"ABA'T saan ka nanaman pupunta mahal na prinsesa ?"nakataas kilay na saad ni Gia sa prinsesang tatakas nanaman sa north palace.
"Nagawa ko na po ang trabaho ko friend gia". Pekeng ngiti nito dito.
"Alam ko kaya nga ako nagtatanong kung saan ka nanaman pupunta ngayong natapos muna ang trabaho mo" hindi parin nagbago ang reaksyon ni gia at mas lalo pang sumingkit ang mata nito sa dala ng prinsesa.
"Aanhin mo naman yan?" Tanong nito sa prinsesa.
"Ito po bang prutas?o itong galamay?"inosenteng saad nito.
"Pareho"
"Ah ganon po ba!ibibigay ko ito kay gunnar sa bago kung kaibigan. Paborito nya po kasi ang mga ito"
"Bawal kang lumabas ngayon mahal na prinsesa!" Napatingin sila sa bagong dating na si esmeralda.
Nangunot naman ang nuo ng prinsesa maging si Gia.
"Bakit naman?" Tanong ni Gia kay esmeralda kaya napatingin ito dito.
"Dadalaw ang hari!"sagot nito na syang kinasigaw ni gia.
"Ano!?bakit daw!?" Tarantang saad nito bago niligpit ang kagamitang nakakalat sa sahig.
"Hindi ko rin alam!basta itago muna natin ang prinsesa sapagkat kasama ng hari ang reyna. Baka makita nito ang prinsesa" saad ni esmeralda bago sya hinatak.
"Ate esmeralda bakit naman ako magtatago?wala naman akong ginagawang masama " huminto ito at lumuhod sa harap ng prinsesa.
"Hindi mo pa maintindihan ang sitwasyon mahal na prinsesa pero pwede bang sumunod ka na lamang muna?pangako magpapaliwanag kami sayo". Sinserong saad nito na syang ikinatango na lamang ng prinsesa.
Tumingin sya sa hawak na pagkain at nalungkot. Siguradong hinihintay na sya ni gunnar sa tagpuan nila.
Hindi nya man lang nasabihan ang batang gunnar na yun.
"Halika na esmeralda! Salubungin na natin ang kamahalan"saad ni gia na agad syang iniwan sa isang silid.
Napaupo naman sya pagkalabas nang dalawa. Hindi sya makapaglaro sa labas dahil nandito ang hari at reyna.
'Ano kaya ang itsura ng hari?may pagkakahawig ba silang dalawa?' piping tanong nya sa sarili.
Nakarinig syang ingay mula sa labas kaya napatingin sya sa pintuan Nakasiwang ng kaunti ang pinto kaya nilapitan nya ito upang isara ngunit napahinto sya nang may mahagip ng mata.
Isang matindig na lalaki na may malagintong buhok katulad sakanya. Sya ba ang hari?Ang kanyang ama?
Napatingin ito sa kanya kaya nanlaki ang dalawa nyang mata. Kita rin ang gulat sa hari kaya dali dali nya itong isinara.
Is he my father?ngunit bakit wala itong kasama?
"Mahal na hari bakit po?"rinig niyang tanong ni gia dito.
"Sino ang nandito?"rinig nyang maawtoridad na tanong nito.
"P-po?"pansin sa boses ni gia ang panginginig sa tanong ng hari.
"Mahal kung hari anong ginagawa mo dyan?". Nangunot ang kanyang nuo dahil may di pamilyar na boses ang sumingit sa usapan ng hari at ng kanyang dalawang ate.
"Mahal na reyna"may paggalang na saad nina friend gia at ate esmeralda sa babaeng syang reyna pala.
gusto nyang makita ang mukha nito ngunit baka makita ulit sya ng hari.
"May problema ba mahal ko?" Ulit na tanong ng reyna sa hari
"Wala mahal na reyna" rinig nyang sagot ng hari sa seryusong boses. Hindi nya mawari ang reaksyon ng hari ngunit pansin nyang napipilitan lamang itong sumagot sa reyna. Ngunit bakit kaya?