Incompetence

5 0 0
                                    

Sabi ng mga tao ang impyerno daw ay nababalot ng apoy, mga ulap na mistulang nagdurugo, mga halamang hindi mo makilala dahil patuloy itong nagliliyab para bang kandilang paulit-ulit sinisindihan, halos walang natitira kundi abo sa mala uling na lupa dahil dito nila sinusunog ang mga kaluluwang makasalanan. Ang pinaka tumatak sa akin ay ang paniniwala nilang, ang impyerno daw ay puno ng pagdurusa dahil ang mga nilalang na namumuno dito ay nasisiyahan tuwing sila ay nananakit ng iba.

Ngunit hindi yun ang nakikita ko araw-araw. Ang impyernong pinapaniwalaan nilang lumiliyab ay nagyeyelo sa kalamigan . Ang mala kandilang halaman sa kanilang isipan, sa katotohanan ay di kailanman tinutubuan ng bunga dahil ito ay nagyeyelo. Ang lupa na sinasabing nagmimistulang parang uling , sa katotohanan ay natatabunan ng puting yebe.

Ang pinaka importante sa lahat. Sa kalagitnaan ng yebe at mga istruktura makikita ang mga demonyo, mga sundalong naghahanda para sa sunod-sunod na digmaan. Saan nagmumula ang mga demonyo? Ang mga kaluluwa ng tao, sa oras na sila ay napunta sa impyerno ay nagkakaroon ng sari-sariling mahika, kapag pumasa sila sa training doon sila nagiging demonyo.

Grabe ang hirap palang magsalita na parang nasa makalumang panahon! Carry yan, Continue! Oo napaka sakim nga ng mga demonyo, pinaparusahan nila ang mas mahina, at tinitingala ang mga malalakas. Kaya naman lahat ng kaluluwang kakarating lang sa impyerno ay palaging pinahihirapan, pinipilit makasali sa digmaan kahit mauuwi lamang sila sa kamatayan. Di ko alam kung paano umabot sa mundo ng mga tao ang balita na to, pero haays bahala na.

"Your royal highness"

"Ay kabayo! Ginulat mo naman ako. Sinira mo moment ko ha!"

Di ko pa pala napapakilala sarili ko. Ako nga pala si Vexalia Hirtasya, daughter of the demon king Mammon, di siya yung matamis na pagkain ha. Mammon is the demon king known as Greed. Let's skip introducing my father, di kami close. Explain ko na lang mamaya

I'll describe myself first. Maputi po ako, kasing puti ni Snow White at kasing ganda ni Sleeping Beauty, pero yung Sleeping Beauty na mahilig uminom ng kape kaya laging gising. Yung buhok ko naman parang kasing smooth nung kay Rapunzel pero namuti na sa kunsumisyon. Madalas akong magsuot ng white clothes, oo para akong ermitanyo pero maraming nagsabing maganda ako kaya wag mo akong asar-asarin.

Now to introduce someone else, eto palang englisherong nanira ng moment ko kanina ay si Cole Greuel, sige nga pronounce niyo apelyido niya? Siya ang pinaka trusted na butler ko. Not only that, he is my only friend as well. Just to describe his features, he is handsome. Maputi siya na may mahabang kulay itim na buhok at asul na mga mata. Halos pinagkakaguluhan yan lagi ng mga demonyo lalo na kapag nagtratraining, paano naman kasi laging kita abs niya.

"Abs hehe"

"Mahal na prinsesa ano ba yang iniisip niyo at natutulala ka?"

"Ikaw... Este. Wala naiisip ko lang itong mundo natin." Nako writer ikaw na nga lang magkuwento at nahahalata ng readers pagkabaliw ko deep inside.

3RD Person POV

"Mahal na prinsesa. Maari mo bang sabihin sakin kung ano ang bumabagabag sayo?" Napansin ni Cole ang nagaalalang mukha ni Vexalia habang ito ay nakatanaw sa bintana, pinapanood ang yebeng nahuhulog mula sa himpapawid.

"Diba sabi ko sayo. You are a friend of mine kaya skip the formalities please." Utos ni Vexalia na may halong buntong-hininga. Napakamot naman sa batok si Cole bago niya naisipang umupo sa tabi ni Vexalia. Ngayon ay pinapanood na nila nang magkasama ang yebeng patuloy na bumabagsak sa labas ng bintana.

"Alam kong di maganda ang trato sayo ng lahat kahit na ikaw ang anak ng hari. And it might be what's making you sad right now, but you know I am always here. You can rely on me."

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon