"Kita kits sa highschool guys" ani ni Lorraine sa amin.
Hindi ko magawa na makisaya sa kanila dahil sa public school na ako mag-aaral ng highschool. Samantalang sila ay dito pa rin sa private school na ito.
Walang umattend ng graduation ko. Wala akong kasama na umakyat ng stage dahil busy sila sa trabaho.
Nangako si mama na maghalf day siya sa trabaho. Inantay ko siya kasi siya ang mag-aayos sakin. Habang lumalapit ang oras ng graduation ko, walang mama ang umuwi. Tumawag na lang siya na hindi siya pwede maghalf dahil may event sa trabaho nila. Siya kasi ang manager ng kumpanya na pinapasukan niya.
Nag-enroll na ako sa bago kong eskwelahan. Ang daming bago sa kapaligiran. Walang aircon sa bawat room. Ang mga mag-aaral ay panay ang mura.
"T*ng-ina mo josh" ani ng isang mag-aaral. Mapapapikit at mapapatakip na lamang ako ng tenga dahil hindi ako sanay na ganyan.
First Day of School
Hinanap ko na ang section ko. Jacinto ang aking section at Grade 7 ako. Pumasok ako sa room nagulat na lamang ako na may hawak silang pamaypay. Naghanap na ako ng mauupuan. Umupo ako sa bandang gitna dahil iyon ang nakita ko na bakante pa. Ramdam ko ang init sa classroom.
"Hi, ako nga pala si greta" ani ng katabi ko
"Hello, ako si Czharina"
"Taga saan ka pala?" Greta
"Jan lang ako sa Pena bago mag balite. Ikaw ba taga saan ka?"
" Ahh, sa burgos pa ako eh" Greta
"oh, ang layo mo pala. Bakit dito mo naisipan pumasok?"
"Maganda daw kasi dito. Magaling magturo ang mga teacher" ani Greta at dumating na ang guro namin sa unang subject. Sabay kaming magrecess ni greta at sabay din kaming uuwi haha.
Nasa labas na kami nang room ng napansin ni greta na naka footsock pa ako. Hays. Wala kasing ganon sa dati kong school. Ang daming bago. Halos naririnig ko ay mura. Ang iba pa ay may mga boyfriend at girlfriend.
Nang makauwi na ako samin. Kumain at kumilos na ako sa gawaing bahay. Pagkatapos ay ginawa na ang assignments.
Everything went well. Nang bigla akong asarin ng isang lalaki. Panay sabi siya ng "Ang cute mo" at si greta naman ay inaasar na ako na may gusto daw ako doon sa lalaki na iyon. Hanggang sa kumalat na yon sa room at nagsimulang mang asar ang mga classmates ko.
Isang gabi nagfriend request na ang lalaki na iyon sa Facebook ko. Inaccept ko naman dahil kaklase ko siya. Nagulat na lamang ako ng nagmessage siya.
"Hi" message niya
"Hello" Reply ko
"Crush mo daw ako sabi nila" aniya. Ang kapal naman ng muka pero cute siya ha. Medjo mataba siya pero sakto lang dahil na rin siguro sa height niya. Matangkad kasi siya eh. Matalino pa."Hindi ah. Naniwala ka naman sa kanila"
Araw at gabi magkausap na kami nitong si vince. Hindi ko kinakaila na nagkakaroon na ako ng feelings sa kanya. Ganito pala pakiramdam ng nagmamahal. Hanggang sa isang araw nagtanong na siya sa akin.
"Pwede bang manligaw?" Ani vince. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dahil una ko itong naranasan. Siya ang magiging una kong boyfriend. Kaso may paninindigan kasi ako sa sarili na Date to marry. Ayoko ng papalit palit na lalaki.
Pinayagan ko siya manligaw ngunit pagtapos ng tatlong araw na panliligaw niya ay sinagot ko na siya. July 26,2016 iyon. Pinapangako ko sa sarili ko na siya ang una at huling lalaki na mamahalin ko.
Everything went well. He treats me so good. Sabay kami umuwi palagi. Sabay kami lumabas ng school na magkaholding hands pa haha. Kilig na kilig ako that time kasi first time haha. Ganon pala ang pakiramdam na may boyfriend.
"Happy weeksary luv" Mensahe ko sa kanya. Oh diba weeksary palang binabati ko na siya haha. Nakuha ko yan sa palabas ng aldub haha. Pati sa 2nd weeksary namin ay binati ko din siya.
May nag announce sa amin na parte sila ng Scout. Naghahanap sila ng miyembro. Gusto kong subukan iyon. Gusto din ni greta kaya sumali kami.
"Magkakaroon tayo ng camping dito sa school gaganapin. Sama kayo ha" Ani ng pogi na scout. Sa tingin ko iyon ay Grade 9. Sumama kami ni greta sa camping na iyon at ang aking boyfriend na si vince. Excuse na kami sa last subject dahil kailangan namin bumalik sa school ng 8pm para sa camping.
"Luv, hindi ako matutuloy sa camping. Hindi ako pinayagan ni mama eh." Vince
"Okay lang luv kami nalang muna ni greta."
"Okay luv. Ingat at galingan niyo. I love you"
"Yes po. I love you too" Ang corny, char. kinikilig lang ako. At ayon na nga bumalik na kami sa school para sa camping. Sobrang saya ng camping. Ang dami kong nakilala na iba't ibang grade. Bawal ang cellphone kaya kinumpiska ng mga scouts iyon. Naibalik lang samin kinabukasan pagtapos ng activity.
Sinundo ako ni vince pagkatapos ng camping. Nahihiya lang ako dahil wala akong sapat na ligo. Naligo lang kami sa ulan. Habang ginagawa namin ang palaro biglang umulan. Rain or shine tuloy ang patimpalak ng scouts. Naisipan na lang namin ni greta na sa kanya-kanyang bahay na lang maligo kaya nagpalit na kami ng suot.
YOU ARE READING
Waiting for you
RomanceSi Czharina na nakita ang date to marry niya na lalaki. Ang inaakala niyang lalaki na date to marry ay siya pala mismo ang dudurog ng husto. Maraming nagbago sa isang tao kaya hindi masisi ni czharina na mali ang kanilang oras na pag-iibigan.