/10/ - Short Notice

55 4 9
                                    

"Cebu talaga, ah?" sabi Adie na nasa manubela

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Cebu talaga, ah?" sabi Adie na nasa manubela. Nakangiti siya habang nakapokus sa daan. Siya na ang nagboluntaryong maghatid ng kaibigan sa airport para iwas na rin sa mga mapanghusgang matang palaging nakamasid sa mga bawat galaw nito. He knew that Twitter's still hot regarding Sky's scandal. Last time he checked, top trending sa site ang #SkyMalibog. Kaya pinagbawalan niya munang magbukas ng socials ang kaibigan. "Hanep. Sobrang liblib naman talaga ng lugar na naisip mong puntahan," sarkastikong dagdag niya.

"Don't worry, I won't stay in the city," mapaklang sagot ni Sky, huminga siya ng malalim. He knew that Cebu is very crowded and very busy, kaya siguro tumaas ang kilay ni Adie nang sabihin niya sa kaibigan kung saan siya pupunta.

"Eh, sa dinami-daming lugar, bakit nga sa Cebu? Sobrang maraming tao doon. Mamaya mapagkaguluhan ka pa."

"Trust me. I know what I am doing." Sky sighed deeply. He was still hugging his carry-on bag.

"You know what, Filo mentioned to me once about Tawi-tawi. Maganda raw doon. Super kaunti lang daw ng tao. And the beaches there are so immaculate. Doon ka na lang kaya pumunta." Adie was very eager to change Sky's mindset. The reason behind—ayaw niyang mas lalong mapahamak ang lalaki sa Cebu lalo na at wala itong kasama.

"Adie, you think with this decision made so abruptly, I still have time to comply all the needed clearances before getting there?" Sky side-glanced his friend with a kick of annoyance. "I only had one day. And besides, matagal ko nang gustong pumunta ng Cebu na ako lang."

Umismid si Adie at umiling. "Wala ka talagang kathrill-thrill sa buhay. Ilang beses ka nang pabalik-balik ng Cebu. Hindi ka pa ba nauumay?"

"You're right. I've been to Cebu already for how many times. And all because of work. You think nakapag-enjoy ako sa bawat punta ko 'don?"

Adie shrugged. "Sa bagay. Well, buhay mo 'yan. Bahala ka. Basta tandaan mo 'yong sinabi ko sa 'yo. Kung andun ka na, don't think about Tinik and the misery he caused. Kalimutan mo muna na influencer ka or whatever."

"Yes, sir," Sky replied tiredly. Susubukan niyang kalimutan ang buhay sa Maynila. Sana talaga magawa niya.

"But still, maging responsible ka pa rin sa mga galaw mo. Kilala kita, Sky. 'Pag masyado ka nang naooverwhelm, minsan hindi mo na alam ang ginagawa mo. Tandaan mo, mag-isa ka lang doon."

Sky rolled his eyes. Adie is like a damn father. Although he doesn't exactly know the feeling of having one but the way his friend reminded him how to be cautious all the fucking time is so bossy-father-na super-duper-higpit kind of thing. Kulang na lang bigyan siya nito ng checklist kung ano ang dapat at hindi dapat niyang gawin. "Noted, manager." He pouted.

"Umayos ka."

Bumuga ng malalim na hangin si Sky bilang sagot. He knew that Adie understood what his response meant. His friend didn't need to repeat his reminders over and over again. Matalino naman siya at nakukuha niya agad ang punto nito.

"And we're here," sambit ni Adie nang iparada niya ang sasakyan sa parking slot malapit sa Terminal 4. "Sasamahan pa ba kita sa loob?" baling niya sa kaibigang mabilis na nagtatanggal ng suot na seat belt.

"Never mind," si Sky. Binuksan niya ang pinto at lumibot siya patungo sa likod ng sasakyan. "Kala ko ba kilala mo ako? Don't you know I'm a strong independent person?" He opened the trunk and pulled out his heavy baggage.

"Akin na! Mabigat 'yan," mabilis na agap ni Adie nang makitang nahihirapan si Sky na buhatin ang bagahe nito.

But even trying so hardly, Sky was able to take out the heavy baggage from the boot. He did it without Adie's help. "Kaya ko 'to mag-isa." He proudly stared at his friend while putting on his hood and his pair of aviator Gucci sunglasses. "And don't worry. For sure, pagbalik ko, hindi na 'to mabigat."

Adie scoffed while crossing his arms over his chest. He was silently judging his friend. "Oh really?

"Hindi ka naniniwala sa 'kin?" tanong ni Sky. Alam niyang sa loob-looban ni Adie, pinagtatawanan lang siya nito.

"Kilala kita 'di ba? You rarely throw or leave your belongings anywhere kahit alam mong hindi mo na kailangan."

Sky sniggered. "Hindi, ah. Masyado kang mapagbintang."

"Yong maalikabok na paper box na nakapatong sa night stand mo?"

"Bigay 'yon ni lola noong grade one ako kasi nanalo ako sa spelling contest. May laman 'yong candies noon."

"Eh, 'yong disposable spoon and fork na hanggang ngayon ay nasa cutlery rack mo pa rin?"

"Yon ang ganamit namin ni Thorne noong isang gabi na plano sana naming kumain sa labas kaso sobrang ulan kaya nagpadeliver na lang kami ng Jollibee. Sobra kayang special sa akin ang gabi na 'yon."

Adie laughed and had his face slap moment after Sky mentioned his latest argument. "Yong mga papel na nasa closet mo. Sobrang luma na ng mga 'yon."

"Mga sulat ko 'yon kay papa noong bata pa ako. Kahit hindi ko naibigay, at least nakuha ko pa ring sabihin sa kanya ang mga nangyayari sa buhay ko... kahit alam kong wala namang pakialam sa 'kin yong tao."

"So ibig mong sabihin may pakinabang pa ang mga 'yon sa 'yo hanggang ngayon?"

"Huwag mo nang pakialaman ang mga bagay-bagay sa buhay ko. Alam ko kung ano ang mga bagay na may silbi at wala. At saka, ang sobra mong intrusive. Manager lang kita, 'di ba?"

"Best friend slash manager slash basher slash dakilang Marites ng buhay mo."

"Mas kilala ko pa rin sarili ko kaysa sa 'yo."

Muling umiling si Adie at bumuntong-hininga. Kumibit-balikat siya. "Sabi mo nga. Sige na. Check in ka na. Mamaya mahuhuli ka pa sa flight mo."

Sky rolled his eyes. "Bye." Isinukbit niya sa likod ang kanyang backpack, hinila ang bagahe, at mabilis na lumakad. Nilagpasan niya ang kaibigan.

"Ingat ka, boy," sigaw ni Adie habang tinatanaw ang kaibigan na papasok departure lounge. "Iyong bagahe mo, siguraduhin mong magaan na pagbalik mo!" pahabol niyang panunukso rito.

Sky did not glance back at his friend even if Adie's voice echoed all over the place and turned some nosy heads. He just raised his middle finger as response.

 He just raised his middle finger as response

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
UE#1 - Sleep Tight, Orion [BXB - SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon