Patawad, Paalam
I'm Kairo and I have a girlfriend named Selene, we've been together for almost 4 years. At sa apat na taon na pag sasama namin nasaksihan ko kung paano siya maghirap dahil sa sakit nya.
She has a heart disease, may mga pagkakataon na makikita ko na hirap na hirap na s'ya ngunit patuloy s'yang lumalaban dahil sa pangarap at pangako naming dalawa sa isa't isa. And then kahapon dinala s'ya sa ospital dahil bigla siyang nawalan ng malay. Until now hindi padin s'ya nagigising, so i decided na puntahan s'ya sa ospital para kung magising man s'ya ako ang una niyang makikita.
"Mama kamusta po s'ya?" Tanong ko sa Nanay ni Selene.
"Heto tulog pa din.." Malungkot n'yang wika.
"Mag pahinga na po muna kayo ako na po muna ang nagbabantay sa kanya."
She just nodded, and went out of the door.
Dahil tulog pa sya pinag masdan ko muna ang kanyang maamong mukha.
Mahigit isang oras ko din s'yang pinagmasdan hanggang sa dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata.
"Selene… you're finally awake..." Hindi makapaniwala na sabi ko.
"Just stay here, I'll call your doctor." Dag dag ko pa.
Akmang lalabas na ako ng bigla s'yang nag salita, salitang hindi ko inaasahang sasabihin n'ya.
"Patawad, h-hindi ko kayang tuparin ang mga pangako at pangarap natin para sa isa't isa." Dahan-dahan ko s'yang nilingon.... kasabay ng pag-hikbi n'ya ang pag-patak ng luha ko.
"P-patawad Mahal, ipangako mo sakin na kapag dumating na 'yong babaeng para sa'yo 'wag mo na siyang pakakawalan pa. Mahalin mo s'ya katulad kung paano mo ako mahalin o higit pa sa pagmamahal mo sa akin." Sandali siyang tumigil at ang mga luha n'ya ay tuluyan ng pumatak.
Lumapit ako sa kan'ya tapos niyakap s'ya ng mahigpit.
"Selene, ano ba ang sinasabi mo h-huwag kangang m-mag biro ng ganyan." Wika ko habang patuloy padin sa pag luha
"M-mahal, pagod na ako g-gusto ko ng magpahinga, pwede na ba?" Saad n'ya sa pagitan ng pag-hikbi.
Hindi ko inakala na ganito ang sasabihin ni Selene sa'kin sa loob ng apat na taon ngayon lang s'ya sumuko ng ganito.
Masakit man sa kalooban ko ngunit ito, lang ang paraan upang hindi na s'ya mahirapan pa...
"Sige na Mahal p-pwede ka ng mag-pahinga...."
"Mahal, lagi mong tatandaan ang na m-mahal na mahal kita. Salamat matatapos na ang paghihirap ko. Patawad, paalam mahal ko." Ngumiti pa s'ya ng tipid bago tuluyang pumikit.
Habang ako? Patuloy na umiiyak sa tabi n'ya
Hindi ko alam kung paano ako magsisimula nang wala ka, Selene....
Sinanay mo ako na lagi kang nasa tabi ko....
At ngayong wala kana paano na ako?
Patuloy lang akong umiiyak hanggang sa may naramdaman akong hangin na tila yumakap sa akin...
Iniwan mo na nga talaga ako, Tuluyan ka nang nag paalam sa'kin Selene....
I Love You, Selene I really do, but now you're gone
Farewell my love..
Date written: October 4, 2021
