Dear Daddy,
Kamusta ka na? Ako eto masayang malungkot. Masaya kasi makakatapos na naman ako ng isa na namang taon sa kolehiyo. Ang saya ko kasi konting panahon na lang at makakatulong na ko kay Mommy. Konting tiis na lang at makakaraos din ako sa kalbaryo ng isang kolehiyala. Sana nga tuluy-tuloy tong pagpasa ko nang walang problema. Alam ko pong pag-aaral lang ang dapat kong iniisip pero po hindi ko pa rin po maiwasang problemahin din ang pamilya. Si Mommy minsan nakikita at nadadatnan ko na lang syang tulala. Hindi ko maiwasang malungkot at mag-alala. Hindi ko na nga po tinatanong kung anong dahilan dahil malamang sa malamang e hindi nya din naman sasagutin dahil ayaw nya kaming mamroblema. Minsan nga po naiisip ko na magtrabaho din para makatulong, working student ba, pero nung pinaalam ko yun, ayaw nyang pumayag dahil mahirap daw yon at ayaw nya daw maranasan ko yung mga dinanas nya noong dalaga pa sya.
Anyways, wag po kayong mag-alala samen kasi lilipas at lilipas din to at malalagpasan din namin to. Masaya pa rin naman po kami kasi magkakasama kaming lahat. Nga pala po, buntis si Ate pero wag po kayong mag-alala dahil ayos po yung napangasawa nya. Mabait at siguradong aalagaan at mamahalin si Ate. Si Kuya naman po ay malapit nang ikasal at malapit na ring magka-panganay. Pag nagkataon, dalawa agad ang aalagaan ni Tita at ako yon. Ang sarap sa pakiramdam na kahit papano ay may mga bagay pa rin na nagbibigay saya buhat ng mga problema. Sayang lang at hindi mo na po manlang nakita ang mga apo mo. Sayang lang at hindi nyo na po naintay ang panahong mas maginhawang pamumuhay ngayon. Sayang lang at kulang kami sa tuwing nagsasama sama ang buong pamilya.
I miss you Daddy. Don't worry, I'll take care of them especially your beloved wife. Please be Our Guardian Angel. I know that your in His good arms now. Please be happy for us and same as for you too. I love you always.
P.S. Sabi nga nila kapag may nawala may dadating. In our case, dalawa pa ang dumating at may susunod pa.
Love,
Bunso