Kabanata 57

47 7 0
                                    

Forgiveness

Hinawakan ko ang magkabilang braso ni Mama. Naramdaman ko namang may umakbay sa akin.

P-Prim.

Nagulat ako nang may bigla pang humawak sa aking baywang. Unti-unti ko itong nilingon...

A-Anz.

"Liar! We didn't threaten you!" depensa ni Auntie Vileña.

Tinanggal ko ang hawak kay Mama at lumapit sa kaniya. Naramdaman kong natanggal ang pagkakahawak sa aking balikat ngunit ang nakahawak sa aking baywang ay nanatili.

"Kayo ang manloloko! Pinaniwala niyo kami sa kasinungalingan! Tinakot niyo pa 'kong papatayin niyo si Mama kung hindi ko hihiwalayan si Anz! Dahil sa inyo kaya hanggang ngayon magulo pa rin ang buhay namin! Sisiguraduhin naming mabubulok kayo sa kulungan!"

"That's a lie, Kezzrah!"

Nilingon ko ang taong sumigaw.

M-Ma'am Lace?

"They can't kill your mother 'cause she was in good hands! Zaichen didn't lose hope of finding your mother! She hired men, and when they found her the other day, Zaichen went back to La Union to get her! See how much Zaichen loves you? He did everything even if you hurt him and left him! He loves you and your mother! Whatever you do, his love for you always prevails!"

Para akong matutumba dahil sa panghihina.

N-Naloko muli ako? At nagpaloko na naman ako?

Ikinalma ko ang aking sarili at humarap muli sa mga taong pilit naninira ng buhay ko, namin.

"M-Masaya na ba kayo? Naloko niyo na naman ako! At ako naman si tanga, naniwala, natakot, at sumuko na naman nang hindi man lang sinubukang lumaban! Dahil sa inyo kaya kami nagkalayo ni Mama!"

Tiningnan ko si Auntie Vileña. "Ikaw! Mamamatay tao ka! Pinatay mo ang Papa ko na hindi ko man lang nakikilala at nayayakap! Wala kang awa at respeto sa mga magulang ko! Mahal mo si Papa? Pero bakit nagawa mo siyang patayin? 'Di ba matalik kayong magkaibigan? Bakit hindi na lang 'yon ang naisip mo para unti-unti mong matanggap?"

Biglang tumulo ang kaniyang luha.

Tiningnan ko si Reishen. "At ikaw, Reishen, bakit ba hanggang ngayon ipinagpipilitan mo pa rin ang sarili mo? Maganda ka, e! May ibang lalaki pa na magmamahal sa 'yo ng totoo! Iyong hindi galing sa agaw! Iyong hindi mo ipinipilit para maging iyo! Darating din ang araw na may lalaking kusang tatanggap at magmamahal sa 'yo! Kaya puwede bang isipin at unahin mo muna ang sarili mo?"

Humagulgol si Reishen at puwersang kumawala sa hawak ng mga pulis.

Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod.

"K-Kezzrah... I-I'm sorry. I-Im sorry for what we've done to you... and to your mother. I know that... you'll not forgive us easily, but I'm sincere, Kezzrah. I'm so sorry."

Humarap siya kay Mama. "T-tita... I-I'm sorry po. We made you suffer and Kezzrah. I hope that... one day.... you can forgive us.."

Dahan-dahang tumayo si Reishen. "Mom, apologize to them."

Nagulat si Auntie Vileña sa sinabi ng kaniyang anak.

"W-What-"

"Come on, Mom! Are you not tired? 'Cause I am! I'm tired of ruining other people's lives! To Kezzrah and her mother specifically! I know I am evil! I prioritized my feelings towards Zaichen rather than loving myself! Kezzrah was right! We ruined their lives! You killed his father! You killed the husband of Tita Aneta! And you killed the one you love! Your best friend! Don't you feel guilty? Are you not having a nightmare? 'Cause I am! What more to you, Mom? So please, apologize to them!"

Found Love In La Union (Probinsiyana Series 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon