/05/ - Ocean Kingdom

62 5 3
                                    

"Bakit dito?" pagtataka ni Sky nang dalhin siya ng lalaki doon sa may dalampasigan malapit sa rumaragasang dagat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Bakit dito?" pagtataka ni Sky nang dalhin siya ng lalaki doon sa may dalampasigan malapit sa rumaragasang dagat.

"Bakit? Saan mo ba gusto?" ani ng lalaki habang nakapamulsang binaling si Sky.

Medyo magkasing tangkad lang silang dalawa at magkasing hubog rin. Saktong batak ang mga braso ng lalaki na mas umangat dahil sa suot nitong sleeveless shirt. Malamang, babad din ito sa gym katulad ni Sky.

Tuluyan nang tumila ang ulan ngunit natatakpan pa rin ng makakapal na ulap ang kalangitan. Nilalaro ng malamig na hangin ang buhok ng dalawa pati na rin ang kanilang mga suot na damit.

"Kitang-kita tayo rito," nag-aalangang bigkas ni Sky at pasimpleng luminga. Siniguro niyang walang ibang nakarinig sa kanya.

"Bakit? Kailangan ba tago?" kwelang balik ng lalaki.

"Are you nuts? Nasa open space tayo, oh! Kadiri ka..."

"Ano naman kung open space? Mas maganda nga 'to. Mas malaya mong mailabas 'yan."

"Gago ka ba? Eh, paano kung may mag-video sa 'tin? Tas iupload sa kung saan? Eh 'di sira career ko?"

Biglang humagalpak nang napakalakas ng lalaki na lalong ikinaasar ni Sky. "What are you talking about, dude? Ang paranoid mo naman masyado. Mag-uusap lang naman tayo."

"Mag-uusap?"

"Oo. Bakit? Ano bang iniisip mo?"

Agad na napamaang si Sky, napalunok siya. Teka, akala niya... "Wa-wala. I-Ibig kong sabihin..."

Biglang napapiksi si Sky nang biglang sundutin ng lalaki ang kanyang tagiliran. "Ikaw ha. Obvious na obvious ka, eh. May iniisip kang masama, 'no?" asar nito. "Ikaw ha..." At saka ito humalakhak pa.

"Wag ka nga. Ang judgmental mo," irap ni Sky sa lalaki sabay tingin sa malayo. Naramdaman niya ang unti-unting pag-init ng kanyang taenga. Gustong-gusto niyang lumubog sa lupa at maglaho na lang. Gago naman kasi. Ba't ba niya naisip 'yon?

"Pero kung gusto mo talaga, madali naman akong kausap," agap ng lalaki.

"Tumigil ka nga. Anong akala mo sa 'kin? Desperado? Malibog?" Bumuga si Sky ng hangin, hindi dapat siya mahalatang hindi komportable.

"Bakit? Hindi ba?" Bumungisngis ang lalaki.

Sky's brows pulled together and he disgustedly stared at the guy. Saan ba kumukuha ng kakapalan ng mukha ang isang 'to? "Fuck?"

"I'm just kidding," the guy foolishly said, tapping Sky's left shoulder which the latter immediately avoided.

"Can you stop?"

"I won't. Dahil may sasabihin ka pa. At pakikinggan pa kita. Nakalimutan mo?"

"Kung ganyan ka lang rin naman, 'wag na lang." Lumayo nang kaunti si Sky at hinayaang salubungin ng kanyang katawan ang hangin galing sa dagat.

UE#1 - Sleep Tight, Orion [BXB - SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon