PROLOGUE

38 11 2
                                    

PROLOGUE



PLEASE, h’wag mo akong iwan. Mahal na mahal kita, Yro. H-Hindi ka naman mahal ng babaeng iyon. G-Ginagamit ka lang niya. P-Pera lang ang h-habol niya sa ’yo at hindi---

Nakatanggap ako nang malakas na sampal mula sa taong pinakamamahal ko. Masakit. It hurts like hell! Wala na akong ibang nakuha sa kan’ya kun’di puro sakit.

Disperada na talaga ako sa lagay kong ito.

“Shut the f*ck up! Hindi siya gano’n at wala akong pakialam sa mga sasabihin mo. Stop being dramatic, you worthless piece of trash,” mariin ang bawat salitang binibitiwan niya sa akin. “Wala kang mapapala sa ’kin. Why can’t you just let me go? I don’t wanna be with you anymore. Hindi kita mahal, Krenza! I never did.”

His words stung me like a knife, but I knew they were true. Alam ko naman, eh. Alam kong hindi niya ako mahal kahit na mag-asawa na kaming dalawa. Until now, pinapamukha niya pa rin sa akin na mas mahal niya ang babaeng iyon. Never niya akong pinili. Never niya akong binigyan kahit katiting na pagmamahal.

Basura ako para sa kan’ya, pati pagmamahal ko palagi niyang binabasura. Deserve ko ba talaga lahat ng ito?

Kailan ba magiging ako? P’wede bang ako naman?

Hinayaan ko ang mga luha na tumulo sa aking pisngi. Sunud-sunod sila. Walang tigil na parang falls. Ang sakit pala talaga kapag sinasabi sa ’yo ng taong mahal mo na hindi ka niya mahal. Ang hirap tanggapin. Hindi ako masanay-sanay kahit na paulit-ulit niya iyong sinasabi at pinaparamdam sa akin. You’re freaking stvpid, Krenza!

Puno lamang ng galit ang nakikita ko sa kaniyang mga mata. Walang awa. Walang halong pagmamahal.

“M-Mahal kita, Yro...” iyon na lang ang tanging nasabi ko sa kabila ng sobrang sakit na nararamdaman ko.

“I don’t care. Stop loving me,” he said coldly.

Umalis na siya sa harap ko dala ang mga gamit niya. Wala akong ibang magawa kun’di umiyak kahit na pilit ko siyang pinipigilan.

Humarang akong muli sa dinaraanan niya. “N-No, please, h’wag mo akong iwan. Ayoko, please...” I begged.

But begging is not enough.

Naging masama ang paraan ng kaniyang pagtingin sa akin.

“Tabi.”

Umiling ako, pilit na nagmamatigas.

“S’abing, tabi!” Kasabay niyon ang malakas na pagtulak niya sa ’kin. Napasalampak ako sa sahig. Yro...

Nginitian lang ako ng babae niyang si Xanthia Olivar na nasa loob ng sasakyan, naghihintay sa asawa ko. Siya ang babaeng nagmamay-ari ng puso ni Yro. Ang babaeng kahit saang anggulo, siya ang pipiliing mahalin ng lalaking pinakamamahal ko. Hindi ako. Never naging ako.

Napaiyak na lang ako nang tuluyan na siyang makaalis. Sa huli, wala pa rin talagang pagbabago. Ako pa rin ang nasasaktan. Ako pa rin ang naiwan. She chose that d*mn girl over his wife. Paano naman ako?

Kailan ba niya ako pipiliin din? Kailan ko ba mararamdaman ang pagmamahal mula sa kan’ya?

Kung mawawala ba ako, mamahalin at pahahalagahan na ba niya ako?



---
IMINULAT ko ang mga mata. Ano’ng nangyari?

Sumagi agad sa isip ko ang mga nangyari kanina. Kung paano ako paulit-ulit na nagmakaawa kay Yro na hindi niya ako iwan, ang mga masasakit na salitang sinabi niya, ang pagkawalan ko ng malay matapos niyang umalis. Lahat ng iyon tila nagbalik sa isipan ko.

Pumasok si Manang Heart bigla kaya nanghihina akong napatingin dito. Siya ang tanging kasambahay na kasa-kasama namin dito ng asawa ko sa Mansion.

Humahangos pa ito at tila may nais sabihin sa aking importanteng bagay. 

“Ma’am, si Sir Yro ho...”

“B-Bakit ho, Manang? Ano po’ng nangyari sa asawa ko?” tanong ko. Bakas pa rin sa akin ang panghihina, pero wala akong pakialam.

Hindi siya mapakali kaya feeling ko hindi maganda ang ibabalita nito.

“N-Naaksidente po. Bumangga ang sinasakyan n-nilang kotse at p-patay na raw po si Xanthia.” What?!

Nabigla ako sa mga sinabi nito. Tumayo ako at lumapit sa kan’ya.

“A-Ang asawa ko ho, Manang? Kamusta siya? Nasaan po si Yro?”

“Pinapapunta ka agad sa hospital ng mga magulang ni Sir. S-Sinabi ng Doctor na kritikal ang lagay niya ngayon,” aniya at hinawakan ang mga kamay ko.

Dali-dali akong nagpunta sa lugar kung nasaan siya. I really need to go there.

Huwag naman sana ang asawa ko. Ako na lang sana. Hindi ko siya kayang mawala sa akin. Hindi ako papayag na mawala siya sa akin sa ganitong paraan.

Iligtas N’yo po siya.

Gagawin ko ang lahat para sa kan’ya. Tanggap ko ang miserableng buhay sa piling niya. Mahal na mahal ko si Yro.

Kahit buhay ko pa ang maging kapalit, ayos lang. Kahit ako na lang sana ang mawala, h’wag lang siya.

Maybe someday, he would realize the depth of my love for him and cherish me as much as I cherished him.

Mahal ko siya higit pa sa sarili ko. Even if I die just to feel his sincerity and my worth for him.

Just to feel his love.





---
Please, leave a vote★ and comments!

“Inevitable Sunset”
©Reehomyyz

Inevitable SunsetWhere stories live. Discover now