"Seaside"
Nakasanayan ko na yata ang pumunta rito sa tabi ng dalampasigan. Marami akong ala-ala mula sa nakaraan dito sa lugar na ito. Kahit na hindi lahat ng iyon ay naging masaya.
Napapikit ako kasabay ng pag ihip ng hangin. Naramdaman ko ang malamig na pag haplos nito sa aking balat. Kasabay rin nito ang muling pagbalik sa akin ng mga ala-ala mula sa aking nakaraan.
Dito rin mismo sa lugar na ito. Dalawang taon narin ang nakalipas magmula noon..... kagaya rin ng araw na ito Nobyembre 28, habang palubog ang araw.
FLASHBACK
"Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa aking nobyo. Napansin kong kanina pa itong balisa at tila may malalim na iniisip. Habang nakatingin sa papalubog na araw.
Bahagya itong tumingin sa akin. Ngunit hindi nito sinagot ang aking tanong.
Malamlam ang mga mata nito. Pumayat rin ito at masasabi mong sobrang nahihirapan na sya at napapagod sa aming sitwasyon.
Makalipas ang ilang minuto, bahagya itong tumikhim dahilan upang mabaling ang atensyon ko sa kanya. Tumingin din ito sa akin bago tuluyang mag-salita.
"Ito na ang pangatlong Anibersaryo natin, hindi ba?" Halos pabulong nyang saad saakin.
Tumango na lamang ako bilang sagot. Mas pinili kong manahimik sapagkat alam ko na ang patutunguhan ng usapang ito.
"Hindi lang ito ang unang beses na tumakas tayo ng Ospital, tama?" Ngumiti ito ngunit makikita mo parin ang bahid ng lungkot sa kanyang mga mata.
"Ito na ang huling beses na tatakas ako mula sa Ospital, para makita at makasama ka sa lugar na ito."
Sa puntong ito ay tuluyan na akong napaiyak. Itinakip ko ang aking palad sa aking mukha.
Hindi ko kayang makita na nasa ganito kaming sitwasyon. Nasanay ako na palagi siyang naka ngiti at ipinapadama saakin na hinding hindi nya ako iiwan.
Ngunit bakit ngayon........
Tila nag babago ang lahat??
Alam kong darating kami sa puntong ito. Subalit hindi ko inaasahan na sa araw na ito na pala iyon mangyayari.
Naramdaman ko ang dalawang braso na bahagyang yumakap sa akin. Tinanggal rin nito ang mga kamay na tumatakip sa aking mukha, upang tingnan ako sa aking mga mata.
"Mahal ko, mangako ka na hindi mo papabayaan ang iyong sarili. Mahalin mo ang sarili mo kagaya ng pagmamahal ko sayo. Patawad ngunit hanggang dito na lang ako..... mangako kang tutuparin mo ang mga k
Pangarap mo kahit wala na ako sa tabi mo."Sunod sunod na tango ang aking isinagot. Kahit hindi ko alam kung kaya ko bang harapin ang kinabukasan ng wala sya.
"Maari mo nang buksan ang iyong mga susunod na pahina ng wala ako sa tabi mo....."
Naramdaman ko pa ang pagdampi ng kanyang labi sa aking noo bago sya yumakap at tuluyang sumandal sa aking balikat.
Dinama ko ang mga huling sandali na siya ay nananatili sa aking tabi. Niyakap ko ito ng mahigpit pagkatapos ay hiinalikan ang kanyang labi sa huling pagkakataon.
Naramdaman ko ang unti unting pagluwag ng kanyang yakap. Hanggang sa tuluyan na itong bumitaw. Senyales na tuluyan na syang lumisan.
END OF FLASHBACK
Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa akin ang mga pangyayaring iyon...
Patuloy akong umiiyak habang nakatingin sa papalubog na araw.
"Kasabay ng paglubog nang araw ang paglisan mo mahal ko..."
Ang tagal ko nang nangungulila sayo....
Matagal narin mag mula noong ako'y iniwan mo... subalit bakit hindi parin ako nasasanay na wala ka sa tabi ko?
Mahal hanggang kailan ako magiging ganito?
Hanggang kailan ako mangungulila sayo?
Maaari bang isama mo nalang ako riyan sa Paraiso?
Naisin ko mang manatili ka sa aking tabi, ngunit kailangan mo nang umalis at ako ay lisanin para sa ikabubuti nating dalawa. Mas mabuti nga siguro kung hahayaan nalang kitang lumisan at mag pahinga, kesa narito ka nga sa aking tabi subalit ikaw naman ay nahihirapan. Sana nga tama, tama na ikaw ay lumisan at ako ay iwanan.
Alam kong hindi pa ito ang wakas para sa ating dalawa sapagkat.....
"Ang ating pag-iibigan ay maitutuloy sa kabilang buhay, at sisiguraduhin kong hindi hindi na ito muling mag wawakas....."
Date written: November 18, 2022
