Nagpapractice kami ngayon ng sayaw para sa subject na Filipino. Nandon din si vince. Inaantay na matapos ang aming practice. Panay ang asar ng aming kaklase sa amin. Pinipicturan pa nila kami.
Naisipan ko ng ipakilala siya sa pamilya ko. Ayoko kasi nagtatago sa magulang ko. Pagtapos ng practice sinabi ko sa kanya na ipapakilala ko na siya. pupunta kami sa bahay.
"Luv, ipakilala na kita ngayon kila mama"
"Nahihiya ako pero sige" halata sa kanya na kabadong-kabado siya. Ang cute niya tignan haha.
Sumakay na kami ng tricycle papunta sa amin. Napansin ko na medjo tahimik siya nung pagkababa na namin ng tricycle.
'Ma, nandito na po ako" sabi ko nung pagkapasok ko sa bahay. Nagmano naman si vince nung nakita na niya si mama.
"Ah ma, si vince nga po pala. Boyfriend ko."
"Hello vince" ani mama
"pasok na muna kayo sa kwarto. Andon mga kapatid mo czharina. Nakabukas na ang aircon doon. Naglilinis pa kasi ako dito sa kusina at sala eh. Pasensya na vince ah medjo makalat. Hindi kasi nagsabi si melody na may ipapakilala siya haha" tuloy ni mama
"Ma naman. Surprise ito. Joke lang haha" pinasok ko na siya sa kwarto at pinaupo na. Pinakilala ko na din siya sa dalawa kong kapatid. Wala si papa dahil nasa trabaho pa.
Umuwi din agad si vince dahil tinawagan siya ng mama niya kaya hindi gaanong nakapag-usap sila mama at kapatid.
"Nakauwi na ako luv. Sorry hindi ako nagtagal. Hinanap na kasi ako ni mama eh" mensahe niya
"Okay lang luv. Naiintindihan nila yon"
"Czharina, halika mag-usap tayo" ani mama. Kinakabahan ako kasi alam ko na kung ano ang pag-uusapan namin. Masyado pang bata para sa pag boyfriend. I'm just 12 years at grade 7 pa lang. Umupo na ako sa tabi ni mama.
"Czharina, hindi naman masama na mag boyfriend pero kasi ang bata niyo pa. Hindi naman ako tutol pero parang ganon na nga haha. Masyado pang maaga para sa pag gaganyan. Magfocus muna sa pag-aaral. tsaka sure ka na ba sa kanya?. Marami pang lalaki jan. Marami ka pang makikilala. Grade 7 ka pa lang." Naiintindihan ko si mama
"Ma, naiintindihan po kita. Alam ko po na masyado pa pong maaga. Pinapangako ko po na hindi ko po papabayaan ang pag-aaral. Tsaka ma, alam ko po na masyado pang maaga para sa ganto. Pinangako ko po kasi sa sarili ko na isa lang po dapat ang mahalin. Date to marry po ganon"
"Hindi mo pa siya lubos na kilala anak. pero ikaw bahala. Pag naghiwalay kayo. Masakit yan kasi naattach ka ng sobra"
Pinag-isipan ko ng mabuti yon dahil hindi madali magmahal. Masasaktan at masasaktan talaga. Too much love can kill you ika nga. Gumising ako kinabukasan bandang 11pm na. Malalate na ako sa klase kaya nagmamadali akong kumilos. Kakaisip ko kagabi hindi ko na namalayan ang oras kung anong oras ako nakatulog. Inantay ako ni vince sa oval (Montalban sports center) katabi lang kasi non ang school namin.
"Nalate ka ata ng gising luv ah" sabi ni vince habang naglalakad na kami papuntang school
"Oo nga eh. Hindi ko na namalayan oras kagabi eh"
"Hindi mo ako nireplyan kagabi. May iba ka bang kausap?"
"Wala nag-isip isip lang ako kagabi"
"Sure yan ha? Nakita ko kayong nag-uusap ni Paulo kahapon"
"Ahh oo. Napag-usapan lang naman namin tungkol sa group project" ani ko kahit nagsinungaling ako. Umamin kasi si paulo sakin.
"Okay" ani vince
Tumahimik na siya. Bumitaw na rin siya sa pagkaholding-hands namin. Anong nangyayari?. Pagdating namin sa room. Umupo na kami sa seating arrangement namin. Hindi siya tumabi sakin. Ganon kasi siya habang wala pa ang guro namin tumatabi siya sakin para magkwentuhan kami. Sinilip ko kung ano ang ginagawa niya. Nasa bandang likod siya dahil Letter O ang first letter ng surname niya at ako naman nasa harapan dahil letter B ako. Nakita ko siyang naka nap sa upuan niya. Ano bang nangyayari?
Tinitignan ko siya kada subject. Nung nagrecess na, lumapit na ako sa kanya at tinanong kung may problema ba.
"Luv may problema ba? may sakit ka ba?" Kinapa kapa ko pa ang kanyang noo at leeg pero hindi naman siya mainit.
"Wala naman. Magrecess ka na. Bumili ka na ng food mo"
"Tara na bili tayo"
"Ayoko"
"luv dali na bili tayo"
"ayaw, ikaw nalang bumili"
"sige na. Nagugutom na ako eh"
"Ayaw ko nga sabi eh. Ang kulit mo" galit niyang sabi. Nagulat ako dahil hindi naman siya ganyan kaya umalis na lang ako. Sumama na lang ako sa kaibigan ko na si greta. Ang kasabay ni greta ay si Paulo. Sumabay na ako sa kanila magrecess.
"Hay salamat naman at masosolo kita bes" ani greta
"sabay sabay naman tayo palagi eh"
"oo nga. Palagi mo kasing kasama si vince eh hahahah"
"Ayy oo nga.Asan pala boyfriend mo?" Ani Paulo
"Nagalit siya. Nasigawan niya ako. Hindi ko alam kung bakit. Tinanong ko naman siya kung may problema sabi naman niya wala daw."
Hindi maalis sa isipan ko kung ano ang nangyari. Bumili na lang ako ng food. Binilhan ko na din siya ng biscuits at Juice. Bumalik na kami sa classroom. Pagkapasok ko sa room nakita ko si vince at thea na magkatabi at nagtatawanan at may kinakain na siyang biscuits. Hinayaan ko na lang sila. Tumabi muna ako kay paulo at greta. Ako ang nasa gitna nilang dalawa hanggang sa matapos ang klase. Hindi ako pinansin ni vince nung uwian na. Sabay sabay na kaming tatlo pumunta ng sakayan. Samantalang si vince ay kasabay niya ang grupo nila thea.
"Ano na nangyari sainyo? Bakit sa'tin sumabay si vince?" Greta
"Oo nga. Ano ba talagang nangyari?"
"Diba nga pinakilala ko siya kahapon kila mama tapos pagkauwi niya kinausap ako ni mama. Hindi ko siya nareplyan kagabi dahil nag-isip isip ako tapos ayon nagalit na siya kasi hindi ko daw siya nareplyan tapos kausap pa raw kita kahapon paulo"
"Nadamay pa'ko. Alam mong gusto kita pera may respeto naman ako noh. Magkaibigan tayo at ayokong masira yon." Paulo
"Ohmyghad. Wait nahuhuli na ata ako sainyong dalawa" Gulat na gulat na sabi ni greta at tumili tili pa
"Tsaka na yan greta. Hindi ako mapakali jay vince eh"
"Alam mo nagseselos lang yan si vince kaya ganyan" ani greta habang tumatawa pati si paulo ay tumatawa na din.
"Huwag nga kayong tumawa" Nguso kong sabi
Nakadating na kami sa sakayan. Magkaiba kami ng daan ni greta. Sabay kami sumakay ni Paulo dahil parehas kami ng daan.
"Selos lang yon si vince, czharina. Gusto mo kausapin ko siya?" Ani paulo
"Wag na ako ng bahala"
Nakarating na ako ng bahay at dali-dali kong chineck ang phone ko kung nagmessage na siya.
"Sabay pa talaga kayong umuwi ni Paulo ha" bungad ng mensahe niya. Tama nga sila nagseselos ang boyfriend ko haha. How cute he is. Magtytype na sana ako ng biglang nagmessage ulit siya
"Maghiwalay na tayo" mensahe niya. Kinabahan ako ng sobra kaya nagreply agad ako.
"luv, pls let me explain" reply ko pero sineen na lang niya. Hindi ko na hinintay na magreply siya at nagpaliwanag na ako.
"Luv sorry kung kasabay ko siya umuwi. Kaibigan ko siya at wala akong kasabay umuwi kasi iniwan mo ako. Sumabay ka kila thea :(" Nakaramdam ako ng pain sa chest ko. Bakit ang sakit? Ito ba yung sinasabi ni mama na masakit pag naghiwalay na. Tama nga si mama. Ang sakit magmahal.
Hinayaan ko na muna siya dahil naiiyak ako. Hindi na ako nakakain ng dinner dahil mas pinili ko na lang magkulong sa kwarto at umiyak.
YOU ARE READING
Waiting for you
RomanceSi Czharina na nakita ang date to marry niya na lalaki. Ang inaakala niyang lalaki na date to marry ay siya pala mismo ang dudurog ng husto. Maraming nagbago sa isang tao kaya hindi masisi ni czharina na mali ang kanilang oras na pag-iibigan.