CHAPTER 1

45 9 7
                                    

Hi, listen to “Mine” by Keenan or “Why Do I Exist?” by Zevia while reading this first chapter of the story, if you want lang naman.


CHAPTER 1: The Inevitable Start

“Sunsets are uncontrollable, and you have to accept the painful beginning because it’s inevitable.”


KRENZA’S POV

AFTER one year . . .

Binuksan ko ang pintuan ng balkonahe. Nakita ko agad doon ang asawa kong si Elfhyro, nag-iisa at nagpapakalunod na naman sa alak. Ano ba’ng bago? Parang wala namang araw na hindi ko siya nakikitang hindi nainom.

“Umiinom ka na naman. Tama na iyan, Yro.”

Hindi man lang nito pinansin ang sinabi ko at tumuloy lang sa ginagawa. Kailan ka ba magkakaroon ng pakialam sa akin? Kailan ba niya ako pinakinggan?

“Leave me alone,” malamig niyang sabi, pero hindi ako umalis. Hindi ako aalis. Dito lang ako.

Nagsalin ito ng wine sa kan’yang inuman. Nang akma niyang iinumin iyon ay inagaw ko ang hawak niyang kopita. “The hell, Krenza! Ibalik mo sa ’kin ’yan!”

Mas lalo kong inilayo ang kopita mula sa kaniya. “No, itigil mo na ito. Magpahinga ka na.”

Hindi niya madaling maaagaw sa ’kin ang bagay na iyon dahil bulag siya. Mahigit isang taon na ang nakalipas nang mangyari ang aksidenteng tumapos sa buhay ni Xanthia, ngunit kasabay rin pala niyon ang pagkawala ng paningin ng lalaking mahal ko.

He lost his sight and all he could see was darkness. Hindi na nga ako makita ng puso niya, ngayon maski ang mga mata niya ganoon na rin. Pero noon pa man, hindi na niya talaga ako makita sa paraang nais ko.

“Kailan ka ba titigil sa pangingialam sa buhay ko? Mas’yado kang pakialamera!” aniya na nagpupuyos sa inis. I just don’t wanna see him like this. Ayokong palagi siyang lango sa alak para lang makalimot sa nangyari noon. Tapos na iyon, eh.

“I-I’m sorry. Ayoko lang naman na makita ka palaging gan’yan,” sabi ko at bahagyang napayuko.

“Sorry? Puro ka na lang sorry, Krenza! Walang magagawa ’yang sorry mo sa ’kin. I’m sick of your existence in my life. Why can’t you just leave me alone?” And with that, ginamit na niya ang bote ng wine para ro’n uminom mismo.

“Yro, tama na iyan. Lasing ka na, eh. H’wag mong gawin ’to sa sarili mo,” awat ko rito na pilit kinukuha sa kaniya ang boteng iyon.

Iwinaksi nito ang mga kamay ko na pumipigil sa kaniya. “Umalis ka na. I don’t need you. Pabayaan mo ako.”

“Hindi ako aalis, Yro. Mahal kita kaya palagi lang ako nandito. Hinding-hindi ako aalis sa tabi mo.” Kahit nasasaktan ako.

Kahit na ganito ang trato niya sa akin, parati pa rin akong mananatili.

He just laughed bitterly. “I don't need your love. Si Xanthia lang ang mahal ko at hindi mababago ’yon.” Mariin ang mga salitang iyon.

“Xanthia? Yro, she’s dead! Wala na siya, kaya p’wede ba? Kalimutan mo na siya. A-Ako, ako na lang ang mahalin mo, please.”

Kinakain na naman ako ng katangahan ko.

“Shut up!” singhal nito at tumungga ulit.

“Hindi na siya babalik kahit ano’ng gawin mo. Patay na siya, Yro. Patay na si Xanthia and you don’t have---

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 18, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Inevitable SunsetWhere stories live. Discover now