Tears and Affection 2

5 1 0
                                    

PART 2: I'm your "once upon a time" but I will never be your "happily ever after" 


"Tita Danica, are you mad at me?" Samantha asked.

"No, I'm not mad at you, why would i?" I asked back.

"B-because i'm the reason why you and my daddy broke up, kung hindi po sana ako pinagbuntis ni Mommy edi sana masaya ka ngayon kasama si Daddy." Humihikbi niyang wika.

"Shh…hindi ako galit hindi galit si Tita Danica sayo, tsaka matagal na yun kalimutan na natin, ang mahalaga masaya ang daddy mo." I said while wiping her tears.
"You should be happy because your father loves you."

"How 'bout you tita? I know you're not happy, lagi ka nalang nag paparaya." Umiiyak niyang sabi.

"Don't worry about me, magiging masaya din ako someday, siguro hindi lang ngayon pero darating din yung tamang tao para sakin, so don't cry na okay?"

Tumango lang s'ya bilang sagot.

"But Tita, let me ask you one question."

"Okay go ahead."

"Bakit mo pinalaya si Daddy?" Seryoso n'yang tanong.

Sandali akong natigilan sa tanong n'ya. Ngumiti ako ng tipid sa kan'ya bago sumagot.

"Simple lang, gusto ko lang s'yang maging masaya," Tipid kong sagot ngunit mukhang naguluhan s'ya dahil kumunot ang kan'yang noo,
"Do you think your Dad would be happy if he's with me?"
Nagkibit balikat lang s'ya bilang sagot.

"Sa tingin mo sasaya s'ya kung kasama n'ya ang taong hindi n'ya mahal? Kahit gusto ko s'yang manatili sa tabi ko, hindi pwede dahil nand'yan padin ang katotohanan na mas mahal n'ya ang mommy mo kesa sa'kin, kung pipilitin ko s'yang manatili sa tabi ko, hindi s'ya magiging masaya kaya pinalaya ko na s'ya. Kung ikaw ba ang nasa-sitwasyon ko gagawin mo din ba ang ginawa ko Samantha?" Marahan s'yang tumango.

"Now go to sleep, goodnight Samantha." Wika ko bago lumabas ng kuwarto n'ya.

Yes, nag paraya ako,para sa ikakasaya n'ya,ni Mark. Kahit di ko alam kung ikaka-saya ko. But seeing him happy with Samantha and Elise, makes me happy too even though I'm not the reason of his smile.

Kailangan ko ng isara ang librong hindi na kami ang paksa.

End.

Date Written: Aug. 11, 2021

Tears and Affection (short story compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon