Entry #3

2 0 0
                                    

Dear Daddy,

     Hello po! Medyo matagal-tagal na din po pala ang huling sulat ko. Gayunpaman, heto na naman ako, nangangamusta. Musta po? Kung ako tatanungin nyo, ayos lang po ako. Don’t worry.

     Nakaka-stress talaga ang thesis. Pasensiya na po, palaging problema ang bungad ko. Siguro ito na lang yung daan ko para mabawasan ang sama ng loob at pagod. Stress reliever lang.

     Good news! Isang semester na lang po at hopefully gagraduate na din ang bunso niyo. Kapag naiisip kong konting panahon na lang, na-eexcite na ko. Sa tingin nyo po kaya, saan ako makakapagtrabaho?

     Si kapatid nagpapagawa ng bahay-paupahan. Grabe lang. Ang galing nilang mag-ipon. Parang dati lang. Haha! Nakaka-proud. Masasabi ko po talagang paunti unting gumaganda ang pamumuhay natin. May times na wala pero mas maraming panahon na nakakaluwag-luwag.

     Si kuya, ayun po. Amang ama na po talaga. Idagdag nyo pa ang gwapo niyong apo. Masaya po sila ng pamilya nya. Dumagdag pa po na promoted siya sa trabaho nya. Hinihiling ko lang na sana mas maging malakas siya. Medyo nakikita ko po kasing napapagod siya sa trabaho.

    Si ate, nagsisimula na po ulit magturo. Tutal malaki na po si pamangkin. Ang kulit-kulit nga po nung batang yon. Nakakapang-gigil sa taba. Habang tumatagal nakakaraos naman po sila bilang isang pamilya.

    Si mommy, ayun po, napag alamanang may diabetes. Diet nga po e. Bantay sarado ko. Kung ano kasi yung kinakain namin, kinakain din niya kahit bawal. Pinapagalitan ko nga po minsan, buti nga po at sumsunod naman.

    Sa awa po ng Diyos, maayos naman po kaming lahat. Huwag po kayong mag alala. Basta diyan lang po kayo. Sit back and relax. Steady lang kami.

P.S. Yung sinasabi ko pong nagpaparamdam kay mommy, ayun, nagpaparamdam pa din. At sabi ni mommy bestfriend lang sila. Naniniwala naman po ako e. Sadyang, ewan ko, siguro talagang may something. Hinahayaan ko na lang. Basta maging masaya lang siya.

P.P.S. Pag sa akin po ba may nagpaparamdam, should I entertain? Tanong lang po. :)

Your lovely daughter,

Bunso

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Letter To DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon