Two

16 2 0
                                    


Isang subject lang ang meron ako ngayong byernes, at umaga pa. Na-take ko na kasi ang ibang subjects before kaya hindi ko makakasabay pumasok sila Isae at Stanley. Hihintayin ko na lang na matapos ang pangalawang subject nila ngayong araw, para makasama ko sila kumain ng lunch. Maluwag naman ang schedule ko ngayong umaga, kaya naman tatapusin ko na lahat ng assignments na sa susunod na linggo pa ang pasahan.

"Geeian, send mo na lang sa email ko yung boung part mo sa report." sabi ni Ralf at inabot sa'kin ang notes ko. Tumango ako sakanya at nag ayos na ng gamit ko.

Paglabas ko ng room, nag-lakad na ako papunta sa student lounge dahil maaga pa naman, doon ko na lang rin hihintayin sila Isae at Stanley. Normal na, na biglang may kakausap sa'kin sa student lounge lalo na tuwing mag-isa ako, may mga lower grade kasi na laging nag tatanong sa'kin or humihingi ng advice sa mga subjects na same course and department ko lang rin.

Abala akong nagtitipa ako sa laptop at hindi ko na namalayan na dalawang oras na ang lumipas, malapit na matapos ang klase nila Isae. Nag messages na ako sa kanila na nandito lang ako naghihintay, pero walang nag rereply ni-isa sa kanila. Nagugutom na rin ako dahil wala pa akong kain simula kaninang umaga. Late na kasi ako nagising. Usually five in the morning pa lang gising na ako, pero saktong six na ako nagising at ang oras ng klase namin is seven thirty, halos kalahating oras pa ang byahe ko papunta rito sa university, kaya naman gahol na sa oras kung kakain pa ako.

Balak ko sana kanina na bumili ng pagkain bago dumeretso sa room, pero naalala ko na hindi nga pala kami pwede kumain during class sa professor namin kanina. May mga professor kaming pinapayagan kami na kumain habang na sa klase pero iyong professor namin kanina, dinaig pa ang dean ng department namin sa sobrang strict. Noong maabutan nya kasing kumakain ang kaklase ko noon pag pasok nya pa lang sa classroom.. Hindi ko na sasabihin ang ginawa nya sa kaklase ko pero dahil doon sa ginawa nya, mas madali namin syang mapapatalsik sa university na to, dahil marami narin ang reklamo sakanya, pandagdag na lang yung ginawa nya, pero hindi naman namin nireport kasi pinigilan kami ng kaklase namin.

Kung pwede ko lang mapakita sa iba ang kaya kong gawin, baka lahat ng professor sa school na to ay mawala, pero hindi ko naman pwedeng gawin dahil.. 'di bale na lang.

"GEEIAN!" halos mahampas ko ang hawak kong mouse ng marinig ang sigaw ni Isae.

"Nakakabulahaw ka ng ibang studyante." saway ni Stanley kay Isae.

Nag mamadaling umupo si Isae sa tabi ko, nilapag nya sa tapat ko ang dala nitong tinapay kasama na rin ang gatas na lagi kong binibili.

"Ayaw nyo ba sa canteen kumain?" tanong ko.

"Maraming tao ngayon sa canteen kaya bumili na lang kami ng makakain natin" sabi ni Stanley at inabot saakin ang tinapay na hawak nito.

Tumango-tango ako.

"Kaya pala marami-rami rin ang tao rito ngayon, buti na lang walang naki-upo sa'kin." sabi ko at kumain na ng tinapay.

Apat ang klase nilang dalawa tuwing byernes at ang pag kakaalam ko rin ay ganun rin ang ibang sections kasama ang mga kaklase ko, kaya madalas talagang punuan ang canteen tuwing ganitong araw. Pinag buksan ko sila ng gatas na dala nila, kaya naman tuwang tuwa ang dalawa. Lagi akong ganito, I always taking care of them dahil mas matanda ako sa kanilang dalawa.

"Bakit nga pala tinapay ang binili nyo ngayon, huh?" tanong ko. Mag sasalita na sana si Stanley ng unahan ko ito. "Hindi na naman kayo nag-almusal?" hirit kong tanong.

Sabay naman silang tumango at may pagkamot batok pa si Stanley.

"Late na kasi kami nakatulog, tinapos pa namin 'yong presentation namin para bukas." paliwanag ni Stanley.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 22 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon