Juan Leg Bondoc

3 1 0
                                    

Pedro: Pigilan niyo po siya, Ninong Juan. Mapanganib ang gagawin niyo.

Juan: Hindi mo kilala ang angkol mo. Kapag ginusto niya, gagawin kahit ano ang mangyari.

Pedro: Kinakabahan ako, 'Nong. 

Juan: E, wala akong magagawa. Ayaw ko siyang kontrahin.

Pedro: Sabihin mo na lang po na bayad na ang graduation at tuition fee ko para hindi na siya gumawa ng masama. Gagawan ko na lang po ng paraan para mabayaran ko. Magbebenta na lang po ako ng kung ano-ano.

Juan: Naku, Pedro, hindi naman ako papayag na gawin mo 'yan. Huwag mong ibenta ang katawan mo.

Pedro: Hindi po katawan, Ninong... mga gamit po, gaya ng gadget.

Juan: Ah, akala ko... Linawin mo kasi.


Sa di-kalayuan, tanaw na tanaw at dinig na dinig ni Hudas ang usapan ng dalawa.

Hudas: Traydor din talaga ito si Pareng Juan. Ipinaalam niya talaga kay Pedro ang plano ko. Kaya pala ayaw niyang sumama. Yari ka sa akin, Juan Leg Bondoc. 


TipakLong StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon