CHAPTER 3

1 1 0
                                    

"HALIKA ate Amirah! May isa pa akong ipapakita sayo". Sigaw ni Gunnar at katulad ng sinabi nya dito noong nakaraang araw ,dinalaw nya ito at nandito nga sila sa tambayan nila.

"Saan nanaman yun gunnar?ih napapagod na ako kakatakbo"nakabusangot na saad nya dito dahil kanina pa sila kung saan saan napapadpad.

Hindi pa nga sana sya papayagan nina friend gia at ate esmeralda na umalis kung hindi nya lang ito minapulate.

"Isa na lang ate amirah sige na!Doon tayo sa may kuweba."Natigilan sya at napanganga.

"May kuweba dito!?"Manghang saad nya na syang kinatango nito.

"Oo ate amirah!kaso napakalayo nun mula dito. Pupunta pa ba tayo doon?Ngayon ko lang naisip na malayo iyon at baka hanapin tayo ni ama"

Gusto nyang makakita ng kweba. Sa tuwing nagbabasa sya ng mga kwento ay laging may kweba na sinasambit doon kaya nacucurious sya kung ano ang feeling na nasa kweba.

Ang sabi ng iba delikado daw sa kweba at nang tanungin nya naman sina friend gia at ate esmeralda ay ganon din ang kanilang komento.

Pero sa mga kwentong binabasa nya ay napakamahiwaga daw nito. May nakatagong dyamante at ginto doon.

Baka doon na sya magkaroon ng maraming maraming pera kung ganon kaya susubukan nya pumunta doon.

"Gusto kong pumunta doon Gunnar!Gusto ko makakita ng kweba"masiglang saad nya at tumayo.

Nawala din ang pagod nya dahil sa nalaman.

"Sigurado kaba ate amirah?"tumango sya dito ng paulit ulit.

Agad silang umalis upang tumungo doon.

Tama nga si gunnar masyadong malayo ang kweba mula sa palasyo. Kaya agad nya itong niyayang magpahinga.

"Tama ka nga gunnar malayo nga ito mula sa palasyo"hingal na saad nya sabay upo sa isang malaking bato.

"Malapit narin naman tayo sa kweba ate amirah. Nakikita ko na ang mga lumilipad na talaod" tumayo sya at lumapit dito. Tumingin sya sa tinitignan nito at may nakita nga syang mga talaod na lumilipad.

"Oo nga!ngayon lang ako nakakita ng talaod ngunit teka lang...yun na ba ang kuweba?"

"Pano mo napansin ang kuweba ate amirah?eh napapaligiran iyon ng mga matataas at malalaking puno ng balete" Natatakang saad ni gunnar sa prinsesa.

"Ih halata naman na kuweba iyon, halika na nga gumayak na tayo."

Napansin nyang hindi kumikilos si gunnar kaya humarap sya dito.

"Bakit hindi ka parin sumusunod saakin?"

"Ate amirah hindi ko pala nasabi sayo na hindi tayo basta basta makakapasok sa kuwebang yan sapagkat may nakalagay dyan na mahika"

"Ibig sabihin hindi ka pa nakakapasok diyan?" Umiling ito.

"Sinubukan kong pumasok sa kuweba ngunit hanggang sa labas lamang ako dahil may nakaharang na isang barrier sa loob na humihila saakin palabas"

"Susubukan kung makapasok sa loob kahit sa labas ka na lamang maghintay"nakangiting saad nya na agad na gumayak patungo roon.

"Paano kung hindi ka makapasok?"

"Atleast sinubukan ko makapasok diba?kaya tara na" Walang magawa si gunnar ng tumakbo si amirah patungo roon.

"Huwag kang tumakbo ate!baka may patibong"

"Sorry naeexcite lang ako eh" napailing ang batang gunnar sa prinsesa.

Nakarating sila sa kwebang nababalutan ng mga dahong tuyo.

 AMIRAHWhere stories live. Discover now