Kakatapos ko lang mag-enroll, kasama ko ngayon sina kuya at kate nandito kami sa mcdo para kumain.
"Ano gusto niyo?" - tanong ni kuya samin
"um kuya gusto ko po is burger steak po, with sundae po at French fries" - sabi ni kate
"burger steak sakin kuya, then mcfloat with sundae at cheesy burger po" - sabi ko kay kuya
tumango naman si kuya at nagtanong pa siya kung may gusto pa kami kaso sabi ko na siya nalang mag-order ng iba kasi di ko naman alam kung ano bago sa mcdo.
habang namin inaantay si kuya ipakilala ko muna ang aking sarili.
Ako nga pala si Kayelle Jemeca isang anak ng businessman at businesswoman 19 years old palang ako, Grade 12 Stem student.
Si Kuya Kino Jemeca naman po ay isang businessman din katulad ng dad ko pero yung kinuha ni kuya na course is marine engineering graduate siya sa kursong niyan kaso pinagmana ni lolo yung business kaya wala nagawa si kuya kundi mag resign as a captain of marine engineering 23years old na siya.
Yung bunso naman namin ay si Kate Jemeca 9years old siya, grade4 siya ngayon pasukan same school kami kasi yung university ay may elementary building to college building.
My dad name is Gabriel Jemeca ay isang business man, 39 years old. Maasahan si dad sapagkat hindi bumabagsak yung business niya dahil marunong siyang hawakan lahat, nangunguna ang pamilya namin sa pinakamayaman sa Pilipinas pero kahit ganun may mayaman din naman sa Pilipinas na ka-business ni dad O partner.
My mom name is Janice Jemeca, she's not pure Filipino may half siyang Australian 39years old na din siya tulad ng dad ko business naman din si mom pero naging fashion designer siya nung 30years old siya.
so yun napakilala ko na ang pamilya ko at nakadating na nga yung order namin.
nilapag naman agad ni kuya sa lamesa yung mga inorder niya.
nagsimula naman kami kumain, si kate naman ay sobrang saya dahil nakakain ulit siya ng mga ganito kasi minsan lang kami lumabas.
"Kailan start ng first day of school niyo?" - tanong ni kuya
"Um next week po sa Monday, ganun din kila kate"- sabi ko habang kumakain
"May mga gamit kana ba? New bag?" - tanong ni kuya
"um wala pa kuya pero di naman po need new bag kasi meron pa naman ako dun sa bag closet ko e" - sabi ko
"no, bibili tayo ngayon sa mga gamit niyo at bagong bag" - sabi niya
wala naman ako magawa kasi kahit naman ilang ulit ako umayaw masusunod pa din si kuya sa kagustuhan niya bilhan kami.
natapos naman kami agad kumain, lumabas naman agad kami sa mcdo at pumunta dito sa Mall para bumili ng gamit.
naglalakad kami papunta sa isang shop ng mga bag.
yung kapatid ko naman ay pumili na, pati din ako namili na kami sa bag then napili ko is yung parang medjo maliit na bag na umuuso ngayon sa mga student.
nakapili naman agad si kate ng bag niya at binayaran naman agad ni kuya yung mga bag na napili namin ni kate at lumabas agad sa shop na yun para bumili kami ng school supplies ni kate yung sakin kasi notebook lang kasi may gamit pa naman ako dun sa kwarto ko e.
"um kuya may pupuntahan lang po ako dun may titingnan lang po ako" - sabi ko
"okay sige balik ka agad dito lang kami hahanapan ko pa mga gamit ang kapatid natin" - sabi ni kuya
tumango naman ako sa kanya at naglakad na ako papunta sa isang beauty shop dito sa mall
Tiningnan ko lahat yung new item.
"Good morning ma'am kaye, welcome back po sa shop namin"- bati ng isang sales lady
ngumiti lang naman ako at pumasok na sa shop nila at tumingin na ako sa mga new item nila.
bumili ako ng new foundation, new blush, new eyeliner lahat kagamitan para sa mukha.
hindi naman ako mahilig mag make up, nag-aayos lang ako sa sarili ko simple lang ako ayusin mukha ko pagdating sa mga ganito.
nakabili na ako agad naman ako pumunta kila kuya at yun nga di pa sila tapos bumili ng gamit kaya tinulungan ko naman sila.
habang naghahanap ako bigla nalang may naka bunggoan ako
"Ano ba di kaba tumitingin sa dinadaanan mo" - inis na sabi ng lalaki
kinuha ko naman agad yung gamit na nahulog at binaling ko atensyon ko sa lalaking ang lakas magalit na siya yung may kasalanan
"Excuse me ako di tumitingin sa dinadaan ko? Omyghod bulag ka ata e nandito ako sa gilid may kinukuha, tapos bigla ka dumaan na parang nagmamadali tapos sasabihin mo ako pa yung may kasalanan, seryoso ka diyan" - inis kong sabi sa kanya
nakakasira ng araw akala mo naman sa kanya yung mall na toh
"tss you ruined my day! akuin mo nalang na kasalanan mo talaga" - galit niyang sabi
nakakahina sa sinabi niya haha di ko alam bat parang ramdam ko kasalanan ko kahit di naman ako nakipag bungguan sa kanya
"Never ko yun naging kasalanan kahit tingnan pa natin sa cctv" - inis kong sambit
magsasalita pa sana ako ng bigla may tumawag sa phone niya at sinagot naman agad nito, sabay baba ng phone
"Okay fine sorry, di pa tayo tapos tandaan mo yan nang dahil sayo nagalit gf ko" - sabi niya sakin
umalis naman agad siya at ako naman bumalik kila kuya, binigay ko naman kay kuya yung gamit na kinuha ko
binayaran naman ni kuya yung mga gamit at lumabas agad naman kami sa mall para umuwi ng maaga.
nakarating naman agad kami sa bahay, pumasok naman agad kami at nadatnan namin si mom at yung mga kaibigan niya.
nagmadali ako maglakad papunta sa kwarto ko at nagbihis ako ng damit ko.
"Kaye? Everything is okay?" - kumakatok tanong niya kuya sa labas ng kwarto ko
"um yes po kuya ok lang po ako hehe later na po ako kakain pag nagutom ako" - sabi ko
wala naman ako narinig ng sagot alam naman ni kuya na ayoko talaga kumain habang nandyan si mom at yung mga kaibigan ni mom.
pumunta ako sa terrace ng kwarto ko malawak kasi yung kwarto ko kaya may terrace sa loob at cr dito meron din ako mini ref kasi kung sakali na magutom ako sa madaling araw di na ako baba para pumunta sa kusina.
nilalanghap ko yung hangin at bigla nalang pumasok sa utak ko yung nangyari kanina sa mall.
Akuin ko daw na kasalanan ko haha sa salitang palang na "akuin" parang mas lalo pinaramdam sakin na kasalanan ko fuck! Ang kapal niya sabihin sakin yun.
di ko namalayan na tumulo yung luha ko, pinunasan ko naman agad.
traydor talaga luha ko tss, sa sobrang mahina ko parang gusto ko tumapang ang kaso natatalo ako sa mga salita lalo na pagdating kay mom wala lumalabas sa bibig ko na kahit gusto ko magsalita.
Humiga nalang ako sa kama ko at pinikit nalang ang mga mata kong pagod na.
@glxyqnnzie
YOU ARE READING
Why Is It My Fault Again?
RastgeleLahat naman tayo nagkakameron ng kasalanan, pero bakit sa kanya? Bakit laging kasalanan niya kahit hindi niya naman ginawa. Makakaya paba niya lahat o hahayaan nalang niya akuin lahat ng kasalanan kahit ni minsan hindi niya ginawa. Started: 8/24/20...