Dear Daddy,
Akalain mo pong may pangalawa? Haha. Musta po kayo?
Ako? Tsk! Ang hirap na ng mga araw ko ng college. Thesis, OJT and the likes. Pagkatapos po ng summer na ito ay fourth year na po ako. Ang bilis. Parang kailan lang hinahatid nyo pa ko sa school sa malapit.
Nakakatuwang isipin na konting tiis na lang makakatulong na din ako sa pangpinansyal. Konti na lang, Daddy.
Pero sa ngayon, namromroblema ako sa thesis ko. Kasi naman po bakit nangiiwan sa ere. Diba po kaya nga tinawag na grupo kasi dapat gagawa lahat at walang mang-iiwan. Ngayon, pagkadefense, boom! Wala na, hindi na nagpakita for revisions. Haaay...
Sabi ko nga po kay Mommy na wag po syang mag-alala kasi problema ko na po yun kaso alam ko naman pong hindi maiiwasan yun. Haaay!
Sana po masolusyonan. Ayoko pong magahol. Ayoko pong madelay. Haaaay. Tulungan nyo po ko, please. Bigyan nyo po ko ng lakas, Daddy. Like the old times.
P.S. Huwag po kayong mag-alala, gagawin ko pa rin po ang responsibilities ko for our family kahit medyo problemado ko sa school. I miss you. Love You, Daddy, Always...
P.P.S. May nagpaparamdam kay Mommy, papayagan ko po ba? I want her to be happy but I couldn't just let her have a new one. Am I being selfish?
Hesitant but still Loves you,
Bunso :)