Chapter 17

188 25 4
                                    


Sa penal na naghintay sila Mazee, Dallas at Taylor para imeet ang kapatid ni Mazee na si Matthew.

"Stay here, babe. We will be back." paalam ni Dallas kay Mazee nang bumaba na sila ni Taylor sa kotse. Hinalikan muna sya sa noo si Mazee at ngumiti bago salubungin si Matthew. Kinausap nila ito tungkol sa pagbisita nila. At napapatingin sa paligid si Matthew na parang hinahanap ang kapatid.

Pumasok na sila sa kulungan at hinihintay na lumabas ang tatay at kuya ni Mazee.

Nang makita ng tatay ni Mazee si Dallas ay napaikot ang tingin sa paligid at hinahanap si Mazee. Pero malungkot ito nang di makita ang anak. Tahimik sila naupo sa may mesa kung nasan sila Dallas.

"Daddy, si Atty. Lindel at Inspector Clarke na po hahawak sa kaso."

Inoobserbahan ni Dallas ang tatay ni Mazee. Mabuti nalang na di sya sumama dahil baka maiyak lang sya sa kalagayan ng ama. Tahimik lang ang daddy ni Mazee at halos ang kuya nya at si Matthew ang nakikipag usap kay Dallas. Pinag uusapan nila ang panig ng tatay at kuya nya.

'As I thought..' seryosong sabi ni Dallas.

"I noticed that too." syang sabi ni Taylor.

"May pag asa ba na mapatunayan na inosente kami ni Daddy?" tanong ng kuya ni Mazee.

"What do you think, Atty. Lindel. Can you prove their inosense?" pagtatranslate ni Taylor sa sinabi ng kuya ni Mazee, pero naiintindihan naman nya sinabi nito.

"Once I gather all what I need, I guess I can." sagot ni Dallas. Halos mapaiyak naman ang kuya ni Mazee sa narinig.

"Salamat, attorney. We know that we did something to you.. But, thank you." sincere na sabi ng kuya ni Mazee. Hindi naman kumibo si Dallas at andoon pa rin ang tensyon sa pagitan nila ng tatay ni Mazee. Ang pakiramdam ng tatay nya, nawalan sya ng anak. Naitakwil nya ang anak dahil sa galit sa abogadong kaharap na sya namang tutulong sa kanila ng panganay nyang anak ngayon.

"Attorney." di na napigilang magsalita ng tatay ni Mazee. Tumingin si Dallas sa kanya.

"Si Mazee, yong anak ko. How was she?" tanong ng tatay ni Mazee.

"Don't worry about her. She'll be fine." sagot ni Dallas sa tatay nito.

"Pakisabi sa kanya na.. ingatan nya lagi sarili nya." mahinang sabi ng tatay ni Mazee.

"I will." sagot ni Dallas. "By the way, regarding your bail. It is still a work in a progress."

"Atty. Alam namin malaking halaga yong bail." di na natuloy ng kuya ni Mazee ang sasabihin nang magsalita si Dallas.

"It's nothing. Mazee and I can handle it."

"Daddy, di ba natin itatanong bakit di sumama si Mazee?" tanong ni Morgan ang kuya ni Mazee.

"Hindi na. Wala naman na akong mukhang maihaharap sa kanya. Matapos ng nagawa ko sa kanya. Nagkalubog lubog tayo sa utang dahil sa kin. Nawala ang mga van at nasira pa yong nag iisang natira dahil sa kaso na yan na dinamay tayo at pinagbintangan tayo. Pati bahay nakasanla, ang nanay mo nasa hospital." malungkot na sabi ng tatay ni Mazee. "Sa huli, kung sino pa sinaktan natin, sila pa rin ang tumulong satin. Masaya na ako malaman na maayos sya, na hindi sya nahihirapan sa buhay."

Matapos ng pag uusap nila ay lumabas na sila sa penal. Nag paalam at nagpasalamat naman si Matthew bago ito umalis at sumakay na rin sa sasakyan sila Dallas at Taylor.

"They are fine.." sabi ni Dallas kay Mazee. Ngumiti lang si Mazee at nagsimula na paandarin ni Taylor ang sasakyan.

"Pinakunan na din ni Dallas ng proteksyon sa loob yong tatay at kapatid mo. Kaya wag ka na mag alala." biglang sabi ni Dallas. Napantingin naman si Mazee kay Dallas mula sa backseat at ngumiti. Nakamasid naman si Taylor sa kanya. Napansin kasi nito na di showy si Mazee, tahimik at ngumingiti lang.

As I Thought So (Book 2)Where stories live. Discover now