One

20 2 0
                                    

Geeian P.O.V


Everyone is busy making decision for their role play next month, and also me, just kidding. Hindi ko pa kasi alam kung saan grupo ako mapupunta dahil sa pinagsama ang dalawang magka-ibang major, wala pa rin kasi lumalapit sa'kin ngayon.

Kanina pa ako nakasalampak rito sa sahig at naka-yuko dahil inaantok na ako. Ilang minuto ko rin pinag masdan ang lahat habang nag uusap sila, ako ito, nakasalamapak lang nag hihintay may umaya sa'kin para sa group nila.

This time kahit wala naman gustong isali ako sa group, pwede naman ako sa research team, mas better doon.

"I've already told you, sa group namin si Geeian!" napalinga naman ako ng marinig ko ang boses ni Isae.

Hindi pala ako basta-basta lalapitan ng magiging group ko, kundi pag tatalunan pa ako.

"Pero dapat sa'min siya mapunta dahil kaklase namin siya, kumuha ka na lang sa section niyo!" sigaw naman pabalik ng class representative namin.

Tumayo na'ko sa pagkakasalampak ko at pinag masdan silang dalawa magtalo dahil sa'kin.

"Nag agree na si Geeian, mapupunta siya sa'min." napakunot noo ako. "Kaya hindi ka na makakaangal." tumango-tango ako kahit na wala akong naalalang inaya niya ako sa group nila.

"Ikaw!" tinuro ako ni Maria na class representative ng section namin. "Bakit ka pumayag, hindi ka pwede mapunta sa kanila!"

Tiningnan naman ako ni Isae na nakakaloko tiyaka ngumiti.

"Akala ko ba pinag-sama yung dalawang section, bakit bawal ako sa kanila?" tanong ko sakaniya.

"Dahil ikaw ang alas namin, tapos mapupunta ka lang sa kanila, hindi pwede iyon." sagot nito.

Pinag tinginan naman ako ng mga kaklase ko na para bang nakagawa ako ng krimen. Taas kamay naman ako na para bang sumusuko sa nagawa kong kasalanan.

"When it comes to acting, you are better than me, kaya mo na 'yan." I tap her shoulder at kinindatan siya.

Iniwan ko silang tahimik na nakatingin sa'kin palabas ng room, tuloy parin sila sa pag plano nila sa play. Hinila ko na palabas sa room namin si Isae dahil makikipag-talo na naman ito sa mga classmates ko pag iniwan ko na naman siya mag-isa doon.

"Teka nga, kailan ako pumayag na sa grupo niyo ako mapupunta?" tanong ko sakaniya.

Kita ko naman ang pag pout nito.

"Ayaw mo ba sa'min?" tanong nito. "Kasama ko sa group si Stanley at Arwen."

Parang kumirot bigla ang batok ko sa sinabi niya kung sino ang mga kasama sa group nila. Kaya siguro galit si Maria na mapunta ako sa group nila Isae dahil na sa grupo na pala nila si Arwen, na kaklase ko rin.

"Oo na, nandito na ako sa tapat niyo, may magagawa pa ba ako?" umiling sya. "Pumasok na tayo."

Pumulupot na naman ang braso niya sa'kin at hinila ako papasok, dinala kung na saan ang mga kasama niya, na mapapasama rin ako.

Hanggang third year ba naman ay makakasama ako sa film group, gusto ko pa naman sana mapunta ngayon sa research team ni Sir. Wala na akong magagawa nandito na ako, makakaatras pa ba ako, kaharap ko na sila.

Nakapalibot na kaming sampo sa gilid ng room kung saan naka-room ngayon ang section nila Isae. Oras pa kasi ng Professor namin sa kanila, at kami naman ay maagang natapos ang klase kaya ginagamit namin yung room sa kabila. Ganito sa school namin, hindi lahat ng classroom ay occupied, hindi katulad ng ibang university na bawal tambayan ang mga classroom.

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon