Addi's POV
"Hmmmm *wokes up* hala! Hala hala hala! Anong oras na?"
10:38 AM
Lagoooot na miss ko ang unang subject ko. *face palm* huhuhu
Wala na rin si ser sa gilid ko at nakabukas na ang pinto ng kwarto. Bumangon na ako at napansin kong nakaharap lang siya sa laptop niya sa baba. Bakit kasi di tumunog ang alarm eh.
Dumaan ako pero di naman ako pinansin. Sabi na eh may expiration lahat nang kagabi. *sighs* Nagsaing na lang ako at nagtimpla nang kape. Nagnanakaw tingin lang ako kasi baka bigla na naman umusok ilong niya. As long as tahimik lang siya jan oks na oks lang.
Nagsimula na akong maghiwa ng mga gulay at nilagay sa food processor tapos hinalo sa ground beef. Binuksan ko ang ref at pansin kong paubos na naman supplies namin. Kasi naman di na ako nagggrocery nang marami dahil di rin naman niya kinakain mga niluluto ko. Subukan ko lang ngayon magluto.
Binilog ko yung mga gulay sa ground meat at nilagay sa air fryer. Magluluto na rin ako nang ampalaya na pinadala sakin ni lolo kahapon, lalagyan ko lang ng itlog.
Pagkatapos maluto lahat at hinanda ko na ang mga pagkain sa mesa. Muntik nang mahiwalay ang kaluluwa ko nang lumapit siya sakin at yun pala huhugasan niya mga bitbit niyang strawberries. Kinuhanan niya ng mga tangkay at nilagyan ng baking soda. Wow may alam rin pala siya sa ganyan.
"Kain ka na pala" aya ko.
Hinantay ko lang siyang umupo bago ako nagsimulang kumain at pinwesto niya ang hinugasan niyang strawberries sa gilid nang plato ko. Confused na naman ang beshi nyo.
"Ayaw mo?" tanong ko. Baka naman kasi ayaw niya alam niyo na minsan sinasaltik utak nito.
"I bought it for you last night" di niya ako hinarap habang sinasabi niya yan kaya ang awkward na naman ng atmosphere nang kusina.
Nagsandok siya ng kanin at kumuha ng ulam. Kumuha siya ng bawat ulam na niluto ko. Luuh talaga ba? Sige nga baka maya maya iluwa din niya.
"Hmmm is this kangkong?" tanong niya.
"O..oo. Bakit?"
"It's been awhile. Ngayon lang ulit ako nakakain."
Ah okay. Patapos na akong kumain ng nagsandok ulit siya nang rice. Oh di ba masarap naman ako magluto eh ikaw lang yung maarte. Talagang nagustuhan niya yung adobong kangkong. Dinig na dinig ko pa pagnguya niya dito sa may lababo eh. Lol.
Kumuha na rin ako nang ice at gatas. E shshake ko tong strawberries. Di talaga ako mapakali sa behavior ni ser nyo kasi siya pa nga mismo naglagay ng plato sa sink. Grabehan na to na extend ba bossing? Pero mejo suplado ka lang ngayon.
Nilapag ko ang isang baso ng shake sa mesa. Nakatayo lang ako sa may lababo kasi nga after kung inumin sakin maghuhugas ako ng plato.
"Thanks for the food. Papasok ka pa ba?"
"O..oo naman"
"Maligo ka na sumabay ka na sakin" pinanood ko lang siyang nilagay ang baso sa lababo at di na naman makagalaw ang beshi nyo kasi ihahatid daw niya ako? Hala totoo? Napatakip bibig na lang ako kasi.... Hala ewan di ako mag aassume. Ay basta! Kung magiging ganito man siya hanggang sa mag divorce kami talagang di ako mamamatay ng maaga.
Dali dali na akong naghugas ng plato tapos naligo. Ang nakakainis pa jan, tapos na ako and all, si ser nyo nag aahit pa nang balbas niya. Panay tingin ko sa oras at tila malelelate pa ako sa pangalawa kong subject. Gusto kong sabihing mauna na lang ako pero baka biglang matauhan at alam niyo na, maging incredible hulk na naman siya.
BINABASA MO ANG
The Unchosen Wife (Mature Content/Rated18) Levi Ackerman Fanfic
RomansAs I began to disrobe, undressing myself in front of him, his attention was solely focused on me. A smirk formed on his lips as he took a sip of his Tequila. His eyes roamed freely over. I hope he finally realizes my worth and values the love I hav...