mahigpit

"tama na po mom ang sakit wala naman po ako ginawa e" - iyak kong sabi

kinaladkad niya ako pababa sa hagdanan

"anong wala? Bakit usapan ka ng mga kaibigan ko? At proud pa talaga sila? Pano naman kaya malaman nila ikaw yung may kasalanan bakit namatay yung ate mo!" - sigaw niya at tinulak niya ako sa sahig

"Janice ano kaba sinasaktan mo yung bata" sabi ni manang, tinulungan ako tumayo

"manang wag kang mangialam dito" - inis na sabi ni mom

"Mom! Ano ba! Lahat na lang ba isisi mo diyan kay kaye? Bakit naman ayaw mo pinag-uusapan siya? E dapat nga maging proud ka kasi kahit papano kilala siya ng mga kaibigan mo!" - sigaw at inis na sabi ni kuya

"maging proud sa kanya? really? sa kanya? I never proud of her nang dahil sa kanya namatay kapatid mo" - galit na sabi ni mom habang pinipigilan nito maiyak

"Your crossing the line again mom, you always bring up that story! Hindi yun naging kasalanan ni kaye kasi kung tutuusin kasalanan mo yun kasi hindi mo sila binantayan" - sabi ni kuya

"kasalanan ko pa talaga? At ikaw sana ikaw na lang yung namatay at nilibing sana ikaw nalng! " - turo ni mom sakin na parang gustong gusto niya ako dapat yung namatay hindi si ate karyll

tumakbo na lang ako sa taas at nilock pinto ko agad naman bumuhos lahat ng luha ko napapagod na ako sa ganito mas pinaramdam lang sakin ng mundo na mag-isa ako, na kasalanan ko talaga yung nangyari sa aksidente.

kinuha ko picture ni ate at humiga ako sa malambot na kama ko habang yakap eto hinayaan ko nalang ang luha ko na bumuhos habang nakapikit mga mata ko, inisip yung mga katagang.

sana makalaya ako sa mundong ako yung lagi sinisisi pero aakuin ko nalang dahil tingin ng mom ko at nang ibang tao ako ang may kasalanan. Napapagod na ako sa mga natatanggap kong salita galing sa mom ko pero bawal ako mapagod sapagkat may kapatid pa ako at titiisin ko lahat hangga't kaya ko pang tiisin.

@glxyqnnzie

Why Is It My Fault Again?Where stories live. Discover now